Chapter 21

137 5 15
                                    

A/N: DEDICATED sa 9 fans ko ^___^

Natutuwa ko sa inyo kasi kahit bago ako finan nyo ko :) And this is my way to say THANK YOU ^__^

@CloseToForever @iheartforever02 @Ms_Yunju @asdfghjklmae @ihavethehunger2fan @KristineLalap, at syempre sa mga kumag HAHA :D @akoitohahaha @chibichabipanda @missfrankynobi

ayun :)

Sa mga nagbabasa na di ko fan, enjoy nyo pa rin to :)

HEART you all <3 ^_____^

Pauline’s POV

“Welcome to the Battle of the Bands 2011!” –sigaw nung dalawang MC.

Ow-em! This is it. Eto na yun!

Nandito kami sa back stage ngayon ng grupo. Chill lang kami dito. Sabi kasi nila relax lang, para daw mamaya di kami lamunin ng kaba sa stage. Pero ako? Huhu. Sa loob loob ko dinadaga talaga yung dibdib ko. =__=” kahit pa sabihin nilang sanay na ko mag perform sa harap ng maraming tao, kasi nung high school naman daw nagbabanda na rin ako. Eh pero kasi, iba ngayon eh. Mas maraming tao, tsaka hindi na mga nene at totoy ang audience namin dito. Tsaka mas marami na kaming kalaban. Nung high school kami hanggang 10 lang kaming mga naglalaban laban eh. Ngayon, 24. Oh diba, bongga? Huhu.

“Okey ka lang ba Pauline?” –tanong ni Maynard sakin

“Ah, oo.” Sagot ko sa kanya with matching pilit na ngiti

“Eh bat muka kang natatae dyan?”

Ano daw? Amp.

“Ano?!” –sagot ko

“Hahaha. Joke lang. Bat ba kasi muka kang di mapakali?”

“Kinakabahan ka ba Pauline?” –tanong ni Prince sakin

“Hindi, ayos lang ako ^__^” sige Pauline, lie. Kaya mo yan. Huhu.

“Sus. Oh.” –sabay abot nya ng bottled water sakin

“Uminom ka muna, pampakalma lang.” –sabi nya ulit pagkaabot nya sakin ng tubig.

Si Justine yun. Napangiti naman ako sa ginawa nya. Kahit hindi ako umamin alam nyang natetense ako. Bigla tuloy narelax yung pakiramdam ko ^__^

“Ah, salamat.” –sabi ko sa kanya. Tapos nanahimik na ulit sya sa isang tabi.

Bat ba ang suplado nya na sakin? Baka meron sya? HAHA.

“Okay ka na ba?” –tanong ulit ni Maynard

“Ah oo. ^_^” –sagot ko

“Wag ka mag alala, sigurado ako na ikaw pa rin ang pinakamagaling sa kanilang lahat ^_^”

Napangiti naman daw ako sa sinabi ng lalaking to. Enebe :””)

“Oo nga. Kaya chill ka lang dyan. ^_^” –sabi naman ni Prince

Dahil sa mga sinabi nila, tuluyan ng narelax yung pakiramdam ko. Kaya ko ‘to! Nagawa ko na to dati, wala naman sigurong pinagkaiba ngayon. AJA! ^__^

“Salamat.” –sagot ko sa kanila

“Okay, let’s now welcome our contestant number 1. The ABC band!” –sigaw nung lalaking MC. Ang weirdo ng pangalan nung banda nila. Bata? -__-

Tapos nagsimula na sila sa pagtugtog. Babae din Vocalist nila, ang galing. The whole band, magaling.

Ayan tuloy, nag uumpisa na naman dagain yung dibdib ko. >__<

Tapos next next next... Ang dami talaga, pang 11 pa kami eh.

A crazy little word called FOREVER [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon