Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Huwag Ako

2K 12 0
                                        


"Huwag Ako."

By: Unknown


Huwag ako
Alam ko na yan
'Di ka magaling magsinungaling
Huwag na tayong maglokohan

Huwag ako
Kabisado na kita
May alinlangan sa'yong tinig
At pagdadalawang-isip sa'yong mata

Huwag ako
Alam ko na ang lahat
Umamin ka na lang
Madali lang saking magtapat

Patatawarin kita
At yayakapin ka pa
Pero wala nang magagawa
Kung ang sinasabi na ng puso mo...

Huwag ako.





----

what do you think about this poetry? please do comment and vote :) 

Spoken PoetryMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon