Special Chapter: Slipping Away

3.8K 55 2
                                    

It was off Aries' book. And it is what really happened.

Kapag pala nawawalan na ng gana ang isang to o kapag pala nakikita mo na ang unti-unting pagkawala ng interes niya-awtomatiko, alam mo na ang ibig sabihin no'n. Ramdam mo 'e. Umiiwas ng tingin. Wala na sa iyo ang atensyon. Hindi na pinapahalagahan ang oras mo, 'yun na iyon 'e. Nandoon ka na sa gano'ng point. Gusto na niyang bumitiw sa'yo. Gusto na niyang lumaya sa'yo. Ayaw na niya.

It simply ends there.

Pero ang mali ko naman, mas lalo pa akong kumapit. Hindi ko alam na mas sasakit lang pala iyon in that way. That's my mistake. Akala ko, he just needs assurance. Baka nagdadoubt lang siya sa akin. Baka natatakot lang siyang mawala ako, pero maraming namamatay sa maling akala. Yung isdang pilit mong hinuhuli sa ilog, butete pala. Yung pagpilit ko lang pala ang sasampal sa akin para magtigil na ako. But that's ignorance, not mistake.

And still. . .

I can't change the fact that he's now slipping away. And the best way to show my response to that? I should just let go too. Kung kinakailangang umalis ako for my own goodness, and for his own sake, gagawin ko. That's how much I love him.

That's how much I love Aries.


NAPAYAKAP na lang si Aesthen sa kaniyang hubad na sarili bago tuluyang humagulhol na naman.

Hindi siya makapaniwala sa biglaang pag-atake ni Aries. Hindi niya alam kung bakit.

Nakakatakot ang mga mata nito.

Gusto lang naman niyang maintindihan ang lalaki. Gusto lang niyang tulungan ito, dahil naaawa na siya sa tuwing nagwawala ito sa pagtulog at bigla na lamang sisirain ang suot na damit. Parang may kalaban sa panaginip, ngunit iyon ay ang kaniyang sarili lang din naman.

It just happened na nakainom ang lalaki pagkauwi. Then, nagatungan ni Aesthen ng mga tanong tungkol doon. They ended up screaming with each other.

He tried to touch her-na hindi gaya ng dati. Na parang. . .

Napahagulhol na naman ang babae at saka ay napayakap na lang sa kaniyang hubad na sarili. Hindi na niya kaya. Dapat ay umalis na siya dito. Habang natutulog pa ang lalaki sa kwarto nito.

Yakap-yakap ang sarili ay naglakad si Aesthen papunta sa kaniyang wardrobe upang kumuha ng mga damit at magbihis na rin.

Napatulo na lamang ang mga luha nito nang makuha ang gray T-shirt ni Aries na lagi niyang sinusuot kapag natutulog. Agad ay isinantabi niya iyon upang tipunin lahat ng kaniyang mga sariling damit.

The CEO's SchemeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon