Huling Patak ng Luha

1.3K 10 0
                                    


"Huling patak ng luha"

By: Kenn Joshua


Eto na naman ako sinusulat ang isang pyesa para sayo.

Pyesa na nagsasabi na kaya ko na.

Kaya ko na kalimutan ka.

Kaya ko na ipagpalit ka.

Pero teka eto na ang huling luha 

na papatak galing dito sa mga mata ko.
At kung akala mo maghahabol pa ako, aba teka manigas ka.

Alam kong masaya ka na at masaya na din ako kaya patas na tayo.

Naging bilanggo man ako ng pagibig mo, salamat malaya na ako.

Hindi ka man kayang kalimutan ng isipan ko pero eto kinakaya ng puso ko.
Eto na ang huling luha ko na sasayangin ko dahil sa dalawang buwang pagibig mo.

Kung eto man ang huling pyesa ko para sayo sana matuwa ka.

Matuwa ka na kahit itoy dala ng luha ko iniisip pa rin kita.

Eto, eto lang ang hiling ko na sana mahanap mo ang pagibig na di ko naibigay ng sapat sayo.
Salamat sa sakit,

pagdaramdam at sa mga pangako natin na tila lahat ay napako.

Ngayon akoy natuto,

akoy nagising at akoy babangon at muling magmamahal pero pasensya hindi na sayo.




---


do comment and vote :) 

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon