6 - Property & Privacy

5.6K 97 3
                                    

NAGULAT si Aesthen nang magtaas lang ng dalawang kilay si Aries sa kaniya, matapos niyang sumigaw dito, tapos ay lumapit pa ito sa kaniya hawak ang damit niya na tila ba nang-aasar.

Agad na inagaw ni Aesthen sa lalaki ang kaniyang damit at saka ay nagmamadaling isinuot ito bago binigyan si Aries ng masamang tingin.

"You don't know the meaning of privacy, do you?" nang-uuyam na sambit ni Aesthen sa lalaki na ngayon ay seryoso nang nakatitig sa kaniya habang nakahalukipkip.

"Ask me that when you learn the meaning of property." sagot naman ng binata, bago tinignan ang pangit na pagkakapintura ni Aesthen sa pader sa likod ng pinto ng kaniyang kuwarto.

Nasira na ang magandang kulay ng walls ng binata doon sa parte na iyon. Agad namang napatikom ng bibig ang babae sa narinig na tugon ng binata.

Damn it.

Of course, property pa rin ni Aries ang kwarto na iyon. Nakikitira nga lang pala siya doon dahil parte ng kaniyang trabaho.

Fine, I know my fault.

Pero may mga ara na masyadong mataas ang pride ni Aesthen, at isa iyon sa mga araw na iyon. Tila ba sa isang segundo ay napaikot niya ang mga upuan.

Naalala niya ang nangyari sa lobby kanina, kung paanong nakilala siya nong delivery man at inakusahan siya ng parehas na issue na ibinabato sa kaniya sa isang dyaryo.

It's Aries Caballero's fault—it's his job to take down that issue, pero mukha wala siyang ginawa.

"I told you to call my secretary if you need help, did I?" seryosong sabi pa ni Aries habang chine-check ang kalidad ng pinturang ginamit ni Aesthen.

Nanatiling nakatitig ang dalaga sa binata nakikiusisa sa mga materyales na binili niya.

"How many brush did you buy?" dagdag pa ni Aries at saka lumingon sa dalagang nakatayo lamang sa kaniyang likuran.

"Did you take care of the media already?" labas sa kanilang topic na tanong ni Aesthen. She wore her ever famous resting-bitch face.

Napakurap si Aries, may kung ano na nagspark sa mga mata niya; guilt? fear? disappointment? An emotion is evident in his eyes, but Aesthen couldn't figure what emotion it was.

Aries is one of the few with inexpressive eyes, but not quite. 

Mapanlinlang ang mga mata niya.

"Yes, I did." tipid na sambit ni Aries, napaka flat ng tono nito at walang expression ang mukha.

"Well, it seems like you didn't do your job very well, dahil umabot pa rin sa akin ang balita." this time, may tono ng pang-uuyam na sa boses ni Aesthen.

It made Aries uncomfortable for a moment, pero nawala din agad ang tense sa aura niya.

Nanlaki na lamang ang mga mata ni Aesthen nang masaksihan niya ang pag-a-unbutton ng damit ni Aries. Agad na napaiwas ng tingin ang dalaga sa binata.

Bakit siya naghuhubad ng polo niya dito?

At bakit wala siyang sando o kahit na anong suot na panloob?

BwisitNagkakasala si ako nang wala sa oras!

"B-bakit ka naghuhubad?!" naiiritang sambit ng dalaga pero bakas ang pagkanginig sa boses niya bago siya nagtakip ng dalawang kamay niya sa mukha. Pakiramdam niya'y pinamumulaan siya ng mukha.

Topless guys don't actually made her unconscious, lalo na't isa siyang manunulat ng isang girl's magazine.

She hired at least a couple of topless guys noon, no'ng medyo edgy at dark pa ang theme ng magazine nila. They never made Aesthen turn her look away, but Aries is not just the others guys―he's different.

The CEO's SchemeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon