ISINARADO ni Aesthen Blanco ang huling pahina ng librong pinadala sa kaniya ni Aries kahapon, kasabay iyon ng pagpatak ng bawat luha niya.
Bedroom of Aries?
Her fingers ran over the inscripted title.
Damn, hindi niya inaasahang ganito ang mababasang niyang libro. So, iniba nga talaga ni Aries ang sinulat nila at ginawa niyang non-fiction, or partly non-fiction dahil may mga dinagdag itong scenes na hindi naman nila ginawa sa totoong buhay.
Pero, ito pala ang ibig niyang sabihin noon na papalitan niya ang kwentong ginawa nila.
Pero bakit may mga maseselang parte katulad na lamang ng nakasulat na nangyari sa kaniya noong bata pa siya? Hindi maiwasan ng babae nataasan ng balahibo sa nabasa niyang iyon.
Pero kanino kaya siya tumulong upang makuha ang point of views ni Aesthen? Halos isang taon niya rin sigurong binuo ang kwento dahil ngayon lang niya ito napublish. Nilalaman pa nito ang nangyari sa kanila noon, simula noong una silang magkita.
Napangiwi na lamang ang dalaga sa last chapter na nabasa niya.
So, it is a tragic story for him.
So, their story is a tragic one.
So, tanggap na ni Aries na hindi pwedeng maging sila. Pero bakit parang hindi pa rin iyon nagsi-sink in sa isip ng babae?
Tuluyan nang tumulo ang mga luha ni Aesthen sa biglang bigat na naramdaman niya sa dibdib.
Hindi pa rin niya tanggap.
A year had already passed simula nang makarating siya dito sa Paris, France pero tila kahapon pa rin simula nang dumating siya at fresh pa rin ang mga sugat ng nakaraan. Hindi pa nito kayang maghilom. Hindi pa rin siya nasasanay.
"Kade! Why are you crying?" tanong sa kaniya ng pranses na photographer sa matigas na Ingles. Napangiti na lang ang babae at saka umiling, "I'm fine, thanks. I just remembered something." sambit niya bago tumayo na at saka ikinurap-kurap pa ang mga mata upang mawala ang mga luha. Hindi kasi pwedeng masira ang make up niya dahil may shoot pa siya after water break.
"Come here, honey. Lemme fix your make up." ani Mariz, ang half american and half filipinong make-up artist niya. Agad naman ay pumunta doon si Aesthen upang i-retouch ang make up niya.
"You're nervous, sweet cheeks?" tanong pa ni Mariz na agad naman ay inilingan ni Aesthen. Halos isang taon na siyang nagmomodel dito at hindi naman siya takot sa camera at lalong lalo na sa press dahil isang beses na rin siyang naging parte noon. Kaya hindi siya kinakabahan sa mga photoshoots.
"Missy, something happened to Rafael yesterday, so hindi siya ang partner mo today." untag ni Jessica na kadadating lang at may bitbit pang dalawang coffee cups.
"For you, missy." dagdag pa niya kay Aesthen at saka ito kinindatan. "Good thing we found a freelance model, so let's see if may chemistry kayo?"
Agad naman ay humigop si Aesthen sa kaniyang coffee cup at napapikit na lamang sa kakaibang aroma ng kape. Naaadik na naman siya dito at parang naglalakad na naman sa heaven. Damn, she's really in love with coffee.
"Sure, open naman ako kahit kaninong model." nakangiting sagot ni Aesthen sa kaniyang bestfriend bago tumayo na upang kilalanin ang partner niyang model ngayon.
"And before I forgot, iba ang theme now. Not the usual hearts and roses. A little bit sensual, can you do that?" nahihiya at tila napapakamot pang sambit ni Jessica sa kaibigan. Agad namang nanlaki ang mga mata ni Aesthen at napahawak sa braso ng kaibigan.
"H-huh?" gulat nitong sambit na tila namimilog pa talaga ang mga mata sa narinig.
"Sorry, ngayon lang din binigay yung memo. Nagulat nga ako. Hindi din ako nainform bessie," apologetic na sagot naman ni Jessica at malungkot na tinignan lang si Aesthen. "So, you need to change your outfit."
BINABASA MO ANG
The CEO's Scheme
RomanceAries Caballero isn't just the co-writer. He is the story. Nang matanggal si Aesthen Blanco sa pagiging isang journalist sa Cutesy Magazine, ay biglang sulpot na lamang ni Aries Caballero, ang CEO ng Cavaliers Company for Undergarments upang bigyan...