Kabanata 18
Gusto
Maaga akong nagising tulad ng nakasanayan. Dumiretso agad ako ng upo sa kusina nang makitang handa na ang hapag at nandoon na rin si Lola at pinaghihimay ni Tita ng karne.
" Siya nga pala, Raya kailangan ko ng tulong mo mamaya sa bistro. Aasahan kong maraming tao ngayon dahil may gaganaping assembly meeting sa convention hall malapit sa bistro. Hindi ka naman siguro gagabihin sa pag-uwi?" tanong ni tita nang nasa kalagitnaan na kami ng pagkain. Natigil ako sa pag-nguya at inalala kung mayroon ba akong gagawin mamaya. Sa pagkakaalala ko ay maaga ang uwian namin ngayon.
" Maaga ang uwi ko mamaya, Ta kaya okay lang po. Nakalimutan ko rin ho kasing bumisita sa bistro nitong mga nakaraang araw." sabi ko. Tumango naman si Tita at inabala ang sarili kay Lola. Ibinalik ko ang aking atensyon sa pagkain.
Nagkatinginan kami ni Tita nang may marinig na tumatawag sa labas. Pamilyar ang boses na iyon lalo na at malakas at mukhang kapitbahay lang naman namin.
Nagpresinta akong tumayo upang tingnan at tanungin kung ano ang kailangan. Nang lumabas ako ng pinto at nakita ko ang pamilyar na itim na sasakyan na nakaparada sa harap ng gate namin. Sa labas ng gate ay nandoon si Aling Cedes at nasa likod si Helion na nakasandal sa kanyang sasakyan.
Nanlaki ang mga mata ko nang tawagin ako ni Aling Cedes kaya napatingin sa akin si Helion. Nakita ko ang pag-angat ng labi niya at umayos siya ng tayo.
" Raya! May naghahanap sa'yo." tawag ulit sa akin ni Aling Cedes na animo'y hindi ko narinig ang tawag niya kanina.
Atubili akong nagpalit ng tsinelas na panlabas. Hindi naman ako makakabalik sa loob at magpalit ng damit dahil nakita naman na ako ni Helion. Nakakahiya dahil nakasuot pa naman ako ng shorts at spaghetti strap na blouse. Bakit pa kasi ako nagpalit kagabi? Sobrang init sa kwarto kaya napilitan akong magsleeveless.
Binuksan ko ang aming gate at binati si Aling Cedes pagkatapos ay nagpasalamat na rin. Ngingisi-ngisi pa itong nagpaalam sa akin bago pumasok ulit sa kanilang tyangge na nasa tapat lang naman namin.
Hiyang-hiya akong humarap kay Helion. Kanina ko pa ramdam ang intensidad ng kaniyang titig kanina kaya gusto ko ng bumalik sa bahay.
" What are you doing here?" taranta kong tanong sa kanya. Baka makita kami ni Tita at kung ano pa ang sabihin. Ayaw ko namang maging bastos kay Tita dahil may naipangako na ako sa kaniya noon.
Nakataas ang isang kilay ni Helion sa akin at aliw na aliw pa dahil natataranta ako. Panay ang sulyap ko sa pinto ng aming bahay dahil baka biglang lumabas si Tita.
" I'm here to fetch you, what's wrong with that?" aniya at sinulyapan ang harap namin. Nasa pinto ang kaniyang tingin kaya naman napalingon ako. Nakahinga ako nang maluwag nang hindi sumunod si Tita sa akin para tingnan kung sino ang tumawag.
" Uh… I can go to school by myself, you know?" ani ko at nilingon siya. Nakanguso siya at taka akong tinitigan. Napangiwi ako at napakamot sa batok. Pinasadahan niya ako ng tingin kaya mas lalo akong nailang. Nilalamig ako dahil sa klase ng tinging binibigay niya sa akin.
" What the he—
" Sino yan Raya?" Hindi natapos ni Helion ang sana'y itatanong dahil bigla kong narinig ang boses ni Tita. Namilog ang mga mata ko at ibinaling ang tingin kay Tita na ngayon ay nasa labas na ng bahay at naglalakad papunta sa amin.
Nasa akin ang kaniyang tingin. " Tita…" sambit ko. Naibaling niya ang tingin kay Helion na ngayon ay pormal na nakatayo sa aking tabi.
Bakas sa mukha ni Tita ang pagtataka habang nakatitig kay Helion. Sa tangkad ni Helion ay nakatingala na si Tita para matingnan niya itong mabuti.
BINABASA MO ANG
All I have to Give (Absinthe Series 1)
RomanceNuraya just knew she had to give it all. Sa hirap ng buhay kailangan niya na lang talagang ibigay ang best niya para maatim lahat ng pangarap niya sa buhay. She had set all her goals into places but then he came and change everything. Hindi siya han...