Chapter 13

153 3 5
                                    

Pauline’s POV

Nakakapagod din pala mag praktris ng mag praktis. Grabe lang. Kahit na walang klase dahil University Week. Nakakapagod kasi yung byahe eh, huhu. Pero nasasanay na naman ako. Isa pa lagi ko naman kasabay si Maynard na makulit eh. Kaya hindi boring. Sabi nya kasi sasamantalahin nya na daw habang pwede nya pa ko makasabay. Para daw pati may ‘mapagtripan’ sya. Oo, mapagtripan. Hay nakong lalaking to!

Ayun, Friday na ngayon, thrice na kami nakapag praktis. Actually kapag nag papraktis wala ko masyado ginagawa eh. Madalas nanunuod lang ako. >__<

Sila lang kasi madalas nag papraktis eh. Nakakainis. Madali ko naman daw kasi makuha yung part ko. Tapos sila, hindi pa rin nila napeperfect yung piece. Ewan ko ba sa mga yun, haha.

Pero natatawa ko tuwing papanoorin ko sila. Lalo na kay Maynard. Kada bago ba naman magsimula lagi nyang sasabihin..

“Hoy Pauline, panoorin mo kong mabuti, kasi magaling ako, tsaka isa pa, ang gwapo gwapo ko. Kaya di ka luge. Haha.”

Minsan naman..

“Pauline. Panoorin mo ko. Para sayo gagalingan ko. Haha.”

O diba? Mukang ewan lang tong si Maynard. Natatawa talaga ko sa kanya. Kala mo papansin na ewan eh. Haha. Pero minsan naiilang na rin ako sa kanya. Hindi naman kasi sya ganyan dati nung high school kami. I mean dati na nya kong kinukulit at binabara at pinagtitripan. Pero ngayon kasi, parang may iba? Minsan bigla na lang magiging sweet. Ay ewan. Baka ganon lang talaga sya ngayon, haha.

“Pauline. Wag mo naman ako masyado titigan. Alam kong gwapo ko, pero kasi baka matunaw na ko nyan?” -sabi ni Maynard. Hindi ko napansin nakatulala na pala ko dito.

“Asa ka naman no. Ituloy mo na nga lang pag papraktis mo.” –sagot ko. Kapal nya eh. Haha.

Napatingin ako sa side ni Justine. Medyo kumunot na naman noo nya. Ewan ko ba dito, ang dalas magsungit nitong mga nakaraang araw. Problema kaya nito? Baka binreak ng girl friend? Pero meron ba? Ewan hindi ko alam. Hindi naman kami nakakapag kwentuhan ng about sa bagay na yun eh.

Pinanuod ko lang sila mag praktis. Hanggang sa kay Justine na lang yung focus ko. Ang cool nya tingnan sa pag da-drums. Ang gwapo nya din talaga. Parang ang amo amo ng muka netong lalaking to. Sarap lang titigan. Kulang na lang tumulo laway ko sa kagwapuhan nya eh, haha. Kidding. Pero totoo, ang sarap nya tingnan. Parang ang gaan sa pakiramdam.

Actually bago sa pakiramdam ko to eh. Madalas ako nakakakita ng gwapo pero ngayon ko lang naramdaman yung ganito. Na parang gusto ko tumitig lang.

Ay ewan, siguro dahil ngayon ko lang talaga napansin na maamo din pala muka nya, haha.

“Osya break muna tayo. Kaen muna tayo meryenda.”-sabi ni Prince

“Buti naman pre naisipan mo yan. Gutom na gutom na ko eh.”-sagot naman ni Maynard sa kanya

“Tara samahan mo muna ko ihanda yung pagkain. Justine dyan muna kayo ha.”

“Sige.”

Tapos umalis na yung dalawa. Naiwan kami ni Justine.

Okay? Bakit ang tahimik namin? Awkward silence ba ito?

Usually dinadaldal ako ng lalaking to ah. Pero bat ngayon? Bat ngayon parang ilag sya sakin?

“O kamusta?”

Bigla nyang sabi. Baka imagination ko lang na ilag sya sakin. Eto kinakausap na ko eh. Haha.

“Kamusta ka dyan? Eh palagi naman tayo magkasama?”

“Haha. Oo nga no. Wala lang, pakiramdam ko tagal na kitang di nakita.”

Sabagay. Kahit ako ganun feeling ko eh. Oo madalas ko sya kasama dahil sa praktis ng banda. Pero hindi naman kami nakakapag usap. Dati kasi nung wala pang banda, madalas kinukulit nya ko. Mag jojoke ng kung ano-ano, yayayain ako kumain, manlilibre, gusto lagi sumabay pag uwian. Tapos super usap din kami sa phone nyan, textmate kami eh. Haha. Pero nitong mga nakaraang araw simula nung praktis hindi pa sya nag tetext ulit.

Dati nga minsan tumatawag pa yan sakin bago matulog. Pampaantok lang daw, naboboring daw kasi sya kapag nakatunganga lang sya habang nagpapaantok. Ibang klase no? Magpapaantok na lang may kaboringan pang nalalaman. Nakasanayan ko na tuloy na bago ko matulog kausap ko sya.

Naging super close ko talaga tong lalaking to. 1 time nga nung may pupuntahan ako nag propose pa sya na samahan ako. Then after nun hinatid nya pa ko sa bahay. Wala naman daw kasi sya ginagawa sa bahay nila. Ayun.

Simula nung nagkabanda, si Maynard madalas ko kausap. Sya naman tahimik lang.

“Ah, ayos lang naman.” –sagot ko sa kanya

“Mabuti. Wag mo kalimutan yung bukas ha?”

Tapos dumating na yung dalawa. At sya naman tumayo na rin para kumuha ng pagkain.

Mabuti. Wag mo kalimutan yung bukas ha?

Eh? Ano ba meron bukas?

Isip..

Isip..

Isip..

Isip..

Waaa. Hindi ko maisip. Ano ba kasing meron bukas?

Teka ano bang araw bukas? Sabado? Oo tama sabado na bukas. O tapos? Ano ba meron bukas? Ano naman kung sabado?

Isip..

Isip..

Isip..

Isip..

Eeeeeeee. Wala talaga ko maisip eee. Bahala nga sya. Baka naman pinagtitripan lang ako nung lalaking yun?

Ah ewan bahala na. Haha.

Natapos na ang praktis at nag uwian na kami. Nauna ng umuwi si Justine. Kami naman ni Maynrad dumaan sandali ng Luneta. Lakad lakad lang. Ayaw nya pa raw  kasi umuwi. Ayoko pa naman din kasi maaga pa naman. Pati Saturday bukas, walang pasok. YES! ^__^

“Ang sarap lang mag lakad lakad dito no?”-sabi ni Maynard

“Ah oo nga. Buti nga hindi na mainit, hehe.”

“May lakad ka ba bukas?”

“Wala naman. Bakit mo natanong?”

“Wala, yayain lang sana kita lumabas bukas.”

“Bakit ano meron?”

“Wala, gusto ko lang. Ano pwede ba?”

“San naman tayo pupunta?”

“Nood lang tayo ng movie. May magandang showing ngayon eh.”

“Ah, sige. basta libre mo. Haha.”

“Sure no prob. Mga 10am sunduin na kita. Para sulit. Haha.”

“Ang aga ah. Pero sige. Haha.”

Tapos nun umuwi na rin kami. Wala na kami magawa eh. Pati mag beauty rest na daw ako para fresh daw ako sa date namin bukas. Duh, date? Muka nya. Haha.

A crazy little word called FOREVER [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon