Napangiti ako nang makitang halos mapuno ng customers ang bistro ng Tita ko. Ordinaryong senaryo lang naman na palaging maraming dumadayo dito dahil sikat talaga ang bistro ni Tita.
"Hindi ka pa ba papasok, Raya?" rinig kong tanong ni Tita nang tumabi ito sa akin. May hawak pa itong brown na tray at may nakakapit na bill.
"Mamaya pa po ang klase ko, Ta." magalang kong sabi.
"Ganun ba? Eh nag-almusal ka na ba? May iniwan ako kanina sa bahay na pagkain baka kako nakaligtaan mong kainin."
"Kumain po ako, Ta. Naihabilin ko na rin kay Lola na uminom ng gamot." sabi ko pa. Ngumiti ang aking Tiya pagkatapos ay nagpalaam na sa akin.
Umupo ako sa upuang bakante at kinuha ang maliit kong notebook. Kailangan ko pang ilista ang bibilhin ko mamaya bago ako pumunta ulit dito at magtrabaho.
Tumutulong ako sa Tiya kapag wala akong masyadong ginagawa. May sweldo naman ako dito pero minsan ay hindi ko tinatanggap dahil nahihiya ako kay Tita. Siya na nga itong nagpapa-aral sa akin, siya pa itong magdadagdag ng sweldo.
Wala namang inaalagaang anak ang Tiya dahil tumanda na itong dalaga. Ewan ko nga ba kung bakit mas pinili niyang maging single hanggang sa magkaedad na. At nang mamatay ang mga magulang ko ay siya na ang naging kasama ko sa buhay kasama ni Lola. Kaya nga malaki ang utang na loob ko kay Tita.
Tumayo na ako matapos kong isulat ang lahat ng bibilhin ko. Pumasok ako sa loob ng maliit na opisina ni Tita upang magpaalam.
"Ta, alis na po ako. Baka maubusan ako nang masasakyan." sabi ko. Tumayo si Tita at nagmano naman ako dito.
"Ingat ka sa daan." Pagpapaalala nito.
"Sige po."
Lumabas na ako ng bistro at naghintay ng masasakyang pampasaherong jeep.Sakto namang pagkalipas ng ilang minuto ay may huminto sa tapat ko.
I am a second year college student. Sa murang edad ay namulat na ako sa buhay na dapat ay paghirapan ang lahat. If I have to give my all just to achieve something, I'll do it. Mahirap man pero kailangan kong gawin. Ito na lang din ang maibibigay kong kapalit sa paghihirap ng aking tiyahin.
Huminto ang jeep sa tapat ng university. Marami-rami na rin ang mga estudyanteng naglalakad. Nang makababa ako ay inayos ko kaagad ang strap ng aking bag.
Ipinakita ko sa guard ang aking i.d bago ako nito pinapasok. Our university has high security. Hindi ito kuntento sa isang guard bawat gate. Tatlo pa nga ang nakatambay palagi. Isang prestihiyosong unibersidad ang pinapasukan ko. Gustuhin ko mang lumipat ay hindi ako papayagan ng Tiya. Mas gusto niyang maging maginhawa ako habang nag-aaral.
"Hoy!" Napatalon ako sa gulat at napatigil nang may gumulat sa akin sa gitna ng aking paglalakad.
Napalingon ako sa aking gilid at napanguso nang mapagtanto kong si Jeni lang pala iyon.
"Tinakot mo ako!" Asik ko. Mahina itong napatawa at hinampas pa ang balikat ko.
"Eh ikaw naman kasi! Mali kaya ang dinadaanan mo!" aniya. Nagtaka naman ako kaya tinanaw ko ang dinadaanan ako. Napakamot ako sa ulo at napagtantong naligaw na naman ang paa ko. Minsan na din naman itong nangyari sa akin kaya sanay na ako.
"Sorry..." Mahina kong paumanhin. Hinila na lang niya ang kamay ko at tumuloy na sa tamang daan.
"Kung ano-ano na naman kasi ang iniisip mo," rinig kong untag niya. Napanguso na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
Huminto kami sa tapat ng aming classroom. Nandoon na ang iba naming mga kaklase at kung ano-ano na naman ang mga ginagawa.
Mayayaman ang mga kaklase ko at kung ikukumpara ang mayroon ako sa kanila ay talo talaga ako.
BINABASA MO ANG
All I have to Give (Absinthe Series 1)
RomanceNuraya just knew she had to give it all. Sa hirap ng buhay kailangan niya na lang talagang ibigay ang best niya para maatim lahat ng pangarap niya sa buhay. She had set all her goals into places but then he came and change everything. Hindi siya han...