TIPID na napailing na lamang ang matanda bago nagsimula nang maglakad pababa ng hagdan, buhat ang luggage ni Aries.
Napahinga na lamang ng malalim si Aesthen ngunit hindi ito sumuko at sinundan pa ang matanda sa kaniyang paglalakad.
"Wala akong karapatang sundin ang utos mo, Ms. Aesthen, kung hindi iyan necessity." tipid na sambit lang ng matanda nang maramdaman ang pagsunod ng dalaga.
Hindi pa rin nagpaawat ang dalaga at diretso lang sa pagsunod dito maging sa paglabas nito sa pinto at pagpasok sa elevator.
Walang emosyon ito na nakatayo lang doon. At kung iba ang titingin, aakalain nitong hindi magkakilala ang dalawa. Hindi maiwasang malungkot ni Aesthen dahil sa asal ng matanda sa kaniya ngayon. Napaka focused nito sa trabaho na aakalain mo talagang isa siyang human robot.
Susundin ang ipagagawa ni Aries, wala nang iba pa. No unnecessary movements.
"Sir Zaldi. . ." pagpipilit nito nang hindi na talaga kinaya dahil hindi talaga siya pinansin ng matanda. Bumukas na ang pinto ng elevator at nasa lobby na sila.
Nag-angatan ang tingin ng mga taong nagpaparut-parito doon at diretso iyon sa kaniya.
Naitikom na lamang niya ang bibig at pilit naglalakad ng sarado ang magkabilang tainga. Sana ay makalampas sa tainga niya lahat ng maaaring sabihin ng mga tao dito ngayon. Ayaw na niyang makarinig pa ng kung ano-anong mga salita.
Takha na lamang ni Aesthen noong wala nga talaga siyang narinig. Ni wala ring tumingin sa kaniyang gawi.
Nadaanan nila ang receptionist na napaangat din ng tingin para masita si Aesthen, ngunit kaagad na nagtikom ng mga bibig nang makita kung sino ang kasama nito.
"Ms. Aesthen, hindi mo na ako kailangan pang kunsultahin sa mga gusto mong gawin. Basta ako, hindi tutulong sa'yo." narinig niyang sambit ni Zaldi pagkalampas nila sa gwardya sa entrance at exit ng building. "Wala akong kinalaman sa mga plano mo." dagdag pa nito bago nilingon si Aesthen at tipid na nginitian.
Sa sobrang tipid ng ngiti nito ay inakala niyang baka namalikmata lamang siya, ngunit hindi siya maaaring magkamali. Hindi siya kailanman nagkamali sa pag-identify ng mga ngiti.
Napakunot na lang ang noo niya nang isipin kung bakit siya nginitian ni Zaldi.
Bakit nga ba?
Hindi niya napansing naroroon na pala siya sa parking lot ng building at saka ipinapasok na ni Zaldi ang bagahe ni Aries sa likod ng kotse nito. Nakayakap lang si Aesthen sa sarili. Hinihintay na pagbuksan siya ni Zaldi.
Agad naman nitong binuksan ang driver's seat, na parang wala doon si Aesthen at hindi naghihintay.
Nanlaki na lang ang mga mata ng babae nang biglang isara nito ang pinto ng kotse at nagmadali nang magdrive paalis.
Naiwang nakatulala si Aesthen. Hindi alam ang kaniyang gagawin.
Damn.
Iniwan siya ng tanging tao na maaaring magdala sa kaniya doon!
Napahampas na lang siya sa noo at saka napapikit. Akala ba niya tutulungan siya nito? Aba't para saan ang ngiti nito kanina?
Damn. But it's now or never. Kapag bumalik pa siya sa penthouse ay malamang hindi na siya makakalabas pang muli. Napahilamos na lamang siya ng mukha bago napahinga ng malalim. Mabuti ay nadala niya ang cellphone niya, ngunit nasa nightstand niya ang kaniyang wallet.
Paano na ito?
***
Tinitigan ni Aesthen ang address ng beach house ni Aries na naibigay ng sekretarya nito. Kanina pa siya nakatambay sa park at paulit-ulit kinokontak si Jessica na pumunta sa mismong lugar na kinatatayuan niya ngayon ngunit hindi pa ito nagrereply.
BINABASA MO ANG
The CEO's Scheme
RomanceAries Caballero isn't just the co-writer. He is the story. Nang matanggal si Aesthen Blanco sa pagiging isang journalist sa Cutesy Magazine, ay biglang sulpot na lamang ni Aries Caballero, ang CEO ng Cavaliers Company for Undergarments upang bigyan...