Kabanata 9

16.7K 574 85
                                    

Kabanata 9

Name

" Raya naman! Ayusin mo!" napapitlag ako sa sigaw ni Erika. Ramdam ko ang inis doon kaya napayuko ako dahil ang daming nakatingin dahil sa kanyang sigaw.

" Sorry!" sabi ko. Nakita kong inirapan ako nito bago niya sinimulan ulit ang tugtog. Hindi ko na lang pinansin ang tingin ng iba at nagpatuloy ako sa pagsasayaw. Panay ang tingin sa akin ni Erika kaya naman iniwasan ko talaga ang magkamali. Bukas na ang performance namin. At humingi pa talaga si Erika ng oras sa iba naming prof para makapagpractice kami na siya namang laking pasasalamat namin.

Nang matapos ang sayaw ay sinamaan lamang ako ng tingin ni Erika. Hindi ko na lamang iyon pinansin. Palagi namang ganito kapag magkasama kami sa iisang grupo. Hindi ko nga lang alam kung ano ang ikinaiinis niya sa akin.

Umulit kami ng ilang beses hanggang sa magustuhan niya ang kinalabasan ng aming practice. Nang matapos kami ay agad na akong nag-ayos ng gamit. Alas cinco na kaya kailangan kong makapunta agad ng library. Nakakahiya naman kung paghintayin ko pa si Helion doon.

Nagbihis ako ng t-shirt dahil basa na ng pawis ang aking blouse. Naglagay na lang ako ng pulbo para mabawasan ang pamamawis pagkatapos ay kumaripas na ako ng takbo sa Hoeble.

Binati ko ang librarian at ipinakita agad ang aking library card. Hindi gaya kahapon halos walang katao-tao ang library. Inilibot ko ang aking tingin at nakita si Helion na kalalabas lang sa isang helera at may hawak na puting libro.

Humakbang ako patungo sa kanya. Mula sa aking kinatatayuan ay napahinto ako nang siya'y lumingon. Tila natigilan siya nang makita ako pagkatapos ay umayos siya ng tayo. Pinagmasdan ko siyang mabuti. Gaya ng nakasanayan ko ay magulo na naman ang kanyang buhok. Ang kanyang puting polo ay nakabukas ang dalawang unang butones.

Tumikhim ako at tipid na ngumiti. Dahan-dahan akong humakbang patungo sa kanya. Tila iniipit ang aking paghinga sa kada hakbang na aking ginagawa.

Tumigil ako sa kanyang harapan. Nasa gilid lang niya ang mesa at dalawang upuang bakante. Napatingin ako roon at inilagay ang aking bag.

" Hi! I'm sorry if I kept you waiting. We had to practice for our performance task." sabi ko at tiningala siya. Sa tangkad niyang ito na sa tingin ko ay inabot na ng 6 feet ay talagang mapapatingala ako. Hanggang balikat lamang ako nito kaya kailangan ko pang itaas ang ulo ko para makita siya.

" It's okay." aniya sa mababa at bilog na boses. Ngumiti ako at tumango. Buti na lang.

Umupo ako sa bakanteng upuan at inukupa niya ang katabi nito. Sandaling nagtama ang aming braso nang sabay kaming umupo. Nagkatitigan kami at ako agad ang unang nagbitiw ng tingin.

" Anong gusto mong pag-aralan ngayon?" pagsisimula ko.

" You…what do you want?" tanong niya na ikinabigla ko. Nilingon ko siya at tila seryoso siya sa kanyang itinanong.

Bahagya akong tumawa. " Bakit ako ang tinatanong mo? It's supposed to be the things that you want to learn…" sabi ko.

" I want to know more about you…" aniya.

Natigilan ako at mula sa gilid ng aking mata ay nakatitig siya sa akin. Lumipat ang tingin ko sa librong nasa ibabaw ng mesa. Puti lang naman ang nakikita ko at walang pamagat ang librong iyon.

" Alam ko na. Let's try Filipino foods. Are you familiar with them?" tanong ko sa kanya at binalewala ang kanyang sinabi. Iniwas ko na lang na mapatingin sa kanya para hindi ako mailang.

" Okay." rinig kong sabi niya kaya nakahinga ako nang maluwag. Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang sabihin iyon. Wala namang interesadong bagay tungkol sa akin. It was always the usual story others have. Wala namang pinagkaiba ang istorya ko sa iba.

Nagsimula akong magtanong sa kanya ng mga pagkaing pinoy na alam ko. Kapag nagtatanong siya kung ano iyon ay sinasagot ko naman. I would always tell him the ingredients and how it tastes like. So far hindi naman awkward iyon sa aming dalawa. Kapag kasama ko si Helion ay parang mas nagiging komportable ako. Iyon nga lang ay kung hindi ako tititig sa kanyang mga mata. May kung ano atang pwersa ang kanyang mga mata na nakapagpapatunaw sa akin.

" We're done for today?" aniya nang iligpit ko ang inilabas kong ballpen at papel. Isinulat ko kanina ang ipapagawa ko sa kanya. Mga salita lang naman iyon na kailangan niyang tagalugin.

" Oo." sabi ko at tiningnan ang orasan. Alas sais kinse na at alam kong unti-ubti nang kinakain ng dilim ang liwanag.

Nilingon ko ang librarian at nakita ko itong nag-aayos ng mga libro. Tumayo si Helion at inayos ang upuan. Napanguso ako nang makita ko kung gaano kaganda ang pagkilos niya. Is chivalry still alive? Sa ganitong klaseng lalaki katulad ni Helion ay sa tingin ko naroon pa rin naman.

" Let's go." sabi ni Helion at sadya pa akong hinawakan sa palapulsuhan upang igiya palabas ng library.

Habang naglalakad kami ay naalala ko ang tungkol sa pagkapanalo ng kanilang banda. Isang linggo na simula nang makita ko siyang kumanta.

" Your band won the battle of the bands right? I heard you need to choose some random girls from the crowd to date." puna ko. Nilingon ako ni Helion at nahinto siya sa paglalakad.

" You've heard of that? I don't think it's necessary to pick some random girls." aniya at tinitigan ako.

" So you haven't chose someone to date you?" tanong ko.

Marahan siyang umiling at bahagya pang tumaas ng gilid ng kanyang labi. " I haven't." bulong niya ngunit rinig ko naman. Kahit doon sa sagot niya ay parang nawala ang agam agam sa akin. Pero bakit nga ba ako mag-aalala kung may mapili siya? Kanyang choice iyon.

Lumabi ako. Sa mga nagdaang araw ay palagi na lang binabagabag ni Helion ang pag-iisip ko. Lilitaw na parang kabute na magugulat na lamang ako na iniisip ko na plaa siya. Nagkamali nga ba ako ng piniling desisyon? Aatras pa ba ako eh andyan na?

" I'd be comfortable if it's you that I'd date." aniya ngunit hindi ko naman marinig ng klaro dahil parang ibinulong niya iyon sa hangin. Takang tiningnan ko lamang siya. Nang mapagtantong nakatingin ako ay umiling siya at bahagya akong hinila.

" It's getting late. Let's go home, Raya." aniya at sinambit na naman ang pangalan ko. Nasasanay tuloy ako doon. Magaan at parang komportable siyang tawagin ako sa pangalan ko.

" What was your full name, Helion?" tanong ko nang nasa gate na kami. Binati kami ng guard na sa tingin ko ay nasanay ng nakikita kaming dalawa. Nakangiti pa ito sa amin.

Bumati ako pabalik pagkatapos ay hinintay ang sagot ni Helion. Ngunit isang ngiti lang ang ibinigay niya sa akin.

" Why do you want to know, Raya?"

Nagkibit balikat ako. " Gusto ko lang…"

" Helion Draco Argus Georgiadis. That's my name." aniya. Hinila niya ulit ako at huminto kami sa waiting shed. Ramdam ko ang init ng kanyang kamay na nakabalot sa aking palapulsuhan. Tila unti-unti iyong nagdudulot sa akin ng isang nagbabagang sensasyon.

" It's a long name isn't it? My mom loves to call me with those three different names. She would call me Helion if she wants me to be sweet with her. Draco if she's commanding and Argus if she's upset with me." kwento niya kaya napangiti ako. He was smiling while telling those. Siguro ay mahal na mahal ni Helion ang kanyang ina base sa nakikita ko. Parang ngayon lang ata ako nakakita ng ganitong klaseng lalaki.

" I prefer calling you Helion, though." sabi ko. Nilingon niya ako at bahagyang ngumiti. " I also like you calling me with that name." aniya na ikinainit ng pisngi ko.

Nakagat ko ang aking labi at agad na nag-iwas ng tingin. Bakit ko nga ba nasabi iyon? Madalas na tuloy akong nawawala sa sarili nang dahil sa kanya! Shit.

Congratulations po sa mga ga-graduate ngayon at sa mga makakarecieve ng awards! Kudos to you all!

All I have to Give (Absinthe Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon