41 - Forgive & Forget

3.1K 56 1
                                    

Parang napakatagal ng panahong lumipas simula nang iwan niya ang bahay na ito, pero ang totoo ay noong isang araw lang nang mangyari iyon.

Parang ang tagal niyang nawala.

Parang napaka tagal ng isang araw.

Napahawak na lamang si Aesthen sa kutson ng kaniyang kama bago napahinga ng malalim. Namiss niya ang lugar na ito.

Inabot na kaagad niya ang pares ng stiletto na suot upang hubarin na ito dahil medyo namamaga na ang mga paa niya sa pagsuot dito.

Matapos iyon ay hinubad na niya ang cardigan na suot, maging ang cropped top at skinny jeans niya. Tapos ay kinuha niya ang over-sized T-shirt at sports wear na shorts sa kaniyang bag upang iyon na ang ipampalit. Pero hindi siya bumaba.

Sa halip ay nagtungo na lamang siya sa verandah ng penthouse at nagmasid sa mga city lights na makikita sa ibaba nito. Tila langgam lamang sa kaniyang paningin ang mga sasakyang dumadaan.

Kahit na napakaingay ay parang ang peaceful nilang tignan nang dahil sa iba’t ibang kulay ng ilaw na nakaka-engganyo sa kaniyang mga mata.

"Hey,"

Hindi muna lumingon si Aesthen nang marinig niya ang boses ng lalaki. Nanatili lang siyang nakamasid. Hinihintay na lapitan siya nito.

"You want a coffee?" tanong pa nito na may hawak ngang mug ng kape.

Doon na bahagyang lumingon si Aesthen at agad na kinuha ang mug. Hindi niya sinasadyang madikit ang sariling kamay sa kamay ng lalaki, dahilan upang magtaasan ang balahibo niya sa batok.

This effect.

I hate it!

Agad na niyang hinila ang kape paalis sa lalaki at muli na lang ipinokus ang tingin sa city lights.

Kahit kailan ay hindi niya gustong nagkakaroon ng body contact sa lalaki lalo na kung awkward sila sa isa't isa, katulad na lamang ng ngayon. Dahil alam niyang magiging parang tanga lamang sa isang sulok, nangangarap pansinin nito.

"How's your book?" pag-iiba ni Aesthen ng topic, dahil kung ano-ano na ang pumapasok sa isip niya. Might as well, talk to the guy para naman malibang siya kahit papaano at kalimutan muna ang sitwasyon nila ni Aries.

"I kept it under my bed. Actually, I changed the whole story." sambit ng lalaki at lihim na napangiti habang nakatingin rin sa city lights. Napasingkit na lang ang mga mata ng dalaga na nakatingin naman sa kaniya.

"Bakit?" naguguluhang tanong ng babae na agad namang ikinibit-balikat ng lalaki.

"I told you I wanted a story based on experience, so I am writing again." sagot nito at saka sumimsim sa kaniyang kape.

Doon na napatahimik ang dalaga.

So, iyon pala ang totoong dahilan, kung bakit nandito ang babaing iyon kanina? So, naghahanap siya ng pagbabasehan? Wow.

"I want to publish it as soon as I finished writing it. But I will not sell it on the public market." wika pa ng lalaki at saka na napalingon kay Aesthen at bahagyang ngumiti, "I wouldn't let you read it either."

The CEO's SchemeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon