Chapter 3

204 4 2
                                    

Justine’s POV

“AND I REMEMBER ALL THOSE CRAZY THINGS YOU SAID,

YOU LEFT THEM RUNNING THROUGH MY HEAD,

YOU’RE ALWAYS THERE,

YOU’RE EVERYWHERE,

BUT RIGHT NOW I WISH YOU WERE HERE.

D*MN! D*MN! D*MN!

WHAT I’D DO TO HAVE YOU HERE, HERE HERE

(I WISH YOU WERE HERE)

D*MN, D*MN, D*MN

WHA------------“

“BEA! ANO BA? MAY NATUTULOG PA! ANG AGA-AGA MO MAGWALA!”

Ano ba naman tong kapatid ko, lagi na lang syang ganyan. Nakakainis. At lagi na lang yan ang kinakanta nya. Pati tuloy ako namememorize ko na yung kanta eh. Tsk. ~__--

Uma-umaga na lang nag sisigawan kami tuwing sasawayin ko sya. Nasa kabilang kwarto kasi sya, dun sya nagwawala. Kaso lang katabi ng kwarto ko yung kwarto nya eh. Tsk tlga. ~_--

“EH! KUYA NAMAN. BUMANGON KA NA KASI DYAN. ISTORBO KA EH.”

Ako pa daw ang istorbo. Batang to talaga oh.

Imbis na masarap tulog mo, wala na sira na! Tsk.

Ganda kasi ng hobby nya eh, hobby mambulabog ng tao. Kung ‘di ko lang to kapatid. Nako.

*KRINGGGGGGGGGGGGGGGGGG*

Ha? Sino naman to? Ang aga aga natawag?

GF number 8 Calling…

Sus, sya lang pala. Bahala ka dyan. Gusto ko pa matulog.

Siguro nagtataka kayo kung bakit GF number 8 ang pngalan nya sa CP ko. Hindi yun dahil sa 8th girlfriend ko sya. Ahm, iba na kasi pag gwapo, lapitin ng chix. Eh sayang naman kasi kung isa lang GF ko diba? Sayang kagwapuhan ko. Haha. Isa pa, LOVE? Tss, baduy, hindi ako naniniwala dyan. Kaya enjoy lang.

Sampu ang girlfriend ko ngayon, sabay sabay, oo sabay sabay.

Yung 5 dyan sa school ko mismo. Haha ang galing ko nu? Malaki naman kasi ang school at malaki ang tiwala nila sakin. Ganyan talaga. Tapos yung another 5, mga pinakilala ng barkada. Lahat sila magaganda eh, kaya sayang naman. Sunod sunod monthsarry dates ng sampung yan, 11-21, ako nag demand nyan. Haha. Playboy na kung playboy, nag eenjoy ako eh. HAHAHA.

*KRINGGGGGGGGGGGGGGG*

GF number 2 Calling…

Mga istorbo tong mga to. Teka nga, tutal linggo naman at walang pasok, tapos nawala na din ang antok ko…

TO: GF number 1, GF number 2, GF number 3, GF number 4, GF number 5, GF number 6, GF number 7, GF number 8, GF number 9, GF number 10.

Message: Good morning bhie. Hayy aga ko nagising. Miss na kita. Mwaa. ILOVEYOU SO MUCH! J

*SENT*

Wahaha. Yan ang mga style. Tapos isang tawagan lang para di mabuking.

Maya maya…

*BEEP BEEP*

1 message received.

2 messages received.

Hanggang sa

3, 4 , 5, 6, 7 , 8, 9, 10 messages received.

Oha oha. Ganyan sila kabibilis pagdating sakin.

FROM: GF Number 1

Message: Gud morning din. Nagising ako sa text mo. Hehe. Mas miss kita no. Kita tayo? ILOVEYOU TOOOOOOO so much. Mwaa.

From: GF number 2

Message: Nagising ba kita sa tawag ko? Sorry bhie ha. Gusto lang kita i-greet ng gudmorning. Kita tayo? ILOVEYOU TOO! J

From: GF number 3

Message: miss na miss na din kita no! kahit kaka-date lang ntin khapon. Saya ng monthsarry ntin! ILOVEYOU! Mwaa mwaa. Kita ulit tayo?

--Haha, feb 13 kasi khapon. At monthsarry namin ni GF number 3.

From: GF number 4

Message: Walang Happy monthsarry? Haaayy. L Kita tayo?

From: GF number 5

Message: Good morning din bhie. Mahal na mahal kita! Kita tayo? Monthsarry ntin tom!

From: GF number 6

Message: Naks aga ah. Ilove you too! Ilove you I loveyou, iloveyou.! Kita tayo? Miss you too!

From: GF number 7

Message: Bhie! Wait lang ha? Good morning, Iloveyou. Magkikita ba tayo? Cge wait lang po muna.

From: GF number 8

Message: Di manlang sinagot tawag ko. Psalamat ka mahal kita! Kita tayo? Miss din kita!

From: GF number 9

Message: Mas miss kita bhie! Kita tayo? ILOVEYOU!

From: GF number 10

Message: miss din po kita. Iloveyou po bhie. Kita tayo?

Woah, kpagod magbasa ha! Tapos lahat sila nkikipagkita? Hmm, kay number 4 muna ko, monthsarry namin eh. Hahaha. :D

TO: GF number 1-10 (except number 4.)

Message: Gusto sana kita idate, kaso may praktis banda ngayon eh. Hayy sorry po. Wag ka magagalit ha? Mahal kita! Wait lang po wag ndin ikaw reply, lowbat kasi. Text kita maya pag uwi ko, iwan ko po CP ko. Mwaa. J Loveyou ulit, super! Alam mo yan!

*SENT*

Haha. Nakanang. Yan ang mga palusot. Pero totoong may banda ako. Vocalist and lead guitarist ako eh. Pwede din ako sa drums. O girls, wag mgalit. Easy, haha. I care for all of them pa din naman eh. Haha.

Ay teka tetext ko pa si number 4...

TO: GF number 4

Message: Sorry po bhie. Nandito na ko sa tapat ng bahay nyo. Halika na. Ide-date pa kita. Kanina pa ko dito, balak ko personal ka batiin eh. Sorry po. Wait kita. LOVEYOU!

*SENT*

Yan ang mga palusot, haha. At eto, kasama ko na sya. Buti na lang malapit lang bahay nila samin, kaya nagtatakbo ko papunta sa kanila, wala ng ligo-ligo, mabango naman ako eh. Haha.

Kahit na sampu sila, pag may date, gastos ko naman. Pambawi, Haha.

Dinala ko sya sa Tagaytay. Ayun lakad lakad, sight seeing, kaen, picture taking, palitan ng sweet words, at kung ano ano pa. Naman, kahit sampu sila, I care for them. I want them to be happy kahit pag monthsarry lang namin, Haha.

At ayun, tuwang tuwa si GF number 4.

Ayan ako. I’m Keith Justine Gutierrez. 17 years old. Nag aaral sa South Academy. May sister school tong school namin eh. Dapat nga dun ako papasok. Mas malapit kasi sa bahay. Kaso ang weirdo ng pangalan. Tween Academy? Tsk, Ang baduy. -___- Kaya pinili kong dito na lang mag enroll.

Balik tayo sa pag papakilala ko. Tulad ng sinabi ko, lead guitarist and vocalist ako ng isang banda sa school namin. Certified playboy.  I don’t believe in love kasi, simula yun ng iwan ako ng kaisa isang babaeng mahal na mahal ko. Sabi nya pa FOREVER kami na, tapos iniwan lang ako. Ang sakit!

At ayun, simula nung iwan nya ko, di na uso sakin ang love love na yan, baduy! Tsaka kalokohan lang yan. Sus.

Anyway. Malapit na nga pala yung graduation. Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung sang University ako papasok. Tinatanong ako nila Mommy kung san ko gusto, kung san ko balak, wala ako masagot. Hindi na kasi ako nag aabalang mag hanap ng school dahil alam kong hahanapan din naman ako nila Mommy. Mabait nanay ko eh. Haha.

A crazy little word called FOREVER [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon