Justine’s POV
Nakakatamad na pumasok. U-week naman kasi, walang ginagawa kundi magpalaboy-laboy sa campus.
Pero kelangan pumasok para sa praktis ng banda. Ngayon 1st day ng praktis namin eh. Wednesday pa lang naman ngayon, kaya mahaba-haba pa yung oras para makapag praktis kami. Next Friday pa naman daw kasi yung battle of the bands na yun.
Heto ko ngayon, nandito sa lobby at hinhintay si Pauline. Dito na daw magkita kita eh. Tapos tsaka kami pupunta sa bahay ni Prince para mag praktis. Napagkasunduan kasing dun nalang, tutal malapit lang naman daw dito sa school yung bahay nila Prince at kumpleto naman sya sa gamit. Drums, Guitars, Piano, at kung ano-ano pa. Alam nya daw kasi i-play lahat ng yan. Galing no? Dinaig ako, haha.
Ang tagal naman ni Pauline, pati si Prince wala pa dito. 10am call time namin ah. 10:05am na wala pa sila! Tsk. Mga late! HAHAHAHA.
10:12am..
“Pre, kanina ka pa?”
Si Prince yan. Sa wakas may dumating na din sa mga to. Nak ng tipaklong mga late.
“Oo, medyo.”
“Ah, sila Pauline ba wala pa?”
“Sila? Bakit sino ba kasama nya?”
“Ah, yung isa pa natin kabanda, Maynard pangalan. Taga Engineering Department sya. Pero kaibigan ni Pauline. Dati na yata silang magka-banda.”
“Ahh..”
Dati nya daw kabanda? Ibig sabihin dati pa palang nagbabanda yung babaeng yun? Ayos ah. Pareho pala kami.
10:36am..
Sa wakas, nakakita na ko ng bakas ni Pauline. Ayun na sya naglalakad papunta dito. May kasamang lalaki. Tingin ko yung lalaki yun na yung Maynard ba yun? Nakahawak si Pauline sa braso nung Maynard. Yung parang sa kinakasal, tapos nagkukulitan sila. Si Pauline tawa ng tawa. Ganun kaya sila talaga ka-close nung Maynard na yun?
“Guys, sorry we’re late. Medyo may dinaanan lang kami ni Maynard. Hehe.” -sabi ni Pauline
“San naman?” –sagot ko sa kanya
“Ah, sa kainan. Ito kasing si Maynard ang kulit eh. Ang tagal nya na daw kasi kong di nakakasama, kaya ayun gusto muna makipagkwentuhan, haha.”
“Tsk.”
“Sungit mo aga-aga.”
“Lam nyong may praktis ngayon pa kayo nag date.” =___=
“Hindi naman date yun ah.”
“Sorry pre, tinext naman namin si Prince.”-singit nung Maynard
“Oo pre. Hayaan na natin, namiss daw nitong si Maynard si Pauline eh. O sya tara na.”-sabi ni Prince
Miss miss. Miss nya muka nya..
Ayun, lumabas na kami ng classroom at sumakay ng bus papunta kela Prince. Mga 15mins away daw bahay nila from school.
Magkatabi sina Pauline at Maynard. Tapos kami naman ni Prince.
“Maynard naman eh! >__<” – narinig kong sabi ni Pauline. Magka-line kasi yung mga upuan naming apat.
“Haha. Ang kyut kyut mo talaga!”
Tapos napansin kong pinisil nya yung ilong ni Pauline. Tss. Hindi ako nakatingin sa kanila. Asa naman. Medyo pansin lang kahit na sa harap ako nakatingin.
“Matagal na kong kyut! Haha.” -sagot ni Pauline
“Feel na feel mo naman.”
“Oo, pake mo ba?”
BINABASA MO ANG
A crazy little word called FOREVER [On Going]
RomanceMay mga bagay na mhirap paniwalaan at panindigan. Tulad nalang ng FOREVER. Alam naman kasi nating lahat na walang nabubuhay sa mundong ito FOREVER. Lahat may hangganan, lahat may katapusan. Pero ano nga ba ang papel ng pitong letrang salitang ito sa...