"NOW, thinking about that feeling, work on your worth-reading Prologue."
Nanigas ang katawan ni Aesthen at parang hindi na siya makagalaw sa sinabi ng lalaki. Naramdaman niyang lumayo ito pero hindi siya makalingon o makagalaw man lang, at miski ang magsalita ay hindi niya magawa.
Nanunuyo ang lalamunan niya.
Parang may pumipiga sa mga intestines niya.
Parang pinipigilan siya ng utak niyang banggitin ang mga salita
Hindi niya masabi.
Hindi niya kayang sabihin.
She's losing the confidence that she built up for the past years. Mawawala lang nang dahil sa manyakis na lalaking 'katrabaho' niya.
"Mr. Caballero?" mas lalong na-estatwa si Aesthen sa kinatatayuan nang makarinig pa ng ibang tinig sa labas ng banyo.
"Fuck," narinig niyang bulong ni Aries bago ito nagmadaling lumabas ng CR na tanging tuwalya lamang ang nagtatakip sa kaniyang katawan.
Magtatakip sana ng mukha si Aesthen pero napansin niyang may suot na itong tuwalya kaya agad siyang napalingon sa sink kung saan nanggaling ang binata. Sa tabi noon ay makikita ang rack ng tuwalya.
Agad na ring kumuha ng isa si Aesthen dahil basang-basa na ang suot niyang fitted shirt na talagang mas yumakap na sa katawan niya. Matapos iyong ipangtakip sa sarili ay lumabas na rin siya ng banyo para tignan kung sino ang taong dumating.
Naguguluhang tinignan ni Zaldi ang tumapon na pintura sa sahig, ang ilang pintura sa buhok at likod ni Aries, at maging ang nakabalot sa tuwalyang si Aesthen, pero wala siyang makuhang sagot kung paano napunta sa ganoong sitwasyon si Aries na kaniyang amo. Hindi naman kasi lampa ang kaniyang amo upang madapa sa isang timba ng pintura. Kung may mas nakakakilala kay Aries Caballero, si Zaldary Abueva iyon.
"Zaldi, pick up someone to clean up this mess." maawtoridad naman na utos ni Aries kay Zaldi bago hinigpitan ang nakapulupot na tuwalya sa kaniya.
Tipid na tumango naman si Zaldi at aalis na dapat nang maalala ang mga pinabili sa kaniya ni Aries kanina.
"Ah, Mr. Caballero, nasa counter table po sa baba ang mga pinabili niyo." paalala nito na tinanguan lang ni Aries.
"Ano pong gusto niyong mangyari do'n? Magpapadala na po ba ako ng mga pintor?"
Agad na tumingin naman si Aries kay Aesthen ng matalim niyang titig.
"Yes, please." sambit niya nang hindi inaalis sa dalaga ang kaniyang tingin, bago nagmartsa na paalis sa kwarto na iyon.
Nagsimula na ring gumalaw si Zaldi palabas at naiwan na lang doon si Aesthen na hindi alam kung ano ang susunod na gagawin. Agad niyang nakita ang suitcase niya sa lapag kaya agad siyang nagtungo doon para kumuha ng damit pamapalit.
***
"What do we have here?" tanong ni Aries matapos makita si Aesthen na naggagayat ng mga rekados sa kitchen. Kanina pa umakyat sa taas ang mga mag-aayos sa kwarto ni Aesthen.
"Magluluto ako ng adobo," tipid na sabi lang ng dalaga na nakapokus sa ginagawa niya.
Napatango lang si Aries bago humila ng isang upuan at saka nangalumbaba sa harap ng dalaga.
BINABASA MO ANG
The CEO's Scheme
RomanceAries Caballero isn't just the co-writer. He is the story. Nang matanggal si Aesthen Blanco sa pagiging isang journalist sa Cutesy Magazine, ay biglang sulpot na lamang ni Aries Caballero, ang CEO ng Cavaliers Company for Undergarments upang bigyan...