"NO, I'll cook." nagmamadaling nanakbo si Aesthen papasok sa kitchen at saka inagaw sa babae, na walang saplot kundi polo shirt na white, ang sudsod na hawak nito para pigilan siya sa pagluluto ngunit agad iniwas ito ng babae sa kaniya.
"Damn it, bitch! Huwag kang makisawsaw!" naiiritang sagot ng babae at agad siyang inirapan.
Napapurse na lamang ng kaniyang labi si Aesthen at saka napahinga ng malalim.
Gumising siya ng maaga para siya ang magluto dahil napredict na niyang mangyayari ito sa pagitan nilang dalawang babae. Ngunit naunahan pa rin siya nito.
Humila na lamang siya ng isa sa kitchen stools at saka naupo doon upang pagmasdan ang mga sunog na bacon and eggs sa harap niya.
Rejected, kaya nagluluto ang babae ng panibago.
Damn it.
Pinatay niya na lamang ang sunog na pagkain sa harap niya gamit ang mga titig niya. Tapos ay napasulyap siya sa babaing nagluluto.
So, siya iyong babae kagabi? Fuck her. Slutty bitch.
Ni hindi man lang nito nakuhang magsorry ngayong alam na nitong hindi nag-iisa si Aries sa bahay!
"So, you're one of his bed girls?" biglang tanong ng babae bago ito humarap sa kaniya hawak ang sudsod.
Agad napukaw ng tingin ni Aesthen ang hindi buttoned up na upper part ng polo shirt ng bisita. Bakat ang nipples nito at kita ang cleavage sa suot. Medyo may kalakihan ang dibdib nito. Hindi maiwasang mapaisip si Aesthen kung gaano talaga kapalad ang ibang mga babae.
Napaiwas na lamang siya ng tingin kasabay ng irap.
Of course, pipili na lang si Aries, bakit hindi yung sexy pa diba? Kung ganoon ka-wild si Aries in terms of sex, malamang ganitong kasupistikada kahit na napakabitch ng ugali, ang pipiliin niya. Maganda ang katawan nito, walang-wala sa kaniya. Halata rin na napaka yaman, kita sa hitsura.
Ang lakas nga ng dating niya kahit sa simpleng at gusot na white polo shirt lang ang suot niya.
Biglang napatigil sa pagfunction ang utak ni Aesthen nang marealize niya ang sinabi ng babae sa kaniya.
So, you're one of his bed girls?
Agad nanlambot ang katawan ng dalaga nang maalala ang eksaktong words ng bisita.
Damn. It.
She's jealous, right? Nagtataka na siya kung bakit ako nandito, right? Siya na ba yung totoong girlfriend? As in, for real? Pero sinabi Aries na wala siyang girlfriend. Who the hell is her?
Agad tumayo si Aesthen upang makakuha ng tubig sa fridge dahil pakiramdam niya ay natuyuan siya ng lalamunan.
"I'm his co-writer." walang kaabog-abog niyang tugon dito. Hindi niya pinahalatang medyo bumaliktad ang tiyan niya sa tanong ng babae.
Damn. Near to being his bed girl. Aminado si Aesthen doon, dahil alam niyang muntikan na siyang bumigay.
Natawa ang bisita sa narinig na tugon ng babae bago nito itinuloy ang pagpiprito sa bacons and eggs.
"Oh, write about his ero-novel. So, Seb really continued it." natatawang sambit ng babae na parang hindi pa makapaniwala sa narinig.
Napatigil sandali si Aesthen nang marinig ang tawag ng babae kay Aries.
Seb.
Ganoon ba sila ka-close upang payagan niya ang babae na tawagin siya sa ikalawang pangalan niyang pinaka ayaw niya?
BINABASA MO ANG
The CEO's Scheme
RomanceAries Caballero isn't just the co-writer. He is the story. Nang matanggal si Aesthen Blanco sa pagiging isang journalist sa Cutesy Magazine, ay biglang sulpot na lamang ni Aries Caballero, ang CEO ng Cavaliers Company for Undergarments upang bigyan...