"Paalam"
By: Mica
Pagsuko ang naisip na paraan para ang sakit ay matapos na.
Pagsuko ang naisip na paraan para ang lungkot sa puso ay mapalitan ng ligaya.
Ligaya na nawala matapos mo akong baliwalain sinta.
Pero mahal, hihintayin mo pa ba ang pagsuko ko bago ka malinawan?
Malinawan sa mga bagay na hindi mo makita sa panahong ako'y nakakapit pa.
Nakakapit pa sa binitawan mong salitang "MAHAL KITA"
Ngunit nagtapos sa dalawang salitang "PAALAM NA".
Paalam na hindi nais marinig mula sayo
Ngunit sa akin pala manggagaling ito.
Dito na magtatapos ang salitang merong "TAYO".
Kaya mahal paalam, patawarin mo sana ako.
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
PoesiaHi sa lahat ng gustong magbasa ng spoken poetry ay basahin niyo ang librong ito :) hindi po sa akin lahat ang mga poetry na nandito... :) ilalagay ko lang po ito dahil sa dare ng kaibigan ko :) may mga pangalan naman na inilagay ko para malaman...