Kabanata 23

13.8K 498 42
                                    

Kabanata 23

Possessive

Ngumiti ako kay Helion nang makapasok na kaming dalawa sa loob ng van. Ngumiti ako kina Eion at Rogan na nasa likod at kumaway naman ako kay Crithos na kumakain na ng chips sa tabi ni Geo.

Inayos ni Helion ang mga gamit bago ako umusog para magkasya kaming dalawa. Nasa kandungan ko ang aking backpack na dala at hawak naman ni Helion ang aking kanang kamay.

" Sa may gas station natin daanan si Jeni, Geo." sabi ko. Tumango naman si Geo at agad na pinaandar ang sasakyan.

Ilang araw pagkatapos ng pag-uusap namin ni Helion ay sinabi ko na kay Tita ang plano ko. Akala ko ay hindi ako nito papayagan pero laking tuwa nito nang ibalita ko iyon. Tila inaabangan niyang hingin ko talaga ang permiso niya sa lakad kong ito. Nahihiya rin ako dahil walang dagdag na tao doon sa bistro, mas marami pa naman ang lumalagi doon kapag sembreak.

We're heading to one of the beach resorts Crithos' family owns. Ang sabi ni Helion ay nasa Batangas iyon kung saan likas talagang maraming mga beach resorts. Kahit si Jeni ay nakapunta na rin doon.

Ito ang unang pagkakataon na magbabakasyon ako kasama ng ibang tao—mga bagong tao sa buhay ko. Napangiti ako nang in-on ni Crithos ang stereo ng sasakyan at pumainlang ang isang kanta. Sabay-sabay agad silang nagkantahang lima. Tumatawa pa sa likod si Eion habang katawagan si Nile sa kaniyang cellphone.

" Dude, on the way na doon si Nile." sabi ni Eion kay Helion. Huminto ang van sa isang gas station at doon ko nakita si Jeni na nakatayo malapit sa convenience store at umiinom ng isang energy drink. Binuksan ni Crithos ang kaniyang pinto at siya na ang lumabas para kunin ang kaibigan ko.

" Raya!" tawag niya sa akin nang makapasok siya sa front seat. Ngumiti ako at kumaway sa kaniya. Ngising-aso na naman ang kaibigan ko habang nakatingin kay Helion na nasa tabi. Ngumuso ako at bahagyang umirap.

Bumukas ang pinto sa gilid ni Helion at pumasok si Crithos. He settled himself beside Helion at sinarado na ang pinto.

Hindi rin naman natahimik ang biyahe dahil panay rin ang pagkanta ng mga lalaking kasama namin. Si Helion ay binubulungan pa ako ng mga lyrics na kaniyang kinakanta pagkatapos ay tatawa ng mahina na parang iniinis ako. Si Jeni ay panay rin ang lingon sa likod tapos ay makikikanta rin kasama ng mga lalaki. Jeni's like their sister too. Ewan ko. Kapag magkasama kami ni Jeni sa pagbisita sa band practice nila ay nakasanayan na nila itong kausapin. Ang kaibigan ko naman ay walang inuurungan. Kung tutuusin ay parang mas close pa siya sa kanila kumpara sa akin. Pero masaya ako kasi hindi na lang kaming dalawa ni Jeni ang bubuo sa college years namin.

Nakatulugan ko ang traffic. Ilang beses rin akong hinikab dahil sa mahinang musikang pumainlang sa loob ng van. Habang papikit ako ay siya namang paghaplos ni Helion sa aking kamay na dumagdag sa aking antok. The way he caressed my hands brought me to a light feeling. Lalo na at kinakantahan niya ako sa akong tainga. Ang kaniyang malamig na boses ang naghahatid ng antok sa akin and I'll forever make it as my own lullaby to sleep.

Naalimpungatan ako dahil sa ingay. Nang tuluyan na akong nakadilat ay wala ng tao sa van maliban kay Helion na nakita kong kinukuha na ang bag sa aking kandungan. Naningkit ang aking mata habang pinagmamasdan siya.

" Hey, we're here." bulong niya at hinawakan ang aking kamay. Kinagat ko ang aking labi nang ngumiti siya sa akin. Hinawi niya ang buhok na tumatabing sa aking mukha habang nararamdaman ko ang marahang paghila niya sa aking kamay.

" Are you still sleepy?" malambing niyang bulong sa kabila nang mababa at medyo paos na boses. Ngumisi ako sa kanya bago nagpahila para makalabas ng van.

All I have to Give (Absinthe Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon