31 - Written Truth

3.3K 60 10
                                    

Warning: Read at your own risk.

KANINA pa pabalik-balik si Aesthen sa paglalakad. Mag-isa na lang kasi ulit siya sa penthouse dahil wala si Aries. Marami daw itong aasikasuhin ngayong araw. Kanina pa siya hindi mapakali. Mamaya’t maya ang pag-inom niya ng kape. Paulit-ulit rin niyang sinusulyapan ang digital clock sa taas ng LED TV ni Aries.

7:45 p.m.

Padating na kaya si Aries?

“Damn it. Bahala na.” sambit niya at agad nang nagmadali sa pag-akyat papunta sa taas.

She really wants to read the journal. Kahapon pa niya iyon minamatahan at hindi siya makatiyempo ng tamang oras para basahin iyon. Hindi naman siguro magagalit si Aries kung makitang binabasa niya iyon diba? She just wants to know him well.

Wala namang masama kung basahin niya ito diba? Bata pa lang naman ang lalaki nang maisulat ito. Wala naman sigurong kung ano doon bukod sa galit niya sa mama niya at sa mga tungkol sa crush niya, diba? Baka nga tawanan na lang siya ni Aries kapag nakita siya nitong binabasa iyon.

Awa ng Diyos, napahinga na lamang ng malalim si Aesthen nang mapihit niya pabukas ang seradura ng pinto ng personal office ni Aries. Mabuti na lang talaga at hindi ito nakalock.

Huminga siya ng malalim bago lumapit papunta sa cabinet na iyon at saka unti-unting binuksan.

Shit. Why does she act like it’s a big deal, na para bang magnanakaw siya ng kung ano? Pero tama naman diba, magnanakaw siya, hindi man ng pera o kahit na anong importanteng o mahalagang bagay, kundi ng sikretong pinagkaingatang ng halos isang dekada. A truth only his diary knows. Damn, kung siya malamang ang magkakaganito ay ibabaon niya sa lupa nang walang makabasa.

Napasampal na lamang si Aesthen sa noo.

Don’t think like that.

Of course, bata pa si Aries nito. Pustahan tatawanan mo lang ang nasa loob niyan, Aesthen.

Napapikit na lamang ng mga mata si Aesthen nang makapa na niya ang journal sa likod ng mga picture frames.

Sa wakas ay nahawakan na niya ang journal at agad itong inalabas sa cabinet. Matapos ay isinara niya kaagad ang glass window nito.

A thirteen-or-so-year-old's journal. An entertainment. Aesthen laughed out at the thought of curious Aries writing about how he discovered masturbation. Malamang ay aasarin niya ang lalaki kapag nabasa na niya ito ng buo.

Ngumisi ang dalaga bago lumapit sa desk ni Aries at saka naupo sa swivel chair nito. Bago pa man niya mabuksan ang journal ay agad na nahagip ng mga mata niya ang isang photo frame na nakaharap sa kaniya ngayon, dito mismo sa table ni Aries.

Kaya’t hindi niya ito nakita noon ay dahil hindi naman ito nakaharap sa kaniya, at ang maaari lamang makakita nito ay kung sino ang nakaupo sa swivel chair na ito.

Parang bumaliktad sa tuwa ang tiyan ni Aesthen sa nakita.

Aries have a picture of her. Sa beach house. Iyong time na nagtatampisaw siya sa dagat at walang suot kundi ang undies lang niya. Kuhang-kuha ang masaya niyang mukha dito.

Hindi mapigilan ni Aesthen na maiangat ang kamay para abutin ang photo frame at saka haplusin.

Hindi makapaniwala si Aesthen. May picture niya si Aries dito sa table nito. Lumulukso ang puso ng dalaga sa tuwa. Aries is in love with her—probably.

Dali-dali niyang tinanggal ang tali ng journal at saka tinignan ang unang entry.

February 13, 2003

The CEO's SchemeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon