Kabanata 14

15.1K 459 22
                                    

Kabanata 14

Sanay


Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga ulap. Napakaganda nila sa aking paningin. Ngunit maraming pinapahiwatig ang ulap sa atin. This is one of the wonders of the Lord. Kaya sila ginawa ng Diyos dahil marami ang pinapahiwatig nila sa atin. One thing I love about them is that, nakikisabay sila sa pag-ikot ng mundo. Pakiramdam ko'y sinusundan ako ng mga ulap kung saan man ako magpunta. Parang dinadamayan ako sa bawat yapak ko sa buhay.

Nagpatuloy ako sa paglalakad papasok ng university. Hindi naman ako maaga para sa pagpasok dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na ang aking klase. Kailangan ko pang dumaan mamaya sa admin para ipasa ang kinakailangan ng isa kong subject teacher.

Napabuntong-hininga ako. Inaantok pa ako dahil ang dami kong ginawa kagabi. Parang tamad tuloy ang aking katawan na kumilos ngayong araw.

Huminto ako sa main building namin. Hindi na ako nahintay ni Jeni dahil tinext ko naman siyang mauna na lang sa pagpasok. Ayaw ko namang madamay pa ang aking kaibigan dahil sa pagkabagal ko ngayon.

" Hi Ate Raya!" napalingon ako sa bumati sa akin. Kalalabas lang nito mula sa aming building. Gaya ng una kong kita ay parang nahihiya pa itong bumati sa akin.

Napangiti ako. " Hi Haleina!" bumati ako pabalik habang papalapit dito.

" Anong ginagawa mo dito? Sinong kasama mo?" tanong ko at tiningnan ang kanyang likuran para sana alamin kung may sumusunod sa kanya.

" Pupuntahan po sana kita sa inyong classroom, Ate pero hindi naman kita nakita doon. Mag-isa lang po akong pumunta nahihiya po kasi yung kaklase kong samahan ako dito." paliwanag niya.

Tipid akong ngumiti. " Ah, may kailangan ka sa akin?"

" Opo!" aniya at may kinuha sa bag na dala. Isa itong pink na invitation card at inilahad niya sa akin. Tinanggap ko naman bago buksan.

" Sana po makapunta kayo sa aking debut party, Ate. Next week pa naman po iyan pero aasahan ko po talaga kung makakadalo kayo." aniya at parang nahihiya na naman sa akin.

Alanganin akong napangiti. Hindi ko naman gaano kakilala si Haleina kaya naman nahihiya rin ako kung dadalo ba ako o hindi. Okay naman sa akin pero hindi rin naman ako sure kung may makakasama ako. Mas okay ako kapag may kasama para naman may makausap.

" Nahihiya akong dumalo, Haleina. Wala naman akong kakilala doon." sabi ko. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya kaya naman parang nakonsensya ako. Hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin ko.

" Okay po sa akin kung magdadala kayo ng kasama. Please, ate? Gusto kong makita ka sa debut ko, please…" napakagat labi ako. Desidido talaga ito sa pag-anyaya niya sa akin. Pwede ko naman sigurong dalhin si Jeni para may makasama ako?

I sighed. " Sige, pupunta ako kung ikasasaya mo iyon." sabi ko habang nakangiti. Ang kanyang malungkot na mukha ay napalitan ng saya dahil sa aking desisyon. Making someone happy makes me happy. Nakakagaan sa pakiramdam lalo na at ang saya-saya ni Haleina sa aking sinabi.

" Thank you, Ate!" aniya at niyakap pa ako. Mahina akong natawa bago siya bumitaw sa akin.

" Baka late na naman po kayo! Sorry po!"

" Okay lang yun. Sige na, mauna na ako sa'yo. Thank you sa pag-imbita." sabi ko at kumaway na sa kanya. Pumasok ako sa aming building at tinungo na ang aking unang klase.

Salamat sa Diyos at hindi ako nahuli kanina. Late na rin kasing dumating ang aming Prof kaya naligtas ako sa pagiging late. Ngising-ngisi naman ang aking kaibigang si Jeni habang nakaupo sa tabi ko. Siguro'y iniisip na naman kung bakit ako late.

" Kain na tayo, gutom na ako." anyaya niya sa akin nang matapos na ang huling klase namin sa umaga. Ngumuso ako bago ito sinamaan ng tingin.

" 'Wag mo nga akong ngisihan ng ganyan. Kanina ka pa ah!" sabi ko at umirap. Humalakhak siya at hinawakan ako sa braso.

" Joke lang naman Raya! Eh bakit ka ba kasi late? Siguro nakita mo si Helion no?" tukso niya at sinundot-sundot ang aking pisngi. Umiwas ako at napasimangot.

" Hindi. May nakipagkita kasi sa aking freshman at may ibinigay." sabi ko.

" May kakilala kang freshman? Sino yan?" aniya habang papasok na kami ng cafeteria.

" Oo, last week ko lang nakilala yun nagulat nga ako at nakita ko ulit kanina."

" Maganda? Mayaman?"  tanong pa ng makulit kong kaibigan. Mahina akong natawa pagkatapos ay tumango-tango. Paglingon ko ay nakanguso ang aking kaibigan.

" Oh ba't ganyan ang mukha mo? Nagsasabi lang naman ako ng totoo." dugtong ko.

" Wala. Baka kasi palitan mo ako." nagtatampo niyang sinabi. Napasinghap ako natawang muli. Ibang klase rin ang isang ito. Sino naman ang may sabing papalitan ko siya? Siya lang ang ituturing kong pinakakaibigan ko sa lahat.

" Huwag ka ng magtampo. Ikaw lang naman ang bestfriend ko, wala ng iba." sabi ko at pasimple itong kinurot. Nagiging madrama na ang aking kaibigan kaya kailangan ko ng pakainin. Baka dala lang ng gutom ang pagiging emotera niya.

Wala akong ipagpapalit kay Jeni bilang kaibigan ko. Naging katuwang ko na siya sa mga problema ko sa buhay at itinuring ko ng kapatid. Sino pa ba ang ipapalit ko sa kanya? Kaya nga isa siya sa tinuturing kong ulap sa buhay ko. Karamay ko siya sa kahit saan man ako magpunta o kung ano man ang kinakaharap ko. One thing, only a true friend can do to her friend.

Dalawa lang ang klase ko sa hapon kaya naman naglibot-libot lang ako sa campus. Hindi ko na nakasama si Jeni dahil magkaiba na ang schedule naming dalawa sa hapon.

Nagpasya akong maglibot around Business Management building. Minsan lang ako nagagawi dito dahil wala nama akong kakilala. Pero bilib rin ako dahil marami ang mga matatalino dito. Minsan ko na rin kasing inimagine ang sarili ko na namamahala ng business ng isang malaking kompanya.

Natigilan ako nang makakita ng pamilyar na mukha sa akin. Ilang araw ko na siyang hindi nakikita. Kahapon naman ay hindi ko rin siya nakita at wala rin akong ideya kung kailan kami magkikita. Kapag hapon ay pumupunta ako sa library at nagbabakasakaling makikita ko siya. Naging kakuwentuhan ko na nga ang librarian doon kapag natatagalan ako at wala ng tao. Minsan iniisip ko tuloy kung bayad na ba ako sa kautangan ko sa kanya.

Higit sa lahat ay miss ko na siya. Alam kong hindi ko dapat maramdaman ito pero hindi ko maiwasan. Nasanay na yata ako na nandiyan siya sa mga hindi ko inaasahang pagkakataon. Nasanay na akong titigan ang kanyang berdeng mata na parang hinihigop ako at hinihipnotismo. Nasanay na ako sa pabigla-bigla niyang pagsasabi ng mga salitang hindi naman pamilyar sa akin— mga salitang galing pa sa pinanggalingan niya. Nasanay na ako sa pagtuturo sa kaniya kaya naman hindi ko maiwasang hindi siya maisip sa bawat oras na mayroon ako.

Nakita ko nga siya ngayon pero parang nanikip naman ang aking dibdib dahil sa may kasama siyang babae. Silang dalawa lang naman ang sabay na naglalakad at nag-uusap. Kahit naman ay hindi siya ngumingiti sa kausap alam kong interesado siyang makasama ito. Kung hindi naman kasi siya interesado malamang ay dapat mag-isa siyang naglalakad ngayon.

Huminga ako nang malalim bago tumingala. Ang bigat tuloy ng pakiramdam ko nang tumingala ako sa mga ulap. Ngayon ko lang napansin na nagiging itim na ito at nagbabadya na ang sama ng panahon. Hindi ko alam kung nananadya ba ito o ano pero bilib ako dahil nakikisabay ito sa nararamdaman ko ngayon. Sobrang bigat ng ulap na kailangan na niyang ilabas ang nagpapabigat sa kaniya.

Ibinalik ko ang tingin kay Helion ngunit wala na sila. Nakakalungkot. Nalulungkot ako dahil nakita ko siya ngunit hindi ko naman nasilayan ang berde niyang mata at hindi ko rin siya nakausap. Naguguluhan tuloy ako. Hindi ko alam kung haharapin ko siya kapag nagkita kami. Hindi ko alam kung ano nga ba ang gagawin ko kapag kinausap niya ulit ako.

Dahan-dahan akong naglakad hanggang sa naramdaman ko ang tulo ng tubig mula sa itaas. Binilisan ko ang paglalakad hanggang sa lumakas na ang buhos ng ulan. Huminto ako at pumasok sa building na malapit sa akin. Nahinto ako at tumingala. Ang lakas ng buhos ng ulan at hindi ko alam kung bakit namumuo ang luha sa mga mata ko.

All I have to Give (Absinthe Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon