FOREVER.
Gasgas na gasgas na diba?
Lahat yata ng couples, ginagamit ang salitang yan. Kesyo mamahalin daw nila ang isa’t-isa FOREVER. O kaya naman, FOREVER ikaw lang, at wala ng iba pa. Sus.
Sabi nila, FOREVER is just a WORD, period. Pero marami pa rin ang naniniwala sa salitang yan, especially ang super in love couples/lovers sa mundo.
Yung iba nga hindi nagsasawa ulit-ulitin yan, lalo na pag mahal na mahal nila ang bawat isa. Tipong na-eexpress nila yung sobrang pagmamahal nila sa partner nila kada sabi nila ng FOREVER. Parang ganito o – “Mahal na Mahal kita, FOREVER kitang mamahalin.” O kaya naman, “Hinding-hindi kita iiwan, promise. FOREVER, ikaw lang, wala ng iba.” “blah blah blah, FOREVER, FOREVER, FOREVER.”
O diba, wagas maka forever? Tapos malalaman mo, after a week, a month, ayun break na. At may iba na namang sinasabihan ng FOREVER.
Hay nako talaga. Kaya ang dami-dami-dami ng nagtatanong, gano ba ka-sure na matutupad yang FOREVER na yan kapag sinabi sayo?
Well, let’s see sa kwento ng pag ibig namin ni Justine kung anong gagampanan ni FOREVER. Si Justine? Sya lang naman ang lalaking nakapagpatibok ng puso ko, ang lalaking minahal ko, ang nag iisang lalaki sa buhay ko, at ang lalaking magpapaintindi sakin kung ano nga ba ang FOREVER.
BINABASA MO ANG
A crazy little word called FOREVER [On Going]
RomanceMay mga bagay na mhirap paniwalaan at panindigan. Tulad nalang ng FOREVER. Alam naman kasi nating lahat na walang nabubuhay sa mundong ito FOREVER. Lahat may hangganan, lahat may katapusan. Pero ano nga ba ang papel ng pitong letrang salitang ito sa...