Pauline’s POV
*HIKAAAAAAAAB*
Haaay, sarap matulog. Anong oras na ba?
Pagtingin ko sa relos ko, 6:30 am. Ang aga pa pala. Tutulog pa ko..
ZZZZZZZZZZZzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz
Teka!
Wait!
Okay, inenglish ko lang ulit >__<
Waaa. 6:30 na?
Waaaaaaaa.
May pasok nga pala ko! Bat ba hindi ako ginising nila mama? Ano ba naman yan, nakakainis! Baka di ko maabutan yung 1st subject ko. Bad trip talaga oh. Anyway, kelangan ko ng super magmadali. Mabilisang ligo na to.
At ayun, naligo, nag ayos, nagbihis at nag-toothbrush na ko. Hindi na ko kumain, dahil obviously, late na nga kasi ako.
“Mama naman kasi eh, di ako ginising.”
“Anong hindi, ikaw tong ayaw gumising eh. Naiinis na nga ko kakagising sayo. Tapos ayaw mo pa rin bumangon.”
“Ayaw, sus. Di nyo lang po yata talaga ko ginising eh.”
“Tulog mantika ka lang talaga anak, haha. Osya bilisan mo na. Eto baon mo. Mag iingat ha.”
“Sige po salamat ma.”
Dahil nagmamadali, pinara ko na lang yung bus na dumaan kahit puno na at standing na, tapos dun ako pumwesto sa may bandang gitna. Sobrang male-late kasi ko pag pumunta pa kong terminal. Kasi naman, amp talaga.
Anong oras naba? 7:02am? Arg, sana di ako matrapik.
Teka tetext ko na nga muna sina Izzy at Bella na male-late ako.
Kinapa ko yung bulsa ko para kunin ung cell phone ko, pero wala. Chineck ko din sa bag ko, pero wala pa rin. Amp. Ano ba namang araw to, naiwan ko pa cell phone ko! Malas amp.
FROM: Justine
Message: Asa ha, hahaha. Uy, anong oras ka umaalis ng bahay? Sabay na tayo bukas pagpasok.
Oo nga pala sabay kami dapat ngayon nun pumasok. Hinintay kaya ko nun? Hindi naman siguro. Di ko din kasi nasabi sa kanya kung anong oras ako aalis. Na-lowbat na kasi yung cellphone ko. Di ko na rin nacharge kasi baka makatulugan ko pa, balak ko pag gising ko na lang icha-charge, kaso ayun late naman ako nagising, amp >__<
“Psst!”
.
.
.
“Psst!”
.
.
.
“Psst!”
.
.
.
“Huy!”
.
.
.
“Huy!”
.
.
.
“Psst! Huy! Pauline!”
Pauline daw? Tama ba pagkakarinig ko? Oo tama naman siguro, kakalinis ko lang ng tenga nung nakaraang araw eh, haha.
BINABASA MO ANG
A crazy little word called FOREVER [On Going]
RomanceMay mga bagay na mhirap paniwalaan at panindigan. Tulad nalang ng FOREVER. Alam naman kasi nating lahat na walang nabubuhay sa mundong ito FOREVER. Lahat may hangganan, lahat may katapusan. Pero ano nga ba ang papel ng pitong letrang salitang ito sa...