Kabanata 16
Running
Tatlong araw kong iniwasang magpunta sa ibang parte ng campus lalong-lalo na sa building kung saan nandoon si Helion. Simula noong huli naming pagkikita ay palagi ko na lang siyang nakikita around sa area namin kaya naman natatakot ako kapag nagkita kaming dalawa.
Kahit si Jeni ay nagtataka sa aking ikinikilos. Kapag naman nag-aaya ay nagpapaiwan ako sa isang lugar dahil ayaw kong makasalubong man lang si Helion sa daan.
" Kailangan kong pumunta sa library,Raya. Sasama ka ba?" tanong sa akin ni Jeni nang makalabas kami ng classroom. Akmang iiling ako nang panlakihan ako nito ng mata at hindi pinayagang makasagot dahil nahila na niya ako pababa ng hagdan.
Napanguso ako. Alam ko namang hindi na ako natiis ng kaibigan ko. Ayaw ko lang naman kasing makita si Helion. Hindi ko nga alam sa sarili ko kung bakit! Wala namang ginawa sa akin ang tao pero todo iwas ako. Nahihiya rin naman akong humarap kay Helion dahil sa itinrato ko sa kanya noong huli naming pagkikita.
Nang makarating kami sa Hoeble library ay agad akong binitawan ni Jeni. Pumasok kaming dalawa sa loob at binati ang librarian. Ngayon na lang ulit ako nakatapak dito dahil naniniwala akong baka nagpupunta din dito si Helion tuwing hapon. Kaya nga nananalangin ako na sana ngayong oras na ito ay hindi siya dumaan sa library.
" Ano ba kasing hihiramin mong libro?" tanong ko kay Jeni nang maglibot na kami sa mga shelves para sa babasahin niyang libro.
Nahinto siya sa paglalakad at nilingon ako. Nakataas ang kanyang kilay at binibusisi ako. " Noon kapag nagpupunta tayo sa library, nasisiyahan ka. Bakit ngayon parang atat na atat ka ng umalis?" aniya sa kontroladong boses. Namilog ang mga mata ko at mabilis na umiling. Hindi ako makaisip nang isasagot dahil parang nahuli ako ng kaibigan kong may inililihim.
Umiling siya. " You've been acting weird these days, Raya. " aniya at hinarap na ang shelves para pumili ng libro. Ako nama'y tahimik napasinghap at napalunok. Ewan ko! Naguguluhan ako sa sarili ko. Dapat ay hindi ako magpaapekto kay Helion pero heto na naman at parang ginugulo na naman niya ang araw ko.
Sa mga nagdaang araw ay palaging siya na lang ang naiisip ko. Yung berde niyang mata na parang hinahanap lagi ang tingin ko. Kinailangan kong abalahin ang sarili ko para naman madivert ko sa iba ang aking atensyon pero kapag nakikita ko naman siya sa malayo ay natataranta na naman agad ako.
Hindi dapat ganito ang nararamdaman ko. Para sa akin ay bawal ang nararamdaman kong ito. Nangako ako noon na hindi ako papasok sa ganitong sitwasyon. I've promised myself that I will give my all only to my ambitions, hindi napasok dito ang pagkakaroon ng relasyon.
" Raya!" bulong ni Jeni sa akin kaya naman napatingin ako rito.
" Oh?"
" Umupo na tayo." aya niya at nauna pa sa aking maglakad dala ang apat na librong hindi ko alam kung saan niya nakuha. Sumunod ako sa kanya at naupo sa tabi nito. Ang mga libro sa harapan namin ay puro libro tungkol sa Greek mythology kaya napalunok ako. Bakit sa dinami-dami ng libro ay ito pa ang napili ng kaibigan ko? Hindi ba pwedeng Roman mythology na lang?
Kinuha niya ang isang libro ay hindi na ako pinansin. Nakatitig pa rin ako sa natitirang tatlong libro na alam kong tungkol pa rin sa mga Griyego.
" B-bakit interesado ka yata sa mga Greek ngayon?" tanong ko habang nakatitig pa rin sa mga libro. Sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang slight na pagbaba no Jeni ng libro mula sa kanyang mukha.
" May nabasa kasi ako kagabi kaya naman naging interesado ako. Ngayon ko lang kasi nakitaan ng interest ang mga greek. Maganda naman pala yung culture nila." ani ng kaibigan ko at ibinalik ang tingin sa pagbabasa. Napabuntong-hininga ako. Kahit dito ay hinahabol pa rin ang ng anino ni Helion.
BINABASA MO ANG
All I have to Give (Absinthe Series 1)
RomanceNuraya just knew she had to give it all. Sa hirap ng buhay kailangan niya na lang talagang ibigay ang best niya para maatim lahat ng pangarap niya sa buhay. She had set all her goals into places but then he came and change everything. Hindi siya han...