" Ikaw at Ako."
By: AK Cruz
Ikaw at ako
Ikaw yun tipo ng taong ang hirap hirap bitawan
Ikaw yun tipo ng pagmamamahal na hahanap hanapin kahit saan Ikaw yun tipo ng pagkakamali na nais kong gawing muli
Ikaw yun tipo ng pagmamahal na wala mang kasiguraduhan Wala mang paanyaya Walang sapat na dahilan
Pero ikaw ikaw ang gusto kong makasama.
At ako Ako yun tipo na ang dali dali ko iyong bitawan
Ako yun tipo ng di mo handang isugal lahat ng iyong mga baraha
Kasi ganun naman talaga hindi diba
Ikaw at ikaw parin yun bida sa kwentong na ito
Ikaw ang kalangitan para sa lahat
Pero ako Ako ang kadilimang sa gabing tulog na ang mga ulap
Nais kong panghawakan ang salitang tayo
Ngunit sa bawat sambit ko nito
Ay isinisigaw mong tapos na tayo
Bakit ka bumitaw na parang ikaw lang ang nakakakapit
Bakit ka naglayag sa madilim na karagatan
Na parang ikaw lang ang lulan sa barko ng ating pagmamahalan
Pano naman ako
San nga ba ang lugar ko sa puso mo
Oh mas tamang itanong
Kung may lugar nga ba ako jan sa puso mo
Ang hirap mahalin ng taong iba ang aksyon sa ibinubuka ng bibig
Ang hirap mahalin ng taong ginawa mong sentro ng iyong mundo
Pero para sa kanya isa kalang sa kontinente nito
Bakit nga ba nabuo ang salitang tayo
Kasi gulong-gulo na ako
Totoo ngang mas lamang ang ikaw sa ako
Kasi kinalimutan ko ang sarili ko
Mailagay ka lamang sa tuktok ng buhay ko
Na wala ang ako
At kung hindi mo parin pansin Ikaw at ako ay di na nga magtatagpo.
---
Do some comment and Vote :)

BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
PoesiaHi sa lahat ng gustong magbasa ng spoken poetry ay basahin niyo ang librong ito :) hindi po sa akin lahat ang mga poetry na nandito... :) ilalagay ko lang po ito dahil sa dare ng kaibigan ko :) may mga pangalan naman na inilagay ko para malaman...