"Hanggang sa Pagbalik Mo"
By: 271
Sa pagbalik mo,
tinutupad ko na ang mga pangarap ko,
Tulad ng ginawa mo
nuong nilisan mo ako
Sa pagbalik mo,
Pareho na tayo
Masaya at malago
Hinaharap na ang bagong yugto
At Sa pagbalik mo,
Malaya pa rin ako
Sana ikaw rin
Malaya tulad ko
Dahil alam mo?
Sa kabila ng lahat
Ikaw pa rin ang sigaw ng puso
Kahit sa tagal nang iyong paglaho
Ikaw pa rin ang hinahanap hanap nito
Kaya sana sa pagbalik mo,
Sana muling ipagtagpo
At sana sa panahong ito
Ako naman ang piliin mo
At mahalin mo rin ako
Dahil hanggang sa pagbalik mo,
Nandito pa rin ako
Naghihintay pa rin sayo
Nandito pa rin ako,
Nagmamahal sayo...
Hinintay kita,
Hinantay kita
Hanggang sa iyong pagbabalik,
Kahit ilang taon, buwan, oras o minuto
Hinantay ko,
Ang pagbabalik mo
Sana naman mapansin mo
Ang mga ito para sayo
lahat ng pagod at sakripisyo
dahil kahit ano
kaya kong gawin para sayo
kahit alm kong hindi mo maipapangako
na tatanggapin at mamahalin mo rin ako...
Pero uulitin ko,
Hanggang sa pagbalik mo,
Nandito pa rin ako
Umaasa sayo
PS. Para sayo JB"
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
PoetryHi sa lahat ng gustong magbasa ng spoken poetry ay basahin niyo ang librong ito :) hindi po sa akin lahat ang mga poetry na nandito... :) ilalagay ko lang po ito dahil sa dare ng kaibigan ko :) may mga pangalan naman na inilagay ko para malaman...
