“HEY, listen to me, okay?” kalmado at puno ng pag-aalo ang boses ni Aries na tila ba kaunting maling masabi niya lang ay iiwan na agad siya ng babae.
Nanatiling nakatingin si Aesthen sa malayo. Naiirita na rin sa loob-loob dahil nakaalis kaagad ang babae nang hindi man lang niya napagbuhatan ng kamay, at nalinis ang kalat na parang wala lang nangyari.
“Let’s take a sit, okay?” ani Aries at malungkot na tinignan ang babae bago naupo sa sofa. Kontrolado ang bawat galaw niya dahil tinitignan niya kung kakayaning takbuhin ang babae kapag bigla itong nanakbo palabas.
“You wouldn’t dare let me sit on that shit.” nagpupuyos ang galit na sambit ng dalaga at nandidiring tinignan ang sofa.
Agad namang napatayo si Aries at saka bumuntong hininga, “Alright. What about in my bedroom?”
“Kung sa sofa mo lang may nangyayari na, what more pa kaya sa kwarto mo, Aries?” agad pinagsisihan ng babae ang lumabas sa bibig niya. Hindi niya dinouble meaning iyon pero parang gano’n na rin ang lumabas.
Nag-igting ang panga ng lalaki. Mukhang hindi niya nagustuhan ang sagot na narinig sa babae.
“My room is the most sanitized part of this house.” malamig na sambit nito ngunit kababakasan ng pagkadismaya ang kaniyang mukha, na tila gumuguhit sa kaniyang likuran ang sakit ng nakaraan ngunit hindi niya lamang pinapansin.
“Ayaw kong pumasok sa kwarto mo.” iyon na lamang ang nasagot ng babae na tila ay naguilty rin sa sinabi niya kanina. Hindi niya kasi gugustuhing makapasok sa kwarto ng lalaki kung gusto niyang makaalis ng maaga.
Alam niyang mag-iiba ang atmosphere sa kwarto nito lalo na’t isang araw niyang pinigilang kitain ang lalaki. Hindi siya nakasisigurong kaya niyang kontrolin ang sarili kapag nangyari iyon—kahit na inis at puyos ng galit pa ang nararamadaman niya ngayon.
“Okay, on my personal gym, then.” pautos na sabi ng lalaki at tahimik nang naunang maglakad. Hindi na niya hinantay pa ang sagot ng babae.
***
Kahit kailan, sa tanang buhay ni Aesthen, ay hindi pa siya napunta sa kahit anong gym. Ito ang unang beses na pagtapak niya sa floor ng gym. Tila nang-aakit ang kwartong ito lalo na nang masilayan ni Aesthen ang iba’t ibang poster ng hubad na katawan ni Aries sa bawat taon na hanggang tiyan lamang ang kuha.
Agad napaiwas ang mga tingin ni Aesthen mula doon at pinigilang pagpokusan ang poster noong 2016.
So damn pervert, this man!
Pati pa ba naman ang hubad na sarili ay ididikit sa kaniyang dingding?!
“What is it you wanted to talk about?” tila nawala ang kung anong ekspresyon ng babae kanina at agad na naging monotonous na naman.
Napabuntong hininga na lamang ang lalaki bago naupo sa apakan ng treadmill.
“That thing about the girl.” sambit nito na parang hindi alam kung paano magsisimula. Magdadagdag pa sana siya nang bigla siyang pigilan ni Aesthen dahil nauna na ito.
“You don’t have to explain, Aries. May pake pa ba ako?” malumanay pero may diin sa pagsasabi ni Aesthen habang nakatingin sa lalaki. Aware siya sa napakabilis na pagtibok ng kaniyang puso. “I just came by to pick up my shoes.”
BINABASA MO ANG
The CEO's Scheme
רומנטיקהAries Caballero isn't just the co-writer. He is the story. Nang matanggal si Aesthen Blanco sa pagiging isang journalist sa Cutesy Magazine, ay biglang sulpot na lamang ni Aries Caballero, ang CEO ng Cavaliers Company for Undergarments upang bigyan...