Kabanata 6
Will
Minsan talaga sa buhay kailangan mong maghirap at kailangan mo ring makaramdam ng pagod. Ilang beses ko ng naramdaman ito at gaya noon ay parang mawawalan ako ng pag-asa.
Ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng takot pagkatapos ng ilang taon. Noong huli kong naramdaman ito ay noong namatay ang mga magulang ko.
Napaangat ako ng tingin nang may naglahad sa akin ng mainit na kape. Umayos ako ng upo at pinunasan ang luha sa gilid ng aking mga mata.
"S-salamat." sabi ko bago suminghot. Dinamdam ko ang init ng kape at pinagmasdan siyang umupo sa upuang nasa tapat ko. Pinagmamasdan ko siyang habang inililibot ang tingin sa kabuuan ng ospital.
Napabuntong-hininga ako. Sobrang pagod ko na mula sa school pagkatapos ay ito ang bubungad sa akin habang nahihintay ako sa gate kanina.
Nakatanggap ako ng text mula kay Ate Nina na nahimatay si Lola. Kaya naman nataranta ako at naluluha habang pumapara ng taxi ngunit lahat ng dumaraan ay may mga pasahero at yung iba ay nilalagpasan lang ako.
Laking pasasalamat ko na lang na dumating siya habang humahagulgol ako sa may waiting shed.Minsan napapaisip ako kung sinasadya ba ng tadhana ang lahat para magkita kami ulit?
Kahit nahihiya ako at parang sobrang nandidiri sa aking hitsura ay sumama ako sa kanya nang mag-alok siyang siya na lang ang magdadala sa akin sa ospital. Ang tanging naiisip ko na lang nun ay si Lola.
Pagdating namin kanina ay nandoon si Ate Nina ngunit wala si Tita. Sinabi sa akin ni Ate Nina na hindi niya matawagan si Tita. Gumaan lang ang pakiramdam ko at nagpasalamat na nadala agad si Lola sa ospital. Laking pasasalamat ko rin sa lalaking ito na nagmagandang loob sa akin.
Pinagmasdan ko siya habang nakaupo. Gaya noon ay medyo magulo ang kanyang buhok na para bang sinadya niya lang. Ang mga mata niya ay nasa sahig lamang at parang mas interesado siyang tumitig doon kaysa sa akin.
Sino ba namang makakatingin sa akin kung ganito ang hitsura ko? Namumula ang aking ilong at may bakas pa ng luha ang aking mga mata. Nanlalagkit ako at puro hibla ng buhok ang nakakapit sa aking balat. Ang dungis-dungis ko na tuloy.
"H-hindi ka pa ba aalis? I mean, kung may gagawin ka pang iba okay lang naman na maiwan ako ditong mag-isa…" panimula ko upang mabasag ang katahimikan sa pagitan namin.
Nag-angat siya ng mukha at mula sa pagkakatingin sa sahig ay napatingin siya sa akin. Naging malalim ang pagtitig niya at bakas doon na seryoso siya. Nahiya at nailang ako dahil hindi ko alam kung pinagtatawanan na ba niya ako sa loob-loob niya dahil ganito ang hitsura ko.
"I'll stay here until your Aunt arrives." aniya at mataman akong tinitigan.
"Pero—
"I said, I'll stay." putol niya sa sasabihin ko sanang pagtutol. Naitikom ko na lamang ang aking bibig at nahihiyang tumango. Kahit gusto ko itong paalisin ay hindi ko na magagawa dahil parang pinal na kapag siya na ang nagsalita.
Dinamdam ko na lang ulit ang init ng kape sa aking palad. Kahit papaano ay naibsan ang bigat na nararamdman ko.
Napaangat ako ng tingin nang bumukas ang pinto sa kwarto ni Lola at iniluwa nun ang doktor. Agad akong napatayo at inilapag ang baso ng kape sa katabi kong upuan. Sa gilid ng aking mata'y tumayo rin siya at tumabi sa akin. Doon na napatingin ang doktor.
"Dok, kumusta na po ang Lola ko? M-may problema po ba?" tanong ko.
"So far everything's under control hija. I suggest to not exposed your Lola in pollution. The reason why your Lola passed out was because of chest pains. Mas mabuting 'wag niyo siyang palabasin ng bahay at ipagpahinga na lang." paliwanag nito sa akin. Tumango-tango ako at inalala lahat ng sinabi ng doktor para masabi ko kay Tita.
"Sige po. Pero so far po ba wala naman po kaming ikakabahala?" tanong ko ulit.
"That's one thing, I wanted to clarify. Is there any other relatives other than you? I need to talk to them regarding your Lola's condition." mataman akong tinitigan ng doktor pagkatapos ay sa kanya at pabalik naman sa akin. Tumango ako at tipid na ngumiti.
"Ako at si Tita na lang po ang nag-aalaga kay Lola. Don't worry doc, sasabihan ko po agad si Tita na kailangan niyo siyang makausap." sabi ko.
"Okay. I'll leave you for now. Excuse me." Tumabi ako upang makadaan ang Doktor. Napahinga ako nang maluwag pagkatapos ay nilingon ko siya.
Tipid akong ngumiti. "Thank you." sinsero kong sabi sa kanya. Dinungaw niya ako at parang malalim ang kanyang iniisip habang nakatitig sa akin. Magtatanong pa sana ako kung okay lang siya ngunit agad siyang tumango.
Napasinghap ako nang hawakan niya ako sa ibabang parte ng aking likod at marahang itinulak. Nagtatakang nilingon ko siya.
"Go. I'll wait here outside." sabi niya sa mababang boses. Natulala pa ako nang bahagya at napukaw lang nang siya na ang nagbukas ng pinto.
Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Nag-iinit ang kalooban ko sa ginagawa niya. Hindi ko nga alam kung bakit ang bait niya sa akin kahit na pinagalitan ko siya noong unang beses kaming nagkita
"Okay " sabi ko na lang at pumasok. Siya na rin ang nagsarado ng pinto at kita kong hindi niya inihihiwalay ang tingin sa akin.
Huminga ako nang malalim bago hinarap si Lola. May mga aparato na nakapalibot kay Lola at nakatakip sa kanya ang oxygen mask. Nag-iinit ang mga mata ko habang tinitingnan si Lola na nahihirapan.
Sabi ng doktor ay okay lang siya. Kumakapit ako sa katotohanang iyon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag pati si Lola ay mawala na rin sa amin. Pakiramdam ko ay bumabalik ako sa nakaraan.
Lumapit ako kay Lola at hinawakan ang medyo malamig niyang kamay. Hinaplos ko iyon at tipid na napangiti nang mag-angat ako ng tingin.
"Pinag-alala niyo po ako, La. Sa susunod po 'wag niyong gagawin iyon ha? Alam niyo pong nasasaktan ako kapag nahihirapan kayo. Sabi ng Doktor okay naman po ang lahat pero La natatakot po ako. Alam ko pong posibleng mangyari ang iniisip ko La. Pero sana 'wag ngayon…natatakot po ako. Sana 'wag ngayon…"
Matapos kong bantayan si Lola ng ilang sandali ay tumayo na ako para papasukin siya sa loob. Ang hirap pala kapag hindi mo alam ang pangalan niya.
Napabuntong-hininga ako at binuksan ang pinto. Nang lumabas ako ay siya namang pagkita ko sa kanya na may dalang puting supot. Inignora ko na lamang iyon at ibinalik sa kanyang mukha ang aking tingin. Nang magkatapat na kami ay iniabot niya sa akin ang supot. Nagtataka man ay kinuha ko iyon at tiningnan ang laman.
Nalaglag ang panga ko. May cup noodles at iba pang pagkaing nasa loob. Awang pa rin ang bibig ko nang titigan ko siya.
"Y-you don't have to..." sabi ko at nahihiyang nagkamot ng panga.
"Don't mind it. I know you're hungry. We've been here for one hour and you looked tired."
"I'll pay—
"Don't ever do it. It's my will to buy you something to eat. " putol niya sa sasabihin ko. At ulit nagsalubong ang linya sa aking noo at inis siyang tinitigan. Palagi na lang akong binabara nito. Yung totoo?
"Ayokong madagdagan ang utang ko sa'yo!" sabi ko na ikinagulat niya. Napatalon pa sa gulat ang dumaang nurse dahil sa pagtaas ng boses ko.
Nakita ko ang pagtiim bagang niya. "I'm not asking you to pay me back, Miss." seryoso niyang sabi sa mababa at nakakapanindig balahibong boses.
"Raya…" sabi ko. Nakita kong nangunot ang noo niya sa sinabi ko.
"My name is Raya. Yan ang itawag mo sa akin." dugtong ko nang hindi niya maintindihan kung ano ang sinabi ko.
Tumango siya. "I know."
BINABASA MO ANG
All I have to Give (Absinthe Series 1)
RomanceNuraya just knew she had to give it all. Sa hirap ng buhay kailangan niya na lang talagang ibigay ang best niya para maatim lahat ng pangarap niya sa buhay. She had set all her goals into places but then he came and change everything. Hindi siya han...