A/N: Bago lang po ako sa mundo ng pagsusulat. Kaya pagpasensyahan nyo na kung anong magiging takbo ng istorya. Pero I promise to give my best. Super SUSUBUKAN kong maging okey to kahit papano. :) Kahit first story. Hehe. (SANA KAYA KO! AJA!) XD Ayon, sana support nyo ko. :) Good luck sakin. ^___^
Pauline’s POV
“Bakit ganon Pauline, sabi nya ako lang, ako lang, ako lang! Ako na daw ang gusto nya makasama forever. Ako lang daw ang mamahalin nya forever, pero anong nangyari ngayon, iniwan nya din ako! Ang sakit sakit Pauline! Ang sakit sakit!”
Ayan, may isa na naman akong kaibigan na umiiyak ngayon. Iniwan ng boyfriend nyang kumag. Honestly, hindi ko akalaing mag bebreak pa sila ng jowa nyang si Rick, since 1st year ba naman silang dalawa na, oh diba, ang aga nila kumerengkeng? haha. ^__^ tas eto, ngayon, 4th year high school na kami. For short, 3 years na sila. Ang tibay diba? Sa tinagal-tagal nila, maghihiwalay din pala sila. Hay nako nga naman.
“Eh ikaw naman kasi, naniwala ka sa kaka-forever nung kumag na yun. Sos naman. As if namang may nag lalast ng tulad ng forever. Kaya ‘pag sinabihan ka ng forever, wag ka papauto!”
Oo, hindi po ako naniniwala sa forever na yan.
Ilang beses ko na ba narinig yan sa tanang buhay ko?
Hindi ko alam! Sobrang daming beses na kasi. At ni-isa, parang wala pa kong nkitang natupad, I mean, sa generation ngayon. Usong uso kasi ngayon sa mag boyfriend-girlfriend ang magpangakuan ng forever, pero ano? Maya-maya, ayon break na. Ang masaklap pa, kakabreak lang, may iba na agad pinapangakuan ng “FOREVER” na yan, sows.
Dami din kasing nag papauto ngayon. Lalo sa gwapo. Ayan, ang ending, luhaan.
By the way, I forgot to introduce myself.
I’m Pauline Anne Santos, 16 years old. 4th year high school student sa Tween Academy. Ang weirdo ng pangalan ng school namin no? Parang may ganyang movie eh. Haha. Anyway, they call me by my first name, as in Pauline talaga, no short cuts, ayoko din kasi. Ewan ko ba, feel ko talaga ung Pauline eh. Ayoko ng Paul, or line, etc. Haha.
“Pwede ba Pauline, I need you to comfort me, hindi para sermunan!”
“Sabi ko nga. Haay, hayaan mo na sya Maricar. Makakalimutan mo din sya. Tigilan mo na yang kakaiyak mo no. Bobo nya lang pinakawalan ka pa nya. Ang ganda ganda mo na, ang tali-talino mo pa. Mabait pa! Eh sya, gwapo lang, yun lang, ay sige, isama na nating mayaman sya, at may talent sa pag gigitara, pero pag usapang utak na, okay, nevermind.”
“Ang sama mo!”
“Haha joke lang! Pero mabait sya, wala ko masabi sa kumag na yun sa sobrang bait. Pero tahan na okay? Hindi lang siguro talaga sya ang para sayo. And besides, mag ka-college na tayo. Madami ka pang makilala lalo dun. Malay mo, dun mo makilala yung tutupad sayo ng FOREVER.”
Ayan, nakiki FOREVER na tuloy ako, macomfort lang si best friend.
“May masasabi ka naman pa lang maganda eh. Well, salamat ha? Haayyy, pero ang lungkot lungkot lungkot talaga.”
“Wow maka-lungkot wagas.”
“Ewan ko sayo. Pag nainlove ka, baka mas wagas ka pa sakin magsabi ng lungkot”
“Ako? Ma-iin love? Ano tingin mo, papauto din ako sa mga nag foforever and ever dyan? Gaya mo pa ko sayo..”
“Tingnan lang natin.”
“O sya sya, may praktis pa kami ng banda eh."
"Yan ba yung para sa Prom?"
"Oo, sama ka?"
BINABASA MO ANG
A crazy little word called FOREVER [On Going]
RomanceMay mga bagay na mhirap paniwalaan at panindigan. Tulad nalang ng FOREVER. Alam naman kasi nating lahat na walang nabubuhay sa mundong ito FOREVER. Lahat may hangganan, lahat may katapusan. Pero ano nga ba ang papel ng pitong letrang salitang ito sa...