"Sa Pagitan ka Natagpuan"
by: Maimai Cantillano
Parati ko naririning ang dalawang uri nang pag-ibig.
'Ang tamang pag-ibig sa maling panahon.'
at 'Ang tamang panahon ngunit maling pag-ibig.'
Hindi ko alam kung alin tayo sa dalawa...
kung tama pa ba na may 'tayo'
o kung 'mali' na.
Nasan ka na ba?
Hindi na ba tayo muling magkakatagpo?
Dahil kung ito'y tagu-taguan,
hindi ko alam kung sino sa atin ang taya
at kung sino sa atin ang nawawala.
Napakaliwanag ng buwan,
Ngunit hindi pa rin tayo magkakita.
Hindi ko alam kung sino sa atin ang nagtatago,
dahil matagal nang tapos ang 'isa hanggang sampo.'
at matagal na rin akong lumabas mula sa aking pinagtataguan.
at 'ngayon patuloy na naglalakad sa kawalan na dati ay kalawakan.'
'Kalawakan' na sabay nating minamasdan, sa ilalim ng
nagniningning na bituin.
kasama ang mga alitaptap na sumusulyap sa pag-ibig natin.
Ngunit, sino nga bang nagtatago at sino ang naghahanap?
Malalim na ang gabi ngunit wala ka pa rin sa aking tabi,
kaya sinabi ko 'hindi na ako pwedeng maglaro.'
'Hahanapin kita' kaya't ako ay tumayo, wala akong pakialam kung
ako man ay madapa o kung ako man ay mataya.
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
PoezieHi sa lahat ng gustong magbasa ng spoken poetry ay basahin niyo ang librong ito :) hindi po sa akin lahat ang mga poetry na nandito... :) ilalagay ko lang po ito dahil sa dare ng kaibigan ko :) may mga pangalan naman na inilagay ko para malaman...
