“LET me do it, then.”
Nagulat si Aesthen sa biglaang pag-atake ni Aries sa kaniyang labi. Agad siyang pumalag at muling itinulak ang lalaki palayo sa kaniya ngunit masyadong malakas ito.
“Ano bang gusto mong mangyari ha?!” naiinis na talagang singhal sa kaniya ni Aesthen. Binigyan lang siya ng lalaki ng nagpupuyos sa galit nitong tingin.
“Bakit, ano bang gusto mong mangyari, ha?” pagbabalik ni Aries ng tanong sa dalaga.
Agad nanlaki ang mga mata ni Aesthen at agad na pinanggigilan na lang ang pagkakahawak sa magkabilang balikat ng lalaki.
“Lasing ka, matulog ka na.” seryoso na parang hindi niya narinig ang sinabi ng lalaki kanina at walang kaabog-abog niya itong sinabi.
Sinamaan lang siya ng tingin ni Aries na parang hindi tanggap ang lumabas sa mga bibig nito.
Mas lumapit pa ang lalaki at saka idinikit ang labi sa tainga ni Aesthen.
“I want you now,” husky ang pagkakasabi nito na nagsimula nang magsitayuan ang mga balahibo ni Aesthen sa tensyon at tila ba kaba. He wants her now?
Damn.
“You wasted all my foods,” nasambit na lamang ni Aesthen, out of the blue. Nakatingin siya sa malayo pero unti-unti niyang tinignan si Aries na matamang nakatitig pala sa kaniya.
“Pardon?” kunot-noong sambit nito sa dalaga.
“Tinapon mo yung foods na niluto ko! If you don’t want it, pwede naman—”
Napasinghap na lang siya sa gulat nang biglang kagatin na naman nito ang kaniyang tainga bago nito ipinulupot ang dalawang braso sa baywang niya.
Damn it!
Matamang nakatitig ang lalaki sa sa babae bago naglean-in pa at saka napapikit na idinikit ang ilong at noo niya sa ilong at noo din ng dalaga.
Amoy na amoy ni Aesthen ang matapang na alak sa hininga nito, dahilan para medyo mahilo siya sa amoy ngunit hindi niya magawang lumayo. Gusto niyang maging malapit ng katulad ng ganito sa lalaki.
“Hindi ko sasayangin ang kahit na anong luto mo.” bulong nito sa kaniya bago tipid na ngumiti, “Kung kinakailangang ubusin ko lahat iyon kahit sasabog na ang tyan ko sa pagkabusog, I’ll do it.”
Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa lalaki. Dapat ba siyang ngumiti at magpasalamat?
Damn.
Nagsimula nang mangatog ang mga tuhod ng dalaga at hindi alam kung paano gagalaw o magrerespond sa sinabing iyon ni Aries, nang biglang bumagsak ang baba nito sa balikat niya.
Mabigat ito kaya agad na napa-ungol si Aesthen sa sakit ng pagkakatama ng baba nito sa balikat niya. Sa laki ba naman nitong tao.
“A-aries?” mahinang tapik niya dito pero agad na niyang narinig ang mahinang hilik nito. Lasing na lasing nga lalaki.
***
Hindi alam ni Aesthen kung paano niya naimanage na maiyakyat si Aries papunta sa kwarto nito. Napahinga na lang siya ng sobrang lalim matapos marating ang pinto ng kwarto ng lalaki.
Agad siyang kumatok.
Walang sumasagot.
Napabuntong hininga na lang siya bago sinubukang buksan ang pinto ngunit nakalock ito. Wala siyawa kundi ang kaladkarin si Aries papunta sa kwarto niya mismo.
Halos tumatagatak na sa pawis si Aesthen nang marating at mabuksan niya ang kwarto niya. Pagod na pagod niya itong hinila papunta sa kama niya at saka hiniga sa kama nang pahila sa ulo hanggang sa makaabot ito sa tapat ng headboard. Bale na lang ang paghahabol ng dalaga ng hininga nang sa wakas ay naihiga na niya ang lalaki ng tuluyan.
BINABASA MO ANG
The CEO's Scheme
RomanceAries Caballero isn't just the co-writer. He is the story. Nang matanggal si Aesthen Blanco sa pagiging isang journalist sa Cutesy Magazine, ay biglang sulpot na lamang ni Aries Caballero, ang CEO ng Cavaliers Company for Undergarments upang bigyan...