"YOU said job, didn't you?" kunot noong tanong ni Aesthen kay Aries bago napayakap sa kaniyang sarili. It was a reflex, like protecting herself unconsciously from someone she doesn't trust.
Tipid na tumango lamang si Aries sa babae, bago siya napamulsa.
"What job exactly?" patuloy na tanong pa ng babae, halata sa tono nito ang halong kyuryosidad at diskomportable. “Let me tell you first, I’m a journalist, not a fashion designer, is that clear?”
A smile curved on the man’s lips.
"Actually, can we discuss it over a cup of coffee?" suhestiyon ni Aries sa dalaga, nang lumipad ang tingin nito sa likuran ni Aesthen. "If you don't mind." dagdag pa nito sabay bahagyang hinila ang hem ng kaniyang suot na coat, tila ba inaayos.
"You mean a private talk," pagliliwanag ni Aesthen at saka napalingon sa likod niya kung saan matamang nagmamasid si Nix sa kanila. Sinamaan niya lang ito ng tingin. "Or I can just make you one, if you literally mean coffee and not privacy."
"You see . . ." pagpapaliwanag pa ni Aesthen sabay tingin sa suot. She probably stinks now.
Hindi siya pwedeng lumabas, ngunit mas lalong hindi niya na kayang paghintayin pa muli ang lalaking ito na kanina pa siya pinagtitiyagaang hintayin.
"I get your hesitation. And yes, I need a private place." pagsagot naman ni Aries ng may bahagyang pagtango pa sa dalaga, "What about, inside my car?" tapos ay suhestiyon naman ng lalaki.
"O-okay." bahagya pang nautal na sambit ni Aesthen sa suhestiyon ng lalaki, bago siya nagsimula nang maglakad.
Hindi alam ni Aesthen kung bakit ganito siyang mag-isip sa harap ng lalaking ito. Na tila ba lahat ng lakas niya ay sinisipsip nito dahilan kung bakit hindi siya maging sarili niya.
Every steps that she does, makes her feet feel numb and numb. Nahihirapan siyang kontrolin ang isang bagay nang dahil sa isang partikular na rason—ang presensiya ni Aries Caballero.
As a journalist, wala siyang kinatatakutan, she's a very innovative and creative person. Napaka tapang ng aura ni Aesthen Kade Blanco, but there's something with him, she can see through him—but it's just a vague sight; unidentifiable, but she can smell it, ano pa't naging journalist siya.
Hindi niya lamang alam kung mabuti o masamang aura ba ito, na ikinapanlulumo ng kaluluwa niya. Tila ba nahanap na ng mabangis na si Aesthen ang kaniyang katapat.
Naupo nang maayos ang dalaga sa passenger's seat bago tuluyang naisara ni Aries ang pinto mula sa labas ng kotse, at saka ay umikot naman ito upang pumasok na sa pinto ng shotgun.
"You see. . ." pagsisimula ni Aries sa conversation nila at saka tumingin sa mga mata ng babae.
Nag-angat kaagad ng kilay si Aesthen sa kaniya dahilan kung bakit agad itong napailing at napasampal sa noo.
"This is harder than I predicted it will be." napapailing na sambit na lang ng lalaki.
"Ano ba iyon?" takhang tanong naman ni Aesthen sa kaniya.
"Okay, let's start with I know you are a magazine writer—I mean former magazine writer, and I am a businessman who wants to write an erotic romance novel. You get where I'm going?" paliwanag ni Aries bago napaiwas kaagad sa babae ng kaniyang tingin.
Tinaasan lang siya ng kilay ni Aesthen, demanding for more information. Unexpectedly, the erotic romance novel thing didn't surprise the former-magazine writer.
"I want you to help me," dagdag pa ni Aries para maliwanagan ang babae, bago ulit ito lumingon sa direksyon ng babae. "Help me."
Napakunot na ng kaniyang noo ni Aesthen.
Help him? In what way?
Like, co-write the novel he wants to make?
"Paano?" tanong ni Aesthen sa kaniya, hindi muna gustong mag-jump in to conclusion ng dalaga.
There's something more—she knew it. Pasasaan pa't naging isa siyang journalist. At saka hindi rin ito personal na magpapakita para lamang sa ganoong pag-uusap.
There's always a catch.
"And you said it's a job, right? How much will I get out of this?"
"Help me write the story, and I'll pay you of course." seryosong sambit ni Aries na matamang nakatitig na sa kaniya. "But I want the story to be so real, so I'll be suggesting na mag-experiment tayo. And since magtatrabaho tayo together, with this story, I'll also suggest na doon ka titira sa penthouse ko. Is that okay?"
Sandaling napatikom ang bibig ni Aesthen sa narinig.
Bukod sa iniisip niya kung magkano ang suswelduhin niya doon, given the fact na isang businessman ang kausap niya, iniisip niya rin kung anong balak ng isang businessman para magsulat ng sarili nitong libro.
"Magkano ang perang makukuha ko?" kahit na curious, ay mas inuna ni Aesthen na itanong kay Aries ang limang salita, nang may magkasalubong na kilay habang fixed ang titig sa lalaki. "I need to know what benefit I can get. Baka mamaya lugi pa ko,"
She sounded so cheap, and desperate. Aesthen felt the need to take back the words she said, dahil para nakabababa ng dignidad ang mga sinabi niya, but it's already too late.
Napangisi si Aries at agad na may inabot na papel sa dalaga, na kanina pa nasa console ng kotse niya, malapit sa manibela. Malamang siguro ay printed contract iyon.
Napaka handa naman masyado ng lalaking iyon, naisip ni Aesthen.
"This," sambit niya bago tinuro ang letrato sa dyaryong hawak niya.
Nanlaki ang mga mata ni Aesthen sa nakita. Not a contract after all. Is this a blackmail, then?
'Writer of Cutesy Magazine, Aesthen Blanco, spotted drunk on the Piedras Club last night, nearly killed her New Editor.' pagbabasa ni Aesthen ng headline sa isip niya lang.
Nanlaki ang mga mata niya at agad hinagis kung saang sulok ng kotse ang dyaryo.
"What the?" hindi makapaniwalang sambit niya sa sarili. Sa natatandaan niyang mga ginawa kagabi ay wala naman siyang ginawang gano'n kalala.
Nearly killed her New Editor?
What kind of sick joke is that?
Basta nagsumbatan lang naman sila, tapos ay bigla na lang niyang hinagis ang bote sa direksyon ng Editor niya kung kaya't nasugatan ito sa tuhod.
Anong nakamamatay don?!
"I can get you out of that trouble, Aesthen. I will also pay you." seryosong sambit ni Aries sa kaniya, "Basta tulungan mo lang din ako." dagdag pa nito.
BINABASA MO ANG
The CEO's Scheme
RomanceAries Caballero isn't just the co-writer. He is the story. Nang matanggal si Aesthen Blanco sa pagiging isang journalist sa Cutesy Magazine, ay biglang sulpot na lamang ni Aries Caballero, ang CEO ng Cavaliers Company for Undergarments upang bigyan...