Kabanata 30Maglaan
Napangiti ako habang pinagmamasdan sina Helion na tumutugtog sa stage. Marami ang tao ngayon sa mall dahil may tutugtog na sikat na banda sa showbiz at napili nilang maging front act ang Absinthe. Marami ang kinikilig lalo pa na lahat naman sa Absinthe ay gwapo at may kaya. All of them were having fun. Minahal agad sila ng madla kahit na hindi pa naman sila gaanong ipinapakilala sa lahat.
The talent scout was very impressed with them. Matapos ang gabing tumugtog sila ay agad silang kinausap ng talent scout at nag-offer na maging talents sila nito. The boys were beyond happy. Kahit kaming dalawa ni Jeni nang marinig ang balita ay sobrang saya. And right now, I can see that they were having fun while singing and letting everyone hear their music. Dalawang kanta ang kanilang tinugtog. Ang isa ay original composition ni Rogan at ang isa nama'y rendition mula sa ibang artist.
Nagpalakpakan ang lahat ng matapos sila at ipinakilala na ang main performer sa ganitong event. Bumaba ng stage ang Absinthe at agad silang kinausap ng talent scout. Tinungo ko ang gilid ng stage kung saan sila nandoon at tumabi kay Helion na nagpupunas ng pawis.
"Hey." Aniya at inakbayan ako. Binati ako ng iba at nginitian. Si Rogan ay nag-alok pa sa akin nang mauupuan kaso ay tinanggihan ko dahil gusto kong makatabi si Helion.
"I am offering you a contract for a certain recording company. Siguro naman ay kilala niyo ang Polaris Entertainment." Sabi ni Mr. Olivares na siyang talent scout nila.
"That's one of the biggest entertainment company in the Philippines. They actually have a headquarters in New York. I heard napabilang na rin sa Hollywood ang iilan nilang mga artist." Sabi ni Eion habang nagpupunas din ng pawis.
"You're right, Eion. It's a big opportunity. Ilang buwang training sa inyo ay pwede na kayong magdebut. Makikilala na rin kayo sa buong bansa." Malapad ang ngiti ni Mr. Olivares. The boys all nodded in agreement. Kahit ako ay napatango at nakaramdam na naman ng saya para sa kanila.
Marami pa silang napag-usapan bago sila pinayagang makihalubilo sa bandang nagperform. Kahit hindi pa masyadong kilala ay tinilian agad sila ng mga kababaihan pagkalabas namin. I was beside Helion while there's a hoard of girls trying to get in their way for a photograph and autographs.
"Are you okay, baby?" pabulong na tanong ni Helion sa akin nang magdagsaan pa ang mga babae.
"Huh? Yep." Alanganin akong ngumiti kahit na naapakan na ang aking paa. Dumating ang security at inawat ang mga babae. Pinagsabihang pwede namang kumuha ng litrato at humingi ng autograph kapag nakagawa sila ng matinong linya. Mind you, mas habol nila ang Absinthe kumpara sa bandang nagperform. Nagtawanan lang naman ang mga lalaki nang dahil doon at napagkasunduang lahat sila ay magbibigay ng autograph.
Pasado alas cinco na nang makakain kaming lahat. Dahil sa pagod ay nag-aya na rin naman silang lahat na umuwi na para makapagpahinga. Helion and I decided that we could just stay at home. Hinatid niya ako sa bahay at kinamusta siya ni Tita tungkol sa kanilang pagpeperform.
I saw Helion's eyes dropped but then he held it up like he wasn't sleepy at all. Tipid na napangiti ako bago tinapik ang kaniyang braso kaya naman nilingon niya ako.
"You can sleep on my lap, you know. Dito na lang din kayo maghapunan ni Geo." Bulong ko sa kaniya. Tipid siyang ngumiti bago nahiga sa aking kandungan. Umalis saglit si Tita para puntahan ang bistro kaya kami lang ang naiwan sa bahay. Nang makatulog na nang mahimbing si Helion ay tumayo ako para makapagluto ng aming hapunan.
Simpleng pinakbet at piniritong tilapia ang aking niluto. Nang makapag-ayos ako ng hapag ay sakto namang pagdating ni Tita at kasunod si Geo na bitbit ang mga dala ni Tita.
BINABASA MO ANG
All I have to Give (Absinthe Series 1)
RomanceNuraya just knew she had to give it all. Sa hirap ng buhay kailangan niya na lang talagang ibigay ang best niya para maatim lahat ng pangarap niya sa buhay. She had set all her goals into places but then he came and change everything. Hindi siya han...