Kabanata 7

18.7K 614 111
                                    

Kabanata 7

Helion

"I know." nagulat ako sa sinabi niya. Hindi sapat yung nabigla lang ako dahil hindi ko talaga inaasahang alam niya ang pangalan ko. Pakiramdam ko ay nag-init ang dalawa kong pisnge dahil sa nalaman.

"How did you know my name?"

"I heard the woman on the bistro called you that so I assumed it was your name. " aniya na ikinatango ko. Tatalikuran ko na sana siya at aayain nang marinig ko siyang magsalita ulit.

"Écheis éna ypérocho ónoma."

Inis na nilingon ko siya. "Minumura mo ba ako?" tanong ko. Kita ko namang naguluhan siya sa sinabi ko at magsasalita na sana nang may idinugtong siya.

"Teach me how to understand tagalog." sabat niya at napanganga na naman ulit ako.

"A-ano?"

Nakita kong umangat ang gilid ng labi niya at lumapit pa sa akin. "I said teach me how to understand tagalog in that way you could pay me your debt."

"Weh?" Tumango siya at mataman akong tinitigan. Hindi naman masama yung inaalok niya. Kung sabagay parang okay na rin iyon at least wala akong babayarang utang gamit ang pera. At makikita ko pa siya araw-araw

Ano Raya? Ano yang iniisip mo? Nababaliw ka na ba?

Ipinilig ko ang aking ulo at iiling na sana nang may mapansin akong papalapit sa amin. Nang mapagtanto ko kung sino iyon ay umayos ako ng tayo at tumikhim. Napansin yata niya na may tiningnan ako kaya nilingon niya ito.

"That must be your aunt…"  aniya. Tumango ako kahit hindi niya nakita. Humahangos na lumapit sa akin si Tita at niyakap ako tila hindi nakitang may kasama ako.

Hinagod ko ang likod ni Tita ngunit nasa kanya ang paningin ko.

"Ayos lang ba ang inay, Raya?" rinig kong tanong ni Tita kaya bumitaw ako sa titigan namin at kay Tita ipinokus ang aking atensyon.

"Sabi ng doktor ay kailangan niya po kayong makausap, Tita. " Tumango si Tita at napahinga nang malalim bago lumingon sa taong kasama ko. Nakita ko namang puno ng pagtataka ang mukha ni Tita at nilingon ako pagkatapos ay balik sa lalaki.

"Sino ito, Raya? Kaibigan mo?" tanong ni Tita ngunit hindi hinihiwalay ang tingin sa kanya. Nilingon ko siya at pabalik kay Tita tila hindi alam ang tanging isasagot.

"Uh ano schoolmate ko po Tita. Si—

"I'm Helion Georgiadis, ma'am." sabat niya at naglahad pa ng kamay sa harap ni Tita. Kahit ako ay nagulat sa kanyang sinabi at nagpakilala pa talaga siya! Ora mismo! Inabot ako ng ilang pagkikita namin at ngayon ko pa talaga malalaman ang pangalan niya.

Helion. Tunog mayaman at pang-Griyego. Kahit ang kanyang huling pangalan ay hindi pamilyar sa aking pandinig.

Tumango si Tita at tipid na ngumiti.

Salamat sa pagsama sa pamangkin ko. Ako nga pala si Rima." sabi ni Tita at tinanggap ang kamay ni Helion. Tipid ang ngiti ni Tita at bakas naman sa mukha niya ang pagpapasalamat   Tumango siya at nilingon ako.

"I'll get going." paalam niya kaya naman ngumiti ako at nagpasalamat ulit sa kanya bago siya tumalikod at naglakad paalis. Nang makita kong wala na siya ay ako na ang nagbukas ng pinto sa kwarto ni Lola at pinapasok si Tita.

"Pasensya na Raya at nahuli ako ng dating. Sobrang traffic papunta rito at nilakad ko pa yung natitirang layo dahil sa traffic."

Pagod na umupo si Tita sa tabi ni Lola. Iniabot niya sa akin ang supot na dala na may lamang pagkain. Inilagay ko iyon sa lamesa at hinanda ang aming makakain.

"Okay lang po , Tita. Buti na lang nga po at tinawagan ako ni Ate Nina." sabi ko. Tumanggi si Tita sa sinabi ko at nanatili ang tingin sa akin. Doon ay lumamlam ang kanyang mga mata

"Mauna ka ng kumain at umuwi sa bahay. May pasok ka pa bukas." aniya pa.

Umiling ako. Hindi ko hahayaang mag-isa dito si Tita. Kailangan ko ring bantayan si Lola. Siguro nama'y papayagan ako ni Tita lalo na at alam kong pagod rin siya

"Okay lang po, Ta. Mananatili po ako dito. Uuwi na lang po ako sa umaga." sabi ko.

Nilingon ako ni Tita at tila naninimbang at naninigurado. Tumango ako kahit hindi naman siya nagsalita. Bilang ganti ay tinanguan niya ako at hinarap ulit si Lola.

Gaya ng sabi ni Tita ay nauna akong kumain. Nang matapos ako ay siya namang pagpasok ng doktor na nakausap ko at isang nurse. Hindi pa rin nagigising si Lola at minabuti nilang mag-usap sa labas. Siguro ay mas makakaintindi kung si Tita mismo ang makakarinig. Ayaw niya sigurong makadagdag pa sa iisipin ko. Malaking bagay na malaman ko ang kalagayan ni Lola ngunit mas mabuti sigurong si Tita na lang muna ang nakakaalam. Alam ko, kahit na hindi sabihin ni Tita ay nararamdaman ko ring malapit na ang oras ni Lola.

Nauna akong natulog kay Tita. Hindi ko na naabutan ang pagpasok niya sa kwarto dahil sobrang inaantok na ako. Nang magising ako kinaumagahan ay nakita kong nakaupo si Tita sa upuang malapit kay Lola. Ang uluhan ay nasa ibabaw ng hospital bed.

Bumangon ako at nag-inat. Nang tingnan ko ang orasan ay pasado alas sais na ng umaga. Alas otso pa naman ang klase ko kaya pwede ko pang masamahan si Tita.

Naghilamos ako at sinuklay ang aking magulong buhok. Nang makalabas ako ng banyo ay siya namang paggalaw ng ulo ni Lola at sumunod nito'y nagbukas siya ng mga mata.

Agad akong lumapit kay Lola at napangiti. Sinabay ko ay ang pagpapasalamat sa Panginoon dahil sa paggising ni Lola.

"Mm.." ungol ni Lola habang nakatingin sa akin. Nangingilid ang luha sa mga mata ko habang tinititigan siya. Hindi ko alam pero naiiyak ako at muntik ko ng makalimutan na kailangan ko pang gisingin si Tita.

Bahagya akong yumukod at ginising si Tita. Sa unang yugyog ko ay hindi ito nagising kaya mas pinag-igihan ko.

"Ta, si Lola gising na!" sa mahina kong boses ay iyon ang ibinungad ko nang magmulat siya ng mata. Namilog ang mga mata ni Tita pagkatapos ay umayos ng upo pagkatapos ay ngumiti kay Lola.

Hawak ni Tita ang kamay ni Lola at ako naman ay humahaplos sa buhok nito. Nakangiti si Lola sa aming dalawa at itinuro pa si Tita.

"R-rima.." anito at ngumiti. Nilingon ako ni Tita at ipinakita sa akin ang kanyang ngiti. Doon ko nakita ang kagandahan ni Tita. Pareho sila ng ngiti ng aking ama at umaabot sa mata.

Matapos ang pag-uusap kay Lola ay sinabihan na ako ni Tita na umuwi para makapaghanda. Sinunod ko ang sinabi nito kahit na marami pa naman akong oras para maghanda.

Umuwi ako sa bahay at naghanda. Nagluto ako nang makakain at nilinis muna ang bahay bago ako lumabas at nag-abang ng masasakyang jeep.

Isang pamilyar na itim na sasakyan ang pumarada sa harapan ko at muntik na akong masagasaan kung hindi lang ako umatras agad. Agad na nag-init ang ulo ko at sasabihan na sana ang nagmamaneho nang bumukas ang pinto at iniluwa nun si Helion.

Mula sa kanyang branded na sapatos ay itinaas ko ang aking tingin sa kanya. Nakaawang ang aking labi nang mapagmasdan ko kung gaano siya kalinis at kapresentable sa aking paningin.

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko at bahagya pang nauutal.

Umayos siya ng tayo at pinanatili ang kamay sa nakabukas na pinto ng kotse. Bahagya niya iting nilingon at ibinalik agad sa akin ang tingin. Ang gilid ng labi niya ay nakaangat habang pinapasadahan ako ng tingin sa suot kong uniform. Parang nanlambot ang tuhod ko sa klase ng kanyang titig dahil sadyang nakakatunaw iyon at nakakailang. Pakiramdam ko ay isa akong tsokolate na unti-unting tinutunaw nang mainit na araw.

"I'm here to pick you up…" Helion uttered.

All I have to Give (Absinthe Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon