Kabanata 36

13.2K 388 6
                                    

Kabanata 36

Shadow

Humingi ako ng tawad kay Lia kinagabihan. She’s been calling me nonstop asking why did I ran away without telling the staffs where I’m going. Kwento niya’y sinabi ng staff na bigla na lamang akong tumakbo at walang salitang lumabas. So much embarassment for today! Pagkatapos maging mabait sa akin ng tao ay hindi ako nagpaalam. Nawala rin sa isip ko na itext si Lia na aalis ako. I got sidetracked. Hindi ko alam kung saan ako pupunta matapos ko siyang makitang muli paglipas ng limang taon.

Napikit ako at napabuntong-hininga. I stared at my ceiling contemplating on what should I feel or do. Parang sinabi ko na rin na naaapektuhan pa rin ako.
Mapait akong napangiti. I thought I could bear breathing the same air with him, walking the same paths and being in the same world. Siguro nga hindi panahon ang makapaghihilom ng pusong nasaktan. Wounds take time to heal. Hindi sa limang taon o sampu, hindi lamang sa oras nakasalalay ang paghilom. Maybe it wasn’t really time that I want. Maybe it’s something else.
I told Jeni about what happened. Sa sobrang taranta at kaba ay hindi ko maayos na nakausap ang kaibigan ko. And worst, I interrupted her from an important meeting. Ngunit sinagot niya naman dahil alam niyang kapag ako ang tumatawag ay sobrang importante.

I could imagine Jeni rolling her eyes on me while I am talking. Kinakalma niya ako sa paraang tinutukso pa dahil sa nangyari. It didn’t help a little! Mas lalo ko lang natandaan na nagkita kaming dalawa at ang ginawa ko lang ay titigan siya.

“ Raya, akala ko ba nakamove-on ka na? Why are you acting like that? Ano ngayon kung nakita mo siya? You should’ve acted normally!” aniya sa akin.

Napainom ako ng tubig nang wala sa oras. Umaktong normal? Paano iyon? Kakausapin ko siya at kukumustahin?

Makikipagkamay ako at ngingitian siya na parang naging okay ang lahat sa akin sa mga nagdaang taon?

“ Raya, sinabi ko na sa’yo noon, magkikita at magkikita kayong dalawa. Gustuhin mo man o hindi. At sana naging handa ka sa pagkakataong iyon but it seems like, you’re not. Tingnan mo ang nangyari. I’m not saying that you look pathetic because you did what you did but I guess you haven’t moved on even a bit. May galit ka pa rin...may poot pa rin at kaba.” Mahinahong paliwanag ni Jeni.

Napakagat labi ako. Wala sa sarili akong napatango. Jeni’s right. Kahit anong tanggi ko ay hindi ko pa rin matanggap ang nangyari. Sa unang pag-ibig ay nabigo ako at nasaktan nang walang paliwanag. Sa unang pag-ibig nadama ang saya, kaba, lungkot at pagmamahal ngunit hindi sapat iyon para tanggapin ang nangyari. He left me without a word. He left me without asssurance that he would come back. We had no proper breakups or whatsoever. Naging kami ng mahigit dalawang buwan at alam ko sa sarili ko na naging totoo ako at ang pagmamahal ko.

Ayaw ko mang sabihin ngunit makalipas ang isang taon matapos niyang umalis...umaasa pa rin akong babalik siya. Akala ko sapat na ang paghihintay na iyon para bumalik siya at magpaliwanag ngunit wala. Nabigo ako. Eventually, I stopped caring and waiting. I forced my heart to stopped beating whenever I write or hear his name. I forced my mind to forget but it seems like they’re all getting back. Pinapadama sa akin ang mga pilit kong kinakalimutan.

Isa akong sinungaling.

Mapagpanggap.

Nakakatawa dahil hanggang ngayon...alam na alam ko pa rin kung ano ang pakiramdam na nandiyan siya sa paligid. Nadadala pa rin ako sa malalim na titig ng kaniyang mga berdeng mata. Kinakabahan pa rin ako sa presensya niya.

“ May problema ba, Raya?” tanong sa akin ni Tita nang mapansing natigilan ako sa paggalaw ng aking pagkain. Tipid na ngumiti ako at umiling. Nagpatuloy ako sa pagkain kahit na ramdam ang malalim na titig sa akin ni Tita.

All I have to Give (Absinthe Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon