"Kaya Ko Pa."
By: Unknown
Sige lang
Maglagalag ka
Gawin mo ang lahat ng iyong gusto
Kung kulang na ko para sa'yo
Sige hanapin mo ang sarili mo.Sige lang
Lumayo ka
Lahat naiintindihan ko
Kung sa tingin mo ang isang relasyon ay binubuo lamang ng mga masasayang alaala
Mali ka
Pero maghihintay ako.Sige lang
Sumama ka sa kanya
Kung sa ngayon dyaan ka liligaya
Para sa pagbalik mo alam mong hindi ko sinayang lahat ng pag-ibig mo
Sa ngayon, magpaparaya muna ako.Hindi ako baliw.
Huwag ka saking magtaka
Kaya kong masaktan para sa'yo
Kasi nga mahal kita.Pero kung may gugustuhin man ako ngayon
Gusto ko nang mapagod maging tanga
Nakakaasar langKasi kaya ko pa.
---
what do you think about this poetry? please do comment and vote :)
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
ПоэзияHi sa lahat ng gustong magbasa ng spoken poetry ay basahin niyo ang librong ito :) hindi po sa akin lahat ang mga poetry na nandito... :) ilalagay ko lang po ito dahil sa dare ng kaibigan ko :) may mga pangalan naman na inilagay ko para malaman...