Kabanata 3
Good night
Natapos ang panunuod namin ng battle of the bands. Hindi na ako nagulat na ang banda ng lalaking iyon ang nanalo. Magaling sila at halos lahat inaabangan talaga na sila ang mananalo. At gaya nga ng nasabi sa announcement ay pipili ang myembro ng nanalong banda ng makakadate ngunit wala namang sinabi ang mga miyembro kanina at sinabing manggugulat na lang daw sila. Ngunit wala naman siya doon nang tanungin ang banda nila. Marami nga ang nanghinayang nang makitang kulang ang mga ito.
"Sure ka na mauuna ako sa'yo? Pwede ka naman naming ihatid ni Kuya Oli." sabi sa akin ni Jeni nang nasa waiting shed na kami. Nakatayo kaming dalawa at hinihintay ang kanilang sasakyan.
Umiling ako kay Jeni. "Out of the way, Jeni. Baka pagalitan ka ng parents mo kapag natagalan ka." sabi ko.
Ngumuso si Jeni. "Sabagay. Pero maiintindihan naman iyon ng parents ko. Kapag naman nalaman ni mommy na inihatid kita siguradong matutuwa pa iyon sa akin. Alam mo namang love ka nun." aniya.
Napatawa ako. Kilala na ako ng pamilya ni Jeni ngunit nahihiya pa rin naman ako sa kanila. Parang gusto pa nga akong ampunin ng mommy niya.
"Naku 'wag na. Abala pa iyon kay Kuya Oli, Jeni. At saka wala naman sigurong masamang mangyayari sa akin kapag ako lang umuwi mag-isa. "
Ilang beses pa akong pinilit ni Jeni na sumabay ngunit sumuko din sa huli. Nang dumating si Kuya Oli ay nagpaalam na siya at niyakap pa ako. Baka kako'y yun na daw ang huli naming pagkikita.
Minsan talaga ang oa na ni Jeni.
Umupo na lamang ako sa waiting shed habang naghihintay nang masasakyan. Kadalasan ay taxi na lang ang madalas na dumadaan kapag pasado alas syete na ng gabi.
Hinawi ko ang buhok na umalpas mula sa pagkakaipit sa aking tainga. Nang nalaglag ulit iyon ay sinakop ko na lang ang aking buhok at itinali. Ilang taxi na ang dumaan at sa tuwing tatayo na ako ay may nauuna namang sumasakay.
Napabuntong-hininga ako at dinungaw ang aking relong pambisig. Malapit ng mag alas otso at nag-aalala ako na baka hinihintay na ako ng Tiya sa bistro. Sinabi ko pa namang hindi ako masyadong gagabihin. Sobra yata akong naaliw sa musika na nakalimutan ko ang oras.
Isinandal ko ang likod sa pader ng shed at matiyagang naghintay. Ilang segundo lang ay may naramdaman akong tumayo malapit sa kinauupuan ko.
Umayos ako ng upo at tiningala ang bagong dating. Una kong napansin ang kumikislap na bagay sa kanyang tainga. At dahil sa ilaw ng shed ay natanaw ko ang kanyang mukha.
Pamilyar na pamilyar sa akin ang buhok na iyon at ilong. Akala ko ay umuwi na siya dahil wala siya sa awarding. Pero nandito siya at nagkasabay na naman kami.
Lumingon siya sa akin at dahil mabagal akong mag-iwas ng tingin ay nahuli niya ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin o di kaya'y sasabihin lalo pa'tang malalim na naman niyang titig ang nasilayan ko. Tila inilulubog ako nito sa kinasasadlakan ko.
"You're still here…" aniya sa matigas na ingles. Hindi ko alam kung para sa akin ba yun pero dahil ako lang naman ang nandito ay tumango ako.
"Ikaw…yung nasa battle of the bands diba?" tanong ko sa kanya. Nakatingin pa rin naman siya sa akin kaya naman hinintay ko ang sagot niya. Isang tango ang natanggap ko at hindi ko alam kung bakit napangiti ako.
Siguro ay dahil hindi siya nagsungit nang magtanong ako. At siguro ay dahil naiintindihan niya kung ano ang sinasabi ko?
Hindi ko rin alam. Puro siguro lang ang alam ko.
Tumingala ulit ako upang tingnan siya at tila estatwa akong natigilan nang mahuli ko siyang nakatitig sa akin. Hindi siya nag-abalang umiwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
All I have to Give (Absinthe Series 1)
عاطفيةNuraya just knew she had to give it all. Sa hirap ng buhay kailangan niya na lang talagang ibigay ang best niya para maatim lahat ng pangarap niya sa buhay. She had set all her goals into places but then he came and change everything. Hindi siya han...