"WAG AKO"
By: Zyra Crystel Barles
Mahal naalala mo pa ba kung paano tayo nagsimula, sa kung paanong ang ngiti sa ating mga labi ay hindi mabura basta't tayoy magkasama, sa kung paano'ng ang yapos mo at halik ang gamot sa lahat ng sakit, nagpapagaan sa lahat ng bigat na aking napasan at bumubuo, bumubuo sa araw kong kulang kulang.
Mahal, naalala mo pa ba ang bawa't saya, bawat away na pareho nating nalampasan dahil mahal natin ang isa't isa , bawat luha na pareho nating pinunasan dahil hindi kita kayang mawala, at ganun ka din diba? kaya nga't tayoy nagtagal, kaya nga't tayoy nagtagal ng pansamantala. pero mahal naalala mo ba din ba nung unang beses mo syang makilala, nung unang beses kayong nagkasama, nung unang beses ka nyang mapangiti pati ang mapupungay mong mga mata, noong naguusap kayong dalawa, na parang kayo lang dalawa na parang walang ako, walang tayo sa mundo nyo.
Mahal naalala mo pa ba ang una kong pagiyak ng dahil sa kanya malamang hindi, malamang hindi, hindi dahil sa nakalimutan mo na, meron kang amnesia, malamang hindi, dahil pinilit kong ilihim ang sakit, pinilit kong sarilihin ang pait, ng selos at pagka inggit dahil mukhang meron ng papalit-- MALI, MALI, mali ako, mali ako, dahil mukhang meron ng pumalit sa pwesto ko sayo.Hanggang sa di ko ng mapigilan tinanong kita ng walang pag aalinlangan 'may gusto ka ba sa kanya?' pero sabi mo 'Ano ka ba, kaibigan ko lang siya' mahal naman, hindi ako tanga, hindi ako tanga para hindi malaman ang espesyal sa kaibigan lang, hindi ako bulag, para hindi makita sa inyong mga mata ang saya na tila may kakaiba, may kakaiba pagdating sa kanya pero naniwala pa rin ako , naniwala parin ako na wala lahat sa inyo, ang pagtiis mo sakin na hindi ako kausapin habang kausap mo siya, oo wala lang yon.
Ang pagpupuyat mo gabi gabi at pag abot niya ng umaga, sa pagkukulitan sa mga bagay bagay na pagkakapareho niyo pala, oo wala lang yon. ang pagbabahagi mo sa kanya, ng paborito mong kanta, habang sabay kayong nag aaliw sa ilalim ng musika, oo wala lang yon.
Dahil gaya ng sabi mo kaibigan mo lang siya at ako, ako ay di dapat mangamba. Siguro nga, siguro nga, masyado lang akong malisyosa para pag-isipan kayo ng hindi maganda kaya mahal nais kong humingi ng tawad sayo at sa kanya, patawad dahil nasaktan ako nung makita kong mas kaya niyang pasayahin ka, patawad kung nagalit at nagselos ako noong nakita kong nabubuo niya ang araw mo kahit magulo tayo, mahal, mahal, patawad dahil kinailangan ko ng sumusuko ng laban sa pag ibig nato, dahil alam kong ako na ang talo.
Ngayon kung magbabago man ang ikot ng mundo, at sasabihin mo sakin mahal mo pa ako at itatanong mo ba sa akin kung pwede pa ba tayo at sasabihin mong bumalik ako sayo, pakiusap lang, wag na ako, kung pipili ka sa pagitan namin ng kaibigan mo, wag ako, hindi dahil sa mas maganda siya, hindi dahil sa mas kaya nyang pasayahin ka, hindi dahil sa mas matalino siya, o mas magaling sa larangan ng musika, kung sa tingin mo ng isa sa nakaraan mo ang bubuo sayo, wag ako.
Wag ako hindi dahil sa hindi kita kayang panindigan, wag ako hindi dahil sa hindi ko kaya syang tapatan, wag ako, hindi dahil, hindi ko kaya syang higitan, wag ako dahil hindi sa hindi kita kayang ipaglaban, wag ako, hindi dahil sa ayoko sayo at kung sa tingin mo, meron kang isang taong kailangang pang ipaglaban, pakiusap lang wag ako.
Wag ako dahil hindi dahil hindi ako si basha ng second chance, o dahil sa hindi na kita gusto at ayoko na sayo wag ako dahil hindi mo naman kailangang pumili sa aming dalawa , dahil kung ako talaga, sa umpisa palang ako lang sana.
Wag ako dahil hindi mo ako dapat balikan dahil ako ang sumuko at ng iwan pero sana.. hindi mo ko binigyang ng dahilan, wag ako dahil ayoko ng maging makaraan sa iyong kinabukasan wag ako dahil ayoko ng mawasak muli sa parehong paraan, ayoko ng umiyak ng paulitulit sa parehong dahilan dahil kinaya ko na, mahal kinaya ko ng mabuo ng sarili ko lang kaya mahal pakiusap ko sayo kung magmamahal kang muli,
wag ako.
---
Do some Comment and Vote :) sa lahat na napanood kong Spoken Poetry ito talaga ang masakit XD
@WooJiPark

BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
PoetryHi sa lahat ng gustong magbasa ng spoken poetry ay basahin niyo ang librong ito :) hindi po sa akin lahat ang mga poetry na nandito... :) ilalagay ko lang po ito dahil sa dare ng kaibigan ko :) may mga pangalan naman na inilagay ko para malaman...