Hindi ko alam

856 9 0
                                    


"Hindi ko alam"

By: Darl


Hindi ko maipaliwanag ang aking nadarama.
Bawat sulok, bawat gilid, sa paligid, ikaw ang laging naaalala.
Naalala ang nakalipas, masayang alala kasama ka.
Ang dating walang hanggan, nagkaroon na ng katapusan.
Tinatanong ang sarili "saan ba nagkulang?"
Pagkukulang ba ang tawag sa halos kalimutan ko ng alagaan ang sarili ko kakahabol sayo?
Eh ang isakripisyo ang ibang bagay para lang sa taong yun?
Pagkukulang ba ang paghihintay sayo ng matagal kahit na minsan di mo ako sinisipot o madalas gabihin ng uwi basta makita ka lang?
Pagkukulang pa rin ba ung laging pagiintindi sayo samantalang ikaw iba ang iniintindi?
Ung pagbibigay halos lahat ng oras ko para sayo, pagkukulang ba un? Kulang pa ba ang lahat ng iyon?

Akala ko totoo, akala ko totoo ang lahat.
Akala ko totoo ang nararamdaman mo.
Akala ko totoo ang mga pangako mo.
Akala ko totoo ka.
Totoo naman pala, totoo na ako lang talaga ang nagmahal sa ating dalawa.
Napaniwala mo ako na hindi mo na uulitin ang mga pagkakamali na nagawa mo dati.
Napaniwala mo ako na ako lang talaga.
Napaniwala mo ako na wala ng iba pa.
Napaniwala mo ako na mahal mo ako.

Naalala mo pa ba ung mga kwentuhan natin,
Sabi mo pa sa akin walang iwanan, pero ngayon ako ang naiwan.
Naalala mo pa ba kapag nalulungkot ka kasi sabi mo walang naniniwala sa kakayahan mo, eh lagi ko naman sinasabi sayo na magaling ka at lagi akong nakasuporta sayo.
Naalala mo pa ba ung mga panahong umiiyak ka sa akin dahil sa mga problema mo, hindi naman kita iniwan diba? Pinakinggan kita.
Naalala mo pa ba ako? Hindi ko alam. Siguro hindi na. Nakalimot kana.
Pero bakit ngayon biglang di mo na ako kailangan? Masaya naman dati diba?
Kahit anong problema kinakaya, kaso biglang nagbago lahat.

Simula ng ikaw ay mawala, pinilit kong ayusin ang lahat.
Pinilit kong kausapin ka kahit minsan binabalewala mo ako.
Ni simpleng "kamusta kana?" Hindi mo pinapansin. Gusto ko lang naman malaman kung okay ka talaga.
Gumagawa ka nalang ng mga dahilan.
Tinanong kita ngunit ang lagi mong sinasagot ay "Hindi ko alam."
May pagasa pa ba? "Hindi ko alam."
Babalik ka pa ba? "Hindi ko alam."
At ang pinaka masakit ay ang tanong na,
Mahal mo pa ba ako? "Hindi ko alam."
Nung sinagot mo ang mga tanong na yan, hindi ko rin alam ang mararamdaman ko.
Hindi ko alam kung bakit ganun ang mga sagot mo.
Siguro nga kapag mahal mo talaga ang isang tao magiging tanga ka talaga.

Lumipas ang ilang araw, ilang buwan,
Mukha masaya ka naman at hindi mo na ako naalala.
Pinipilit ko rin maging masaya.
Hindi ko rin naman kasi alam kung babalik ka pa.
Hindi ko na rin alam kung aasa pa ako bukas.
Hindi ko na rin alam ang dapat gawin siguro dapat maging masaya nalang ako para sayo.
Siguro nga kahit mahalin mo ang isang tao ng sobra at buong buo, magagawa ka pa rin niyang lokohin at iwanan.
Salamat,
Salamat sa halos dalawang taon na nakasama kita.


$N

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon