10 Bagay na Natutunan ko Mula sa Pagibig

3.2K 25 0
                                    



Para sa mga Umiibig, Nasasaktan pero umiibig parin kase TANGA.


" 10 bagay na natutunan ko mula sa mga umiibig."

By: Juan Miguel Severo


1. Napakatamis ng mga simula,

Ng mga umaga na ang bumubungad sayo ay ang kanyang mukha,

Nag-aalmusal ka ng kilig,

At pagdating sa gabi ay baon mo s'ya hanggang sa paghimbing dito,

Dito mo matututunan ang tunay na kapangyarihan ng isang ngiti,

Ng ibang kamay na humahawi sa'yong mga buhok,

Ng mga mata na sumisisid sa'yong kaluluwa,

2. Napaka daling maging kampante,

At masanay sa pagmamahal,

Ang malunod sa kapangyarihan ng kami,

Ng tayo, Ng atin, Paano naman ang kanya?

Paano naman ang ako?

Napaka daling malunod sa akalang ang iyo, Ay mananatiling iyo,

3. Mapapagod ka pero,

4. Ang tunay na pag-ibig ay hindi dapat sinusukuan diba?

Pero,

5. Ang tunay na pag-ibig ay hindi parating sapat,

Kapag ang mga pakpak na binigay nito sa'yo ay bumigat,

At naging kadena ni ayaw kang patayuin,

Kapag ang langit na dating nilipad mo

Ay naging kulungan na,

Na sa'yo naman ang susi at kandado

Pero ayaw mo pang lisanin,

6. Ang pinaka mabagsik mang apoy ay mamamatay,

Maghanda ka sa sakit,

Pero wag kang mag-aalaga ng galit.

Ito ang pang,

7. Iiwan kang puno ng sugat at pilat at paltos nito,

Iiwan ka nitong abo,

8. Maghanda ka sa wakas,

9. Alam ko parang hindi ka pa talaga handa sa wakas,

Wala naman kase yatang nagiging handa sa wakas pero,

10. Andyan ang wakas At sa wakas,

Mahalin mo pa sya,

Sa tingin,

Sa tanaw,

Mula sa abo na iniwan ng dati nyong apoy mahalin mo pa sya,

Pero kapag ang pakpak ng dati mong pag-ibig,

Ay naging gapos na,

Kapag ang langit na minsan mong nilipad ay naging kulungan na,

Mahalin mo sya,

Sa huling pagkakataon, Pagkatapos, Bitaw na.




---


Do some comment and vote :) 




Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon