Kabanata 34

12.6K 351 24
                                    

Kabanata 34

Pagbabago

I stared at the palm of my hands as I was about to start another work. Ngayong araw ay mas maluwag ang schedule ko. I've got time to clear out any appointments for today since I have to meet with the ladies of the Creight family. Nang tumawag ako kahapon sa opisina ng CARAT ay agad akong kinausap ni Adam Creight. He transferred the call to his wife and Alysson Creight was beyond happy that I accepted her offer.

You see, you would never really know what will happen next after a single click of the time. Minsan sa tao hindi natin namamalayan na sa paglipas ng oras nasisiyahan tayo, nalulungkot, nakakaramdam ng pagmamahal at pagkasabik. I learned that we were bound to feel everything. Ang mga bagay na naibigay sa atin ng Diyos ay mga bagay na kailanma'y hindi magiging permanente. The feelings fade and memories were long forgotten. Kaya hindi natin alam na may mangyayaring bago sa buhay natin.

Kaya nga ngayon ay hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman. Kinakabahan ako dahil kailangan kong makaharap ang apat na babae ng pamilyang tanyag sa buong mundo ng business.

I started my work. Isang oras lang ang ilalagi ko sa aking restaurant dahil kailangan kong umalis agad. The usual orders were still on top of our chain. There are times na hindi naman talaga marami ang nasa restaurant especially when its raining. Kung mga national occasion for example, Valentines and Christmas mas marami ang mga taong dumadayo sa restaurant. We would change our menus appropriate for the occasion.

Nang matapos ako ay agad akong nagpaalam sa aking staffs. I changed my clothes into an A-line plain blue dress. Ang usapan ay magkikita kami sa conference room ng CARAT kung saan nandoon ang apat na Creight. I've studied their profile. Isa-isa ay kinilala ko para malaman ko ang mga panlasa ng bawat isa. Lahat naman sila ay bound sa Filipino cuisines lalo na ang asawa ng panganay na Creight. Isang haciendera sa Zambales na may-ari ng isang minahan. They all have a lot in common when it comes to their profiles. Simple ngunit elegante kung titingnan. Mas usap-usapan sila pagdating sa mga charity events.

I parked my car near the building. Hindi naman siguro ako magtatagal dahil iilang detalye lang naman ang kakailanganin ko. I am not the organizer of the event so I wouldn't bother ask about the motif. Tatanungin ko lang ang mga importanteng detalye sa catering.

"Hi, good afternoon." Bati ko sa front desk. The girl stared at me for a while before smiling.

"Good morning ma'am. What can I do for you?"

"Uh, I'm Miss Nuraya Gomez of Casa Gomez. I believe I have an appointment with Mrs. Alysson Creight. Saan ko ba siya makikita?" mahinahon kong tanong.

The girl checked something on her thick book. Medyo natagalan pa kaya naman inilibot ko muna ang tingin sa buong lobby. There's a big portrait of Adam Creight's family. Hanga ako sa kagandahang taglay ni Alysson. She looks beautiful even with this age. Kasama nito sa portrait ang tatlong anak. Isang babae at dalawang lalaki. The girl got most of her features from her mother. I believe she's Ale; isa sa mga kasama nila noon sa restaurant. Nakilala ko rin si Dru na prenteng nakaupo habang malalim ang titig. And the other one was quite familiar. Siguro ay nakita ko na noon sa tv.

"Ah ma'am, nasa fifth floor po ang designated conference room for your meeting. I can call someone to assist you." Magalang niyang sabi sa akin nang makita na ang aking appointment.

"No need. Nasa fifth floor lang diba?"

"Yes, ma'am. Diretso po ang lakad tapos liko lang po sa kaliwa. Yung smoked glass door po yung conference room."

"Thank you." Ngumiti ako bago umalis. I entered the elevator and pressed the fifth floor button. Kung titingnan ay magara ang building ng CARAT. It had been one of the most succesful jewelry company in the Philippines. Kahit sa ibang bansa ay kahilera lang nito ang mga sikat na brand ng mga alahas.

All I have to Give (Absinthe Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon