A/N: M1! AKA miszprettie. O dedicated ulit sayo. Dahil nakilala mo na ko dito! Sa wakas! HAHA :D
Sa mga patuloy na nagbabasa.. SALAMAT sa inyo! ^__^ :*
Pauline’s POV
"Pauline, mahal kita eh. Matagal na kitang gusto, high school pa lang tayo.”
"Hanggang sa nag college tayo. Hindi ko natanggal 'tong nararamdaman ko para sayo. Pinilit ko pa ngang sa SU talaga makapag enroll kasi dun ka mag aaral.”
Waaaaaaaaaaa. Anu ba toooooo. ‘Di ako makatulog, huhuhu. Ginugulo ako ng mga sinabi ni Maynard. Hanubato.
Actually hindi naman na ko nagulat nung umamin sya. Kasi diba sinabi na sakin ni Maricar yung tungkol sa bagay na ‘to? Pero kasi, ewan, hindi ko pa rin alam kung pano ko mag rereact nung sinabi nya ‘tong mga ‘to. Parang ayaw kasi mag sink in sa utak ko na sinabi ni Maynard yang mga yan. Na totoo talaga na mahal nya ko. On process pa rin sila sa utak ko ngayon. Kaya eto, hindi tuloy ako makatulog. >__<
Sa totoo lang din, hindi ko alam kung tama ba na hinayaan ko syang ligawan ako. Hindi ako sigurado sa pagpayag ko. Naipit lang talaga ko sa sitwasyon, tapos gulong gulo kasi yung utak ko kanina. Hindi ko na alam ano ba mga dapat kong sabihin. Naisip ko na lang kanina, why not try diba? Mahal nya naman daw ako eh, mahal na mahal daw nya ako.
"Ngayon, pinilit ko ng maglakas loob talaga, kasi.."
".....kasi sobrang nagseselos na ko."
"Nagseselos? kanino?" -tanong ko
"Kay Justine. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko kayong masaya. Ewan ko ba, pero selos na selos talaga ko sa kanya."
Nang mapasok si Justine sa usapan, biglang bumilis yung heartbeat ko. Hindi ko alam kung bakit, pero kusa nalang syang nag DUGDUG.DUGDUG nung sinabi ni Maynard na nagseselos sya kay Justine.
Pero? Wala naman syang dapat ikaselos kay Justine ah? Naging super close lang siguro talaga kami kaya ang kulit namin kapag magkasama.
"Wala ka naman dapat---"
"Alam ko wala naman ako dapat ikaselos, kasi wala ka namang gusto sa kanya, diba?" –tanong ni Maynard
DUGDUGDUG.DUGDUGDUG
Naging ganyan yung heartbeat ko nung tinanong yan sakin ni Maynard. Waaaaa. Yung feeling na parang tatalon na yung puso mo dahil sa sobrang bilis ng tibok.
Wala nga ba kong gusto kay Justine?
Eeeer. What a question? Malamang WALA. Bat naman ako magkakagusto sa kanya?
WALA nga ba talaga? –sabi ng isip ko
Wala nga ba talaga??
Hindi ko alam. Hindi ko masagot yang simpleng tanong na yan. Malay ko ba, hindi ko pa naman kasi nararanasan kung ano yung feeling ng may special feelings ka para sa isang tao eh, kaya anong malay ko? Ang alam ko lang.. masaya ako kapag nandyan si Justine, yung feeling na iba yung saya na nararamdaman ko kapag nandyan sya.
Pero bat ba ko napapaisip kung gusto ko nga ba si Justine?
Ay ewan, bakit ba ganito? Hindi ko alam >__<
"Wala naman diba, Pauline?" -pag uulit ni Maynard ng tanong nya
Nang ulitin nya yung tanong nya, bigla ko na lang nasabi na..
"Ha? Ah, wala."
Wala naman nga siguro talaga?
Naaalala ko pa kung gano kasaya si Maynard nung pumayag akong ligawan nya ko. Kitang kita sa muka nya. Lalo na sa mga mata nya. Napayakap pa nga sya sakin nun eh. Kaya natuwa na rin ako. At sinabi sa sarili ko na tama narin siguro na pinayagan ko syang ligawan ako. Dahil pakiramdam ko, mararamdaman ko na kung anong pakiramdam ng may nagmamahal.
BINABASA MO ANG
A crazy little word called FOREVER [On Going]
RomansaMay mga bagay na mhirap paniwalaan at panindigan. Tulad nalang ng FOREVER. Alam naman kasi nating lahat na walang nabubuhay sa mundong ito FOREVER. Lahat may hangganan, lahat may katapusan. Pero ano nga ba ang papel ng pitong letrang salitang ito sa...