Kabanata 17

16.4K 571 111
                                    

Kabanata 17

Sorry

Bawat hakbang ko ay mas lalong dumadagundong ang tibok ng puso ko. Ang kaninang kalamado kong tiyan ay parang hinahalukay dahil sa kaba na nararamdaman ko. Lalong hindi na ako mapakali nang makaapak na ako sa floor kung nasaan ang Hoeble library. Napalunok ako at pinunasan ang aking pawis na dulot ng aking lakad takbong ginawa.

Katatapos lang ng huli kong klase at nagpaalam na ako kay Jeni na muuna na dahil may pupuntahan pa ako. Hindi naman siya nag-abalang tanungin ako kung saan ako pupunta dahil napansin niya yata ang pagmamadali sa kilos ko.

Natataranta ako na ewan. Agad kong inayos ang aking buhok nang may lumabas na mga estudyante galing sa loob ng Hoeble. Mukhang first years naman ang mga yun dahil sa ibang kulay ng kanilang id cord na suot.

Mahigpit ang hawak ko sa strap ng aking bag nang pumasok ako at binati ang librarian na palagi kong nakakausap. Nakangiti ito sa akin na para bang sobrang saya niya ngayon kumpara sa ibang araw na narito siya sa library.

Agad kong inilibot ang aking tingin para mahanap si Helion ngunit wala akong nakita. Siguro'y nandoon sa mga shelf at naghahanap ng mababasang libro.

Kinagat ko ang aking ibabang labi habang naglalakad. Ang kaninang dumadagundong na tibok ng aking puso ay mas lalong lumakas at parang gusto ng kumawala sa aking dibdib. Napahinto ako sa paglalakad at dinama ang tibok nito. Sobrang lakas na parang mabibingi ako. Huminga ako nang malalim bago kinalma ang aking sarili.

Bakit nga ba hindi ako mapakali ngayon? Si Helion lang naman iyon diba? Wala naman siyang gagawin sa akin na hindi ko magugustuhan. Si Helion lang iyon.

Hinanap ko siya sa mga hanay ng shelves hanggang sa mapahinto ako nang makita siyang nakatayo at nakatingin sa mga librong kapantay lang ng kanyang mga mata. Pinagmasdan ko siyang maigi. Ang kanyang isang kamay ay napapaloob sa bulsa ng kanyang pants habang ang isa ay nakataas at itinuturo ng mga daliri ang bawat librong mapadaanan nito. Huminto siya sa pagtuturo ng libro at agad akong napasinghap nang lumingon siya sa akin.

They way his green orbs met mine felt like magic. Parang isang iglap lang ay itinigil nito ang nagwawala kong puso. Naglakad siya papunta sa akin at ako'y naiwang parang tuod at nawalan ng hininga.

Tumayo siya sa aking harapan at agad akong dinungaw. Naiinis ako dahil sobrang tangkad niya na parang hindi ko siya maabot. Kahit papaano naman ay nakaabot ako sa kanyang balikat pero bakit ganun? Nanliliit ako sa sarili ko kapag nasa harap ko na siya.

" You're here…" aniya sa paos na boses. Pinanlamigan ako ay bahagyang nangilabot dahil sa hagod ng boses niya sa akin. Malamig ngunit ang sarap pakinggan. Ganyan ang boses ni Helion.

Tumango ako at hindi nag-abalang ituon ang tingin sa kanya. Nakatingin ako sa kanyang bahagyang nakalitaw na dibdib. Ngayon ko lang kasi nakitang nakabukas pala ang una hanggang pangatlong butones ng kaniyang polong suot.

" A-are we still going to talk about my debt?" tanong ko sa kanya. Hindi naiwasan ng aking sarili ang pagkautal dahil nadistract ako sa paggalaw ng kanyang adams apple.

" No." aniya kaya naman napatingala ako sa kanya. Naningkit ang aking mga mata habang tinititigan siyang nakadungaw pa rin pala sa akin.

" T-then, what are we going to talk about? Isn't that the reason why we're here?" bulong ko para hindi kami masuway ng librarian. Sa lalim ba naman ng boses ni Helion ay baka sitain kami at palabasin ng library.

Hindi siya sumagot bagkus ay hinawakan niya ang palapulsuhan ko at hinila niya ako palabas ng library. Kumaway pa sa akin ang librarian habang nakangiti. Napangiwi ako bago nakisabay sa bilis ni Helion sa paglalakad.

All I have to Give (Absinthe Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon