Kabanata 40
Panahon
Suminghap ako at sapilitang inilayo ang sarili sa kaniya. My heart pounded mercilessly against my chest almost killing me with every smite. Tinitigan ko siya nang diretso sa mata ngunit aking pinagsisihan agad dahil sa malalim at mariin niyang titig. I miss staring at those bewitching green eyes but I remembered every pain whenever I think of those eyes.
“ Sinaktan mo rin naman ako pero tumigil ka ba? Every time I see your face, it just hurts. Bakit? Bakit ka pa ba bumalik?” tumulo ang luhang pinipigilan ko. Umawang ang kaniyang labi at suminghap siya, akmang hahawiin ang traydor na mga luha ngunit umiling ako. Hindi ko kayang maramdaman ang init ng balat niyang humahaplos sa akin dahil kahit isang daplis lang ay parang mababaliw ako.
Napalunok siya. “ It’s been five years, Raya...” Tila nahihirapan niyang sabi sa pagod na mga mata. Lumikot ang aking mga mata. Hindi alam kung saan nga ba itutuon ang atensyon.
Suminghap ako dahil nasasakal ang aking puso sa mga katagang narinig. “ Iyon na nga eh! Five years na! Ayos na ako! Hindi ka na dapat bumalik. Bakit ba kinukulit mo ako? Bakit ba kailangang ipamukha mo sa akin na mas maayos ka na? Bakit hindi mo man lang madama yung sakit na naidulot nang pang-iiwan mo?!”
Mas lalong rumagasa ang mga luhang hindi ko naagapan.It was a good thing that we were already outside. Walang nakakarinig ng mga sinasabi ko mula sa mga taong nasa loob. Mas lalo akong umiyak dahil sa sakit na nararamdaman. Bumalik na naman ulit ang galit at sakit kasi hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na sa unang subok ay ganoon ang mararanasan ko. Tita Rima said it was alright to be in pain and to be hurt for the first time in your life. Ngunit hindi ko inaasahan na sa pagdaan ng taon, ang sakit pala ay matatabunan lang nito ngunit kapag hinukay ulit ay mararamdaman ko na naman ang sakit. How could love be this cruel? Hindi ba pwedeng kapag nagmamahal ay patas lang sa lahat? Na dapat masaya lang at walang problema?
“ Baby, please...” he pleaded, eyes bloodshot.
Pinipigilan niya bang umiyak? Nasasaktan rin ba siya?
Umatras ako, mga tuhod ay nanginginig at tila nagiging marupok. Humigpit ang hawak sa purse na aking dala. “ Bumalik ka na sa kung saan ka man galing. Ayaw na kitang makita pa...” bitterness laced my voice. Sa kabila ng pag-iyak ay hindi ko alam kung saan ako kumuha ng tatag upang masabi iyon.
But why does it hurt when I said those words? Bakit tila taliwas ang sinabi ko sa nararamdaman ko? Bakit tila sumakit ang puso habang nakatitig sa kaniya na nagmamakaawa sa akin?
“ Raya, please listen to me...” he plead again, this time his voice sounded frustrated and desperate for my attention. Kinagat ko ang aking labi at unti-unting tumalikod sa kaniya. I have decided to just walk away and not see him again. Kahit na gustong-gusto ko siyang lapitan at pakatitigan na lamang dahil tila aparisyon siya sa aking harapan.
Hindi pa ako nakakalayo ay niyakap naman niya ako mula sa likuran. The warmth of his body radiated unto mine at nanginginig siya nang ibaon niya ang mukha sa aking leeg. His lips protruded as it kissed my skin. Suminghap ako at sinubukang alisin ang mga braso niya sa akin. Halos hindi ako makahinga dahil sa pagpipigil. Hindi makalma ang aking pusong naghihingalo mahabol lamang ang aking hininga.
I miss his touch, I miss everything. I just miss him. Ngunit ano nga bang pumipigil sa akin?
“ Bitawan mo ako, please. Uuwi na ako. Tell them that I am not feeling well and I am sorry.” I whispered. Matatag ang aking kamay na tinibag ang yakap niya sa akin. His arms untangled languidly, the warmth vanished into thin air. Tumulo ang isang luha mula sa aking mata at dumako iyon sa kaniyang braso. Suminghap akong muli at pinigilan ang pag-iyak. Umalis sa kaniyang yakap at naglakad palayo sa kaniya.
BINABASA MO ANG
All I have to Give (Absinthe Series 1)
RomanceNuraya just knew she had to give it all. Sa hirap ng buhay kailangan niya na lang talagang ibigay ang best niya para maatim lahat ng pangarap niya sa buhay. She had set all her goals into places but then he came and change everything. Hindi siya han...