Kabanata 2
Lalaki
Hindi ako nakatulog sa kakaisip kung bakit ginawa iyon ng lalaking iyon. Siguro ay nawe-weirduhan siya sa akin? Pero…
Inis na bumangon ako at ginulo-gulo ang aking buhok. Mababaliw ako sa kakaisip ng rason kung bakit niya nagawa iyon. Nakakainis na nakakayamot.
Pumunta ako ng banyo at naghilamos ng mukha. Dumiretso na rin ako sa pagligo para makapag-ayos na papuntang school. Minsan ay maaga akong umaalis at binibisita ang bistro kapag umaga.Minsan naman ay binabantayan ko muna si Lola kung nakainom na ba ito ng gamot o hindi.
Natapos akong mag-ayos ng sarili. Nang makababa ako galing kwarto ay nandoon na ang tiya sa kusina at nagluluto nang makakain.
"Good morning, tita!" Medyo napasobra sa saya ang aking pagbati at lumapit dito upang tingnan ang niluluto niya.
"Good morning din, Raya. Kumusta naman ang tulog mo anak? Mukhang puyat ka yata. Maraming gawain?" Tanong ni Tita at pinagmasdan pa ang aking mukha. Kinusot ko ang aking mata bago tumango. Ayoko namang sabihin na hindi ako nakatulog dahil sa lalaking iyon.
"Sige na at pukawin mo na ang inay. Para makainom na ng gamot," utos sa akin ni Tita Tumango naman ako at tinungo ang kwarto ni Lola. Nang buksan ko ang pinto ay naabangan ko itong nakatanaw sa bintana at nilalanghap ang sariwang hangin.
"La…kain na po tayo," sabi ko at pumasok sa loob para alalayan itong makapaglakad.
"Magandang umaga, apo. Ang ganda ng hangin ngayon." sabi ni Lola sa mahinang boses. Tumango naman ako at hinalikan ito sa pisngi.
"Oo nga po,La. Hayaan niyo po at sa Linggo ay papasyal tayo sa may parke pagkatapos magsimba." Sabi ko at tuluyan na kaming nakalabas ng pinto.
"Good morning, nay!" bati ni Tita at hinalikan ang pisngi ni Lola. Inalalayan kong umupo si Lola sa dining chair at umupo na rin ako sa tabi niya.
Nagdasal muna kami ng tiya bago kumain. Si Tita ang umasikaso kay Lola sa pagkain habang ako naman ay kumakain lang at pinagmamasdan ang pag-aalaga ng tiya kay Lola.
Siguro kung nandito siguro ang papa ay malamang inaalagaan rin nito si Lola. Masaya naman ako kahit ito na lang ang natitira sa pamilya ko. Ang pamilya ni Mama ay namatay na rin at hindi ko naman gaanong kilala ang mga kapamilya nito. Ang kilala ko lang ay dalawang tiyahin ko na pareho namang naninirahan sa malayong lugar at may sarili na ring pamilya. Sa side naman ni Papa ay si Tiya na lang ang naiwan dahil silang dalawa lang naman ang magkakapatid.
"Tapos na po ako, Tita." sabi ko at iniligpit ang aking pinagkainan. Hinintay kong matapos sina tiya at ako na mismo ang nag-asikaso ng mga pinagkainan. Naiwan si Lola sa kusina habang ang Tiya ay nag-aayos bago pumunta ng bistro.
Nang matapos ako sa paghuhugas ay inalalayan ko si Lola papuntang sala. Ilang sandali na lang ay darating na rin ang magbabantay sa kanya.Mahirap kasing iwan si Lola, minsan ay naglalakad mag-isa palabas ng bahay.Nag-aalala ang tiya kaya kumuha na lang ng magbabantay.
Nang makarating si Ate Nina ay nagpaalam na kaming dalawa ng Tiya kay Lola. Sumabay na lang ako kay Tita sa pagpunta sa bistro at doon na rin ako magbabantay ng masasakyan ko papuntang school.
"May kailangan ka bang bilhin sa school,Raya?" tanong sa akin ni Tita nang makarating kami sa tapat ng bistro.
Umiling ako bilang sagot dahil wala naman akong kailangang ipass na requirements mamaya.
"O sige. Mag-ingat ka sa school niyo." Sabi pa niya at marahan akong hinawakan sa balikat. Tumango ako at nagpaalam na dahil may tumigil ng jeep sa aking harapan.
BINABASA MO ANG
All I have to Give (Absinthe Series 1)
RomanceNuraya just knew she had to give it all. Sa hirap ng buhay kailangan niya na lang talagang ibigay ang best niya para maatim lahat ng pangarap niya sa buhay. She had set all her goals into places but then he came and change everything. Hindi siya han...