45 - Lover's Conflict

3K 53 2
                                    

Hindi nagsasalita si Aries at prenteng nakaupo lamang ito sa likod ng limousine kahit na pinamumulahan na ang mukha sa galit.

Hindi na ito nakausap pa ni Aesthen simula nang iniwan nila ang Masquerade Bash nang hinihila siya ng galit na galit na si Aries palabas ng venue.

Hindi man lang niya naramdaman ang party. Ni parang nilibot lamang siya at saka tumigil sa verandah. Hindi man lang niya naabutan ang Dance with Masked Ladies Auction for a Cause o kahit makipagsayaw man lang sa kahit na sino sa party. Napangiwi na lamang ang dalaga. Para lang siyang dumaan doon. Sayang tuloy ang outfit niya.

Agad niyang nilingon si Aries na pinapatay na sa tingin ang bote ng champagne sa tapat nito. Hindi gumagalaw ang mukha nito at maging ang katawan, miski yata ang pagkurap ng mga mata ay tinigilan na nito.

Biglang nag-igting ang panga nito at saka naikuyom ang kaniyang kamao ngunit hindi niya nilingon si Aesthen.

Napahinga na lang ng malalim ang babae. Ganoon na nga lang siguro talaga ang galit nito kay Samuel, kaya hindi na muna nagkumento pa si Aesthen tungkol doon, baka madamay pa siya sa galit ng lalaki.

"You, don't fucking look at me!" untag ng lalaki at saka nag-angat ng tingin kay Aesthen. Nag-aalab ang paningin ng lalaki kaya agad napakunot ang noo ni Aesthen.

Bakit pati siya ay nadamay?

"Huh?" gulat na tanong ni Aesthen at hindi pa rin lumihis ng tingin sa lalaki.

"I said don't. fucking. look. at. me." nanggigigil na sambit ng lalaki kaya agad ay umiwas na ng tingin si Aesthen pero nakakunot na ang noo nito at bahagya nang nairita.

Ano bang ginawa niya at iritadong-iritado ito maging sa kaniya?

Dahil ba sa palpak niyang trabaho?

Napangiwi na lamang ang babae at saka napairap sa hangin. amn Aries, at ang kasungitan niya!

Bwisit.

***

Hindi man lang siya pinagbuksan ng pinto ni Aries nang makalabas ito, na nagpabusangot lalo sa naiirtita nang hitsura ni Aesthen.

Mas ginigigil lang siya ng galit na lalaki.

Kaya bali na lang ang pagyapak niya sa tiled floor ng lobby, na tila pa ay ibabaon niya ang stiletto na suot sa sahig nang dahil sa maingay at mapuwersang mga yabag niya. Nag-angatan na lang ng tingin ang mga busy na receptionist ngunit walang kahit isa ang nagdare na magsalita dahil nakita naglalagablab na galit na awra ng dalawa.

"Damn it! Why are you with that guy on the Gallery?!" nagtatangis ang mga bagang na sigaw ni Aries pagpasok na pagpasok nila ni Aesthen sa foyer ng penthouse niya. Hindi na ito makapagpigil pa sa init ng ulo na kanina pa gustong-gustong ilabas.

Sinamaan lang siya ng tingin ng babae bago ito nagmadaling maglakad papunta sa pinaka malapit na sofa at saka naupo bago tinanggal ang high-heeled shoes nito na kanina pang dahilan kung bakit sobrang hapdi na ng mga daliri nito sa paa at maging ng sakong.

"FUCK! EVEN FOR ONCE, AESTHEN! WHY IS IT SO HARD FOR YOU TO OBEY ME?" nanggagalaiti na talagang sigaw ni Aries bago nagmartsa papunta sa kinauupuan ng babae.

Marahas na hinila ni Aries ang babae patayo at saka agad na ipinulupot niya ang kaniyang isang braso sa bewang ng dalaga bago niya ito pinalapit sa kaniya, at saka pinatikim ng pinaka mapait niyang halik.

Bawat paggalaw ng labi ng lalaki ay tila patalim na sumusugat sa labi ni Aesthen at nagbibigay ng kasing pait ng dugo na lasa. Dahilan kung bakit pilit niyang itinulak si Aries palayo habang pinagsususuntok ang dibdib nito, pero agad din namang nahuli nito ang mga kamay ni Aesthen.

The CEO's SchemeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon