"Dati."
By: unknown
Dati.
Noong bago pa lang tayo
Ang katahimikan ay pakikinig sa iyong paghinga
Siyang hangin na dumadaloy sa aking pisngi
Hanggang sa aking kaluluwaBinubulong ang iyong pangalan
At mga salitang, "Mahal kita."
Parang walang katapusan
Puro magaganda kasi ang umpisaPero ngayon na nangyari na ang lahat
Wala na ang bakas ng pabango mo sa tuyot ko nang balat
Ang katahimikan mo ngayon, nakakalagot na ng hininga
Pagtapos mong sinabi...
Dati. Mahal kita.
----
what do you think about this poetry? please do comment and vote :)
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
PoetryHi sa lahat ng gustong magbasa ng spoken poetry ay basahin niyo ang librong ito :) hindi po sa akin lahat ang mga poetry na nandito... :) ilalagay ko lang po ito dahil sa dare ng kaibigan ko :) may mga pangalan naman na inilagay ko para malaman...