Chapter 14.4

158 3 8
                                    

A/N: Dedicated to sayo IBON, dahil nadiscover mo na tong ginagawa ko. XD  You know who you are. Haha. ^__^

Sa lahat ng nagbabasa, enjoy guys! ^____^

Pauline's POV

“Sabi ko na sayo maaraw pa ee. Tapos park na agad tayo?” –sabi ko kay Justine. Nandito na kami sa kotse nya ngayon, pero nasa parking lot pa rin kami ng mall.

“Late na nga eh, quarter to 4 na oh.”

“Kala mo naman ang layo ng park na pupuntahan natin.”

“Malayo nga.”

Ha? Malayo daw? Tama ba dinig ko?

“Ha? San ba?”

“Luneta.”

Luneta?????????????????????

Okay lang ba sya? Eh sa Manila pa yun eh.

“Loko, baka gabihin tayo, mamaya baka traffic pa.”

“Hindi yan.”

“Wag na, ayoko na sumama. Ang layo kaya.”

“Tsk, KJ mo.”

“Ang layo kaya.”

“Sus, saglit lang yan.”

Tapos pinaandar nya na yung kotse nya. Okay, ano pa ba magagawa ko?

Dumaan muna kami sandali sa 7 eleven na nadaanan namin para daw may makain kami habang nasa byahe. Puro chichirya yung binili nya. Tapos mga coke in can. Oo MGA. Ang dami nyang binili eh. Uhawin daw kasi sya. Sya naman nagbayad lahat kaya okay lang sakin, nyahaha.

Nung nasa counter na habang nagbabayad si Justine ng mga pinamili nya, naaasar ako. Yung cashier kasi lalaki, tapos makatingin sakin wagas. Ano ngayon lang nakita ng tao? O manyak lang talaga sya? Dukutin ko mata nya eh, haha. Nakakailang na kasi. Ayaw nya na lang mag focus sa gingawa nya, amp.

“Pre, naranasan mo naba masapak?” –sabi ni Justine kay kuya cashier. Aba, bakit kaya?

“Kung hindi pa, patitikimin kita ng sapak ko. Isang matindi lang para di ka naman kawawa. Pero kung tatangalin mo yang manyak mong mata sa girl friend ko, palalampasin ko muna. Paliligtasin kita sa nag aabang na sapak sayo.” –dugtong pa nya. Wahaha, buti nga sayo kuya. Belat belat belat!

“Sorry boss. Maganda lang talaga girl friend nyo.” –sagot nung cashier

“Alam ko, no need to tell. Maghanap ka ng iba, ako lang may karapatan tumitig sa kanya ng ganun.”

Ano daw? Kapal nya ah. As if naman pagbibigyan ko syang titigan ako. Manigas sya.

Pagkatapos sabihin ni Justine yun, di na umimik yung cashier. Natakot? YUCK. Ang manyak manyak, duwag? Haha.

Natapos na magbayad si Justine. Ang tagal namin sa cashier. Ang dami naman kasi binili ni Justine eh, tapos si kuya pa, epal.

“Tandaan mo yun, ako lang may karapatan tumitig sayo, haha.” –sabi ni Justine pagkasakay namin sa sasakyan nya.

“Muka mo.”

“Ayaw mo ba, BABE?”

 Ayan na naman sya sa BABE na yan. Pikon naman. Banatan ko to eh, haha.

Teka, makikiride na nga lang ulit ako. Tutal mahaba pa byahe namin, haha.

“Gusto ko BABE. Kaya nga ko nagpapaganda eh, para sayo.”

HAHAHAHA. Kelan pa ko nagpaganda? Normal ko lang yan, maganda talaga ko eh. HAHAHAHAHAHA.

“Talaga? Ang sweet naman ng babe ko.”

A crazy little word called FOREVER [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon