NASA loob ng office sa penthouse niya lang si Aries buong araw.
Gusto niyang pumasok sa kumpaniya niya, ngunit wala siyang ganang lumabas ng kwarto dahil baka magkasalubong sila ni Aesthen sa hallway.
Hindi niya kakayanin kapag nakita pa niya ito at baka magreact na naman ang katawan sa babae.
Nanatili na lamang siya sa loob ng office na maya't maya ay pinapasok ni Keya at dinadalhan siya ng kung ano-anong pagkain o tinatanong ng kung ano-anong bagay.
Parut-parito rin ang balik ni Zaldi dahil sa mga office and personal errands na inuutos sa kaniya ni Aries.
Ginawa na lamang niyang busy ang buong araw at inintindi ang kumpaniya para mawala si Aesthen sa kahit na anong sistema ng katawan niya.
"Sebastian?" narinig na naman niya ang boses ni Keya sa pinto.
Sebastian.
That name sure makes his body squirm pero hinahayaan niya lang si Keya na tawagin siya nito sa ganitong pangalan, ang ikalawa niyang pangalan, dahil doon nasanay ang dalaga noong mga bata pa lang sila. Agad ay nag-angat ng tigin si Aries upang makita ang pinsan na nakadungaw ang ulo sa pinto habang ang katawan ay nasa labas ng office ng lalaki. Ini-adjust ni Aries ang spectacles niya at matamang tinaasan ng dalawang kilay ang pinsan.
"Uh, I know you're busy," panimula nito bago ngumiti ng pa-inosente, "But, uh, you know. . ."
"What is it? I'm busy." sambit kaagad ni Aries na parang walang balak na pumayag sa kung ano man na favor ang hihingin ng kaniyang pinsan.
Kilala na niya ito. Alam niyang kapag ganito ito ay hihingi ito ng pabor.
"Yeah, am, I'm heading to the clubs. My friends are going. I want you to come—"
"Ms. Aesthen, nako hindi! Okay lang, kaya ko na ito!"
Biglang narinig ni Aries ang malakas na boses ni Zaldi sa labas ng office. Agad siyang napakuyom sa ballpen na hawak at saka tinitigan ang laptop niya. Hinihiling niyang sana ay magshutdown na ang buo niyang sistema.
"Nako, Sir Zaldi, hayaan mo na ako." tatawang sambit naman ni Aesthen sa labas na nagpanginig sa katawan ni Aries.
Fuck.
She's coming back to his system.
Napahilot na lang ng kaniyang temples ang lalaki at saka agad na tinanguan si Keya.
"I'm coming with you," tipid na sambit nito bago pinagpatuloy ang paghilot sa temples niya.
Mabuti na siguro iyon, para makalimutan niya si Aesthen mamayang gabi.
Mas mabuti na rin iyon. Dahil kung aalis si Keya mamayang gabi, malamang ay magiging silang dalawa lang ni Aesthen ang matitira dito. . .at tinamaan na lang ng lintik kung makagagawa siya ng bagay sa dalaga na alam niyang pagsisisihan niya pagkatapos, kung hindi rin siya aalis.
Hindi niya iyon kakayanin. Better yet, sumama na lang siya kay Keya and forget about the damn girl. Remove her from his system, even just for a night.
"Yay! Really?" natuwang sambit ni Keya at napapalakpak pa bago ito nanakbo papunta kay Aries.
"I really love you, Sebastian! Thanks!" tuwang-tuwang sambit nito na parang bata na unang beses lang nakasakay sa Carousel. Sa tuwa nito ay agad na naupo ito sa lap ni Aries at ipinulupot ang dalawang braso nito palibot sa leeg ng lalaki.
"Yes! I'm going with you on the clubs!" natutuwang sambit nito at saka hinigpitan pa ang yakap kay Aries.
Napahinga na lang si Aries ng malalim nang biglang tumabingi ang spectacles niya dahil nasanggi ito ng mga braso ni Keya.
BINABASA MO ANG
The CEO's Scheme
RomanceAries Caballero isn't just the co-writer. He is the story. Nang matanggal si Aesthen Blanco sa pagiging isang journalist sa Cutesy Magazine, ay biglang sulpot na lamang ni Aries Caballero, ang CEO ng Cavaliers Company for Undergarments upang bigyan...