Justine’s POV
Monday na naman. Ibig sabihin, pasok sa school na naman. Tsk, nakakatamad, wala rin naman kasi kaming klase kasi University week pa. Kaso lang kailangan pumasok para sa practice ng banda. Sa Friday na nga pala yun. Sana maraming chix ang manuod ng battle of the bands sa Friday para makabingwit ako ng mga bagong chicka babes. Hahaha!
Nandito na ko ngayon sa terminal ng bus byaheng Manila. 7:45am pa lang, ang aga pa. 10am kasi kami magkikita kita nila Pauline sa school eh. Oo sa school pa rin kami magkikita kita, hindi diretso sa bahay nila Prince kung saan kami nagpa-practice, kahit kasi U-week, kailangan ma-swipe namin yung mga I.D’s namin sa gate para may time in kami, katibayan na pumupunta pa rin kami ng school. Required kasi yun eh, dapat daw kasi makisali kami sa mga activities na ginagawa, kaya ayun..
*krooo krooo*
Tunog yan ng tyan kong kumukulo, haha. Nagugutom na kasi ko, di kasi ko nag breakfast sa bahay eh. Bibili nga muna ko ng makakain sa Jollibee, tutal sa may tabi lang naman yun nitong terminal.
Bumaba na muna ko ng bus na halos wala pang pasahero.. Tapos dumeretso na kagad ako ng Jollibee.
Pagpasok ko, dumiretso na kagad ako sa counter, sakto walang masyadong pila.
“Good morning sir. Ano pong order nyo?” –sabi nung babae sa counter. Ang ganda ah, ang puti, haha.
“Parang ayoko na umorder, kasi sayo pa lang miss, busog na ko eh.” –sagot ko sa kanya sabay kindat sa kanya. Haha.
Ngumiti sya sakin at halatang nag blush. Hahaha. Mga babae talaga. Kinindatan ko na lang ulit sya tsaka ko sinabi yung order ko. Di na kasi sya makapagsalita eh, kulang na lang tumulo laway nya kakatitig sa gwapo kong muka, hahaha.
“Isang B1 miss. Pakilarge yung fries tapos paki-upgrade sa float yung drinks.”
“For dine in sir?”
“For take out.” –tapos inabot ko na yung bayad ko.
“Okay sir, 1 B1. I received P500.”
Tapos inabot na nya sakin yung sukli ko. Tapos maya-maya okey na rin yung order ko. Inabot na sakin nung babae yung plastics na pinaglalagyan ng order ko. Kinuha ko na tapos nginitian ko ulit sya. Haha.
Lumabas na ko ng Jollibee at naglakad pabalik ng terminal dala-dala yung binili kong pagkain. Sa paglalakad ko, nakita ko si Pauline na bumababa ng jeep, may kasama syang babae. Maganda. Sino kaya yun? Pagbaba nila halatang busy na busy sila sa pagkekwentuhan. Ano kaya pinag uusapan nila? Hindi ako chismoso ah, curious lang, hahaha.
Papalapit na sila sakin.. Nakita na kaya ako ni Pauline?
Tatawagin ko na sana sya, kaso… Kaso narinig ko yung pangalan ni Maynard..
Si Maynard ba pinag uusapan nila? Tsk, bat naman nila pag uusapan yung lalaking yun? Baka naman boyfriend nung babaeng kasama nya? Pero imposible, kasi halata namang may gusto yung si Maynard kay Pauline. Tsk, bibilisan ko na nga lang maglakad at mauuna ko sa bus. Kailangan malaman ko kung bakit nila pinag uusapan si Maynard. At dapat din hindi ako makita ni Pauline.
Dali-dali akong umakyat ng bus. Dun muna ko umupo sa may bandang dulo para di nila ko mapansin..
Maya-maya nakita ko na rin silang sumakay na sa bus. Nauuna si Pauline, kasunod nya yung babaeng kasama nya. Yumuko ako para di nila ko makita. Naghahanap kasi sila ng pwesto eh..
Maya-maya lang umupo na rin sila.. Si Pauline yung nasa may tabi ng bintana. Pero sobrang layo naman ng pwesto nila sa pwesto ko, pano ko maririning usapan nila?
BINABASA MO ANG
A crazy little word called FOREVER [On Going]
RomanceMay mga bagay na mhirap paniwalaan at panindigan. Tulad nalang ng FOREVER. Alam naman kasi nating lahat na walang nabubuhay sa mundong ito FOREVER. Lahat may hangganan, lahat may katapusan. Pero ano nga ba ang papel ng pitong letrang salitang ito sa...