37 - Verity

3.1K 56 6
                                    

Warning: Read at your own risk.

"Naparito po kayo?" tanong ni Aesthen matapos niyang buksan ang gate nang napakaingat at paunti-unti.

Tipid na ngumiti lamang ang matandang babae bago nilingon ang kasama nitong lalaki na agad namang tumango dito.

"I badly need to talk to you, Aesthen Kade. Pasensiya na doon sa bintana; it's the only thing I came up with." sambit ng matanda habang magkahawak ang dalawa nitong kamay at desperadong nakatitig sa dalaga. "The doorbell must be out of order, and I don't want to bother your family, and I saw you from the window."

Agad na napalingon si Aesthen sa tahimik at madilim nilang bahay bago niya hinigpitan ang pagkakasuot sa kaniyang cardigan dahil medyo malakas na ang hangin at napakalamig ng gabi. Ngayon niya lang napagtantong papasok na naman ang Disyembre.

"Ah, gano'n po ba?" magalang na tugon ni Aesthen, pagbalik niya ng tingin sa matanda. "Saan n'yo ho ba gustong mag-usap tayo?"

"Kahit sa nearest coffee shop na 24 hours, you think?" pagsasuggest naman ng matanda na agad tinanguan ni Aesthen.

Agad silang sumakay sa kotse na dala ng mama ni Aries at saka na umandar ito papunta sa pinaka malapit nga na coffee shop.

"Here," agad na iniabot ng matandang babae ang cup of coffee kay Aesthen nang dalhin na niya ito sa table nila. Nagpaiwan na lang kasi sa labas ang kasama nitong lalaki, na malamang siguro ay driver nito.

"Before I forgot, hindi pa pala ako formal na nakapagpakilala sa iyo noon. Forgive my rudeness." panimula ng matanda bago sumimsim sa inorder nitong tsaa. "I'm Victoria Caballero," sambit pa nito at saka naglahad ng kamay, "I'm Sebastian's mother."

Agad namang bumaliktad ang tiyan ng dalaga sa pagkakarinig sa Sebastian na ikalawang pangalan ni Aries. Masyado pa kasing fresh ang panaginip na iyon sa utak niya at hindi niya masikmurang makarinig ng Sebastian. Pero agad rin naman niyang tinanggap ang kamay ng matandang babae at saka ito shinake.

"May problema po ba kay Aries?" direkta nang pagtatanong ni Aesthen matapos kamayan ang babae dahil nag-aalala na rin siya dito.

Napahinga na lang ng malalim si Victoria at saka tumango sa dalaga. "I am currently staying at the manor, where Sebastian grew up. Good thing his lolo wasn't home. Nasa ospital kasi dahil sa sakit nito. So, ako babantay sa manor now." paliwanag ng matandang babae sa sitwasyon na agad namang tinanguan ng dalaga kahit na deep inside ay napapamura na siya.

Buhay pa pala ang matandang iyon. Hindi naiwasang magtangis ng mga bagang ng dalaga sa narinig na hindi kasiya-siyang balita para sa kaniya. Kung nababasa lang siguro ni Victoria ang isip at ekspresyon ng dalaga, malamang ay magtataka ito at mag-iisip ng masama sa disappointment at grudge na nararamdaman ni Aesthen para sa kalagayan ng matanda. Hindi niya masisisi si Aesthen, lalo na kung alam niya ang sinapit ng kaniyang anak. Malamang ay magkaintindihan pa sila ng dalaga.

"Aries knew about what happened to his grandfather. Kaya malakas ang loob niya na sinugod ako kanina doon sa old house." dagdag pa ng matandang babae na agad namang kinunotan ng noo ni Aesthen.

Aries knew about what happened to his grandfather. Kaya malakas yung loob niya na sinugod ako kanina doon sa old house.

Agad niyang inanalisa ang mga sinabi nito pero ganoon pa rin ang naiisip niya.

Possible kayang alam ng nanay ni Aries ang nangyari sa kaniya dati? Pero bakit? Kung alam nito, bakit hindi niya inilayo si Aries para hindi ito magdusa sa kamay ng matandang lalaking iyon? Bakit?

Damn it.

Anong klaseng nanay siya?

Napakuyom na lamang ang kamay ni Aesthen bago siya tumayo at saka umiling sa babae, "I don't mean to disrespect you, Ma'am Victoria. But I don't want to hear any of this." iyon na lamang ang sinabi niya bago nagsimula nang humakbang palayo, ngunit agad siyang pinigilan ng matanda sa pamamagitan ng paghawak nito sa braso niya.

The CEO's SchemeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon